Pahina VI

6K 115 2
                                    

Pahina VI

Start:

Panay ang sigawan at tilian ang maririnig sa buong mall dahil sa hudyat na lalabas na raw sila Jack myloves.

Habang ako, eto, tahimik lang na nakatuon ang paningin sa stage kung saan sila magpeperform mamaya.

Shet! Sa sobrang kaba halos tumago na ang landi ko sa ilalim ng panty ko dahil di ko magawang sumigaw kagaya ng mga nandito.

Makikita ko na siya. Hindi ko maintindihan. Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon. Baka mahimatay ako rito. Ni hindi pa ako nag-almusal kahit energy gap man lang. Hayys.

Halos lumabas lahat ng tutuli ko sa tenga ng mapuno ng sigawan ang buong mall dahil sa paglabas ni Drew na may bitbit na gitara kaya si Kikay na katabi ko ay halos lumabas ang atay dahil sa kasisigaw.

Sinundan pa ito ni Jay na nagpagulo din kay Lesy. Tignan mo 'tong libag na 'to.Ang landi. Ganyan din yan sa kuya ko eh.

Sumunod na lumabas ay si Key na taga-second voice at taga tugtog ng bass.

Sinundan ito ni Rimmy na siyang nagparamdam sa akin ng milyon-milyong daga sa puso ko dahil sa kaba. Lalabas na siya. Susunod na si Jack kay Rimmy.

At halos gumuho ang buong mall ng lumabas si Jack na kasalukuyang nakasuot ng white long sleeve na tinupi hanggang siko at nakabukas pa ang tatlong butones nito kaya kitang-kita ko ang manipis na balahibo sa dibdib nito na lalong nagpadagdag ng kahot-an niya.

Shit! Napakagatlabi ako ng mapansin kong naka ripped jeans din siya at naka suot ng Timberland boots shoes na black.

"Andeyng!! Oh my God!" nagsisigaw na si Lesy na parang kinikilig para sa akin at si Kikay naman ay tahimik na tinitignan ang reaksyon ko.

Shit. Naiihi ako sa sobrang kaba!

"J-jack..." mahinang sabi ko. Nanghihina ako. Nakita ko na siya, nakita ko na sa personal ang lalaking kinababaliwan ko.

Puro hiyawan ang maririnig sa buong paligid ngunit ako ay tahimik lang na nakatuon ang buong atensyon sa harapan ng stage kung saan nakatayo si Jack..

Pakiramdam ko ay kami lang dalawa ang nage-exist dito.

Napansin ko ang pagkunot ng noon ni Jack na karaniwan niyang ginagawa habang inaayos ang pagkakasabit ng electric guitar niya sa balikat niya habang pumipwesto na sa may mic stand.

Hindi ko ma-gets ang nararamdaman ko. Na-eexcite na kinakabahan.

Nakakabago ang biglang pagtahimik ng mga taong nang i-strum ng isang beses ni Jack ang gitara niya habang kagat ang ibabang labi at nakapikit. What the---

Ganito pala ang feeling kapag nakikita ko siyang gumaganyan sa personal at hindi na sa panaginip. Nasasabik na tuloy akong maangkin niya.

Naiinis ako sa kalandian ko. Bakit ko iniisip na makasiping at mabuntis ni Jack eh ni halos hindi ko na nga mabuhay ang sarili ko tapos hihilingin ko pang mabuntis niya? Anong ipapakain ko? Napangiti na lang akong mapakla sa naisip ko. Ni, hindi ko pa nga natutupad ang mga pangarap ni nanay na mapag-aral ko ang mga kapatid ko sa oras na magtapos ako.

Napapikit ako ng mariin at agad na iminulat ang mata nang mag-umpisa na siyang kumanta na naging dahilan para titigan ko siya.

Masyado siyang malayo, not literally.


"Girl, it's been a long, long time comin' yes it has

But I, I know that it's been worth the wait yeah yeah." Umpisa nito na nagpapikit sa mata ko.

"It feels like springtime in winter

It feels like Christmas in June

It feels like heaven has opened up it's gates for me and you yeah" patuloy nito.

"Every time I close my eyes

I thank the Lord that I've got you

And you and you've got me too (You've got me too)

And every time I think of it, I pinch myself cause

I don't believe it's true yeah

That someone like you loves me too yeah

Eyy, yeah yea baby yeah" Ang ganda ng boses niya. Lalaking-lalaki na may pagka-R&B..

God, Jack. Gustong gusto talaga kita.

Hanggang sa matapos nito ang kanta ay nanatili lang akong nakapikit.

Ngayong nakita ko na si Jack buo na ang disesyon. ko. Alam kong magiging masama akong anak at kapatid dahil sa gagawin ko na alam kong pagsisisihan ko. Pero, desperada na ako.

Gusto kong maangkin ako ni Jack ng buo. At gagawin ko ang lahat. Sa araw na ito mismo.

--------x

My Midnight Obsession: Jack SmithTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon