Pahina XXVII

5.5K 116 2
                                    

Pahina XXVII:

Start:

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mga mata ko.


Naramdam ko ang hindi kalambutang kama na hinihigaan ko. Ang bigat din ng ulo ko. Shit! Nasaan ako?

Agad akong napamulat ng mata ng maramdamang may nakayapos na maliit na kamay sa tiyan ko kaya agad na napakunot ang noo ko habang nakapikit pa rin.

Bakit pa kasi ako uminom kagabi! Ang sakit kasi sa matang makita si Andrea at yung lalakeng yun! Mag-asawa na ba sila? Bakit nasa iisang bahay sila?

Sa pagtataka sa kamay na napaakap sa akin ay napagdesisyonan kong imulat ang mga mata.

Una kong nakita ay ang pader na hallow blocks lamang at isang lumang aparador.

Kasunod non ay ang pintuan na kurtina lang ang takip. Shit! Nasaan ako!


Pinasadahan ko ng tingin ang tiyan ko nang may gumalaw doon.

Kaagad na nanlaki ang mata ko ng mamataan ang isang batang lalake na kamukhang-kamukha ko!

God.....is this my son?

"C-clifan?" mahinang bulalas ko bago nagdesisyong umupo sa kama bago pakatitigan ang anak kong mahimbing pang natutulog.

Ramdam na ramdam ko ang pamimilis ng tibok ng puso ko dahil sa kakaibang emosyon na nararamdaman ko.

Parang sumasabog sa saya ang puso ko habang nakatingig sakanya. Pakiramdam ko ay tumitingin lang ako ng old pictures ko noong bata pa lang ako.

Sa nunal sa baba ng mata nito at sa hugis ng mukha. Kung hindi lang ito sobrang maputi ay aakalain kong ako talaga ito. Walang duda! Anak namin siya ni Andrea.

Bahagya ko muna itong hinaplos sa mukha bago ilibot ulit ang paningin sa buong kwartong kinaroroonan namin.

Sa mga pictures pa lang na nakadisplay sa kwarto ay malalaman mo ng sa kanila ni Andrea ito.

Bahagya akong nakaramdam ng lungkot dahil hindi ko man lang nasubaybayan ang paglaki ng anak naming dalawa.

Parang binabasag ang puso ko sa kaisipang natutulog ako sa malambot na kama at magandang kwarto. Kumakain kahit saan, sa masasarap na kainan at nabibili lahat ng guto habang ang silang dalawa ay ganito. Natutulog sa manipis na kutson at maliit na kama at lumang electric fan lang ang nagsisilbing pamaypay nilang dalawa.

Kita ko rin ang lumang sapatos ng anak ko sa isang tabi. Habang nakatitig sa sapatos nito ay halos mapunit ang puso ko na magiging dahilan para mag-init ang mga mata ko.

God....bakit hindi ko alam na ganitong buhay ang meron si Andrea? Akala ko ay masyado lang itong desperada at babaeng walang ibang inisip kundi sarili

Ni hindi ko alam na birhen pa lang siya ng nagdesisyon akong pagbigyan ito sa hiling niya. Aminin ko man o hindi ay alam kong ginusto ko rin iyon.

Sa katunayan ay nabighani na ako sa kanya unang kita pa lang. Nung sa may jeep pa lang..

God, Andrea. Bakit hindi kita agad hinanap nung araw na yun? Bakit pa kita pinakawalan nung mga panahong baliw na baliw ka pa sa akin?

"I-idol?" narinig kong sambit ni Clifan bago ko makita ang paghawi ng kurtina na kagagawan ni Andrea.

"Mama, bakit nandito si Idol Jack?" inosenteng tanong nito sa gulat na gulat na si Andrea na nasa bukana ng pintuan.


"A-anak...kumain ka na muna dun. Nandoon na ang lola mo.." ani nito bago magiwas ng tingin sa pagtitig ko.

Agad namang tumayo si Clifan. Mula sa kinauupuan ko ay kitang kita ko kong gaano kalaki ang ang anak namin ni Andrea na sa palagay ko rin ay namana niya sa akin.

"Goodmorning, mama. Goodmorning, Idol.." nakangiting bati sa amin ni Clifan na nagpahina ng loob ko.


Parang dinadaganan sa bigat ang dibdib ko dahil walang man lang itong kaide-ideya na ama niya ako.

--------------------x
Jack's POV is done! Hahahaha. Sa mga nabitin sa last chap dahil dipa daw masusundan si Clifan. Gusto ko lang sabihin na malapit na yun. But sad to say hindi ko ipopost dito at hindi ko rin isesend. Sa wattpad ko mismo ipopost.

My Midnight Obsession: Jack SmithTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon