Pahina XXIII:
Start:
Kasalukuyan kaming gumagawa ni nanay ng meryenda para kina kuya at Clifan na naglalaro sa harap bahay ng bola.
"Nay, ako na magtutuloy sa pagprito niyang turon. Pakilabas na 'tong juice," ani ko kay nanay.
"Sige, nak." sagot ni Nanay bago kuhanin ang juice na tinimpla ko kanina.
Sabado na ngayon. Ilang araw na rin ang nagdaan simula nung magkita kami ni Jack.
Hindi na ako aasa na hahanapin ako nito. Alam kong wala siyang pakialam sa akin pati na rin kay Clifan.
Masakit mang isipin pero hindi ko maiwasan.
Isipin lang na ipagtabuyan niya ang anak namin ay para ng pinipisa ang puso ko sa sobrang kirot.
Inalis ko muna ang isipang iyon bago itinuon ang atensyon sa niluluto.
Nang maluto na iyon ay agad ko nang inilagay sa plato.
Nang makalabas dala ang plastic na plato ay agad akong napangiti ng makita ang tuwang-tuwang si Clifan habang ibinabato ang bola kay kuya.
Wala sina Miko dahil nagtatrabaho sila twing sabado at linggo.
"Meryenda muna kayo! Anak tara!" tawag ko sa kanila.
Napatawa ako ng mag-unahan ang mga ito sa palapit sa kahoy na lamesa.
Agad ding natawa ang anak ko ng sambutin ito ni kuya at tumakbo buhat-buhat siya
Nang makarating sila sa kinaruruonan ko ay agad kong kinuha si Clifan para punasan ang pawis nito sa mukha.
"Talikod nak." ani ko para punasan ang likod nito at lagyan ng bimpo.
Pagkatapos nun ay agad na itong umupo at kumain.
Panay rin ang usap nilang dalawa ni kuya tungkol sa mga palabas sa TV.
Nakangiti lang akong nakikinig ng mapatigil ako sa sinabi ng anak ko, "Tito Sandro! Alam mo bang hinanap ko si mama sa mall nun ang kaso ng marinig ko yung kanta ni idol Jack dumiretso ako doon!" inosenteng kwento ng anak ko.
Nakita ko ang pagbaling sa akin ni Nanay na kadarating lang habang si kuya naman ay walang alam.
"Talaga? Magaling ba siya?" nakangiting tanong ni kuya.
"Oo naman! Mana siya sa akin eh!" inosenteng sambit nito na nagpakaba sa akin.
Walang malisya ang sinabi nito pero bakit kinabahan ako sa sinabi nito?
"Nung makita ko siya umakyat ako sa taas. Kinuha ako nung pulis kaya umiyak ako." nakalabing ani nito.
Ang tinutukoy siguro nitong pulis ang ang mga sekyu.
Tango lang ng tango si kuya habang nangingiting nakatitig sa anak ko ng may paghanga.
Sa edad nitong limang taon ay masyado na itong madaldal at matalino. Hindi mo basta-basta maloloko.
"Tapos binuhat ako ni Idol! Tapos lumaki ang mata niya ng makita ako tapos ang sabi pareho daw kaming may nunal sa mata kaya mana siya sa akin!" masiglang wika ng anak ko na lalong naghatid ng kaba sa dibdib ko.
Hindi kaya naisip ni Jack na...
Akmang magsasalita na ko ng may tinuro si Clifan sa labas ng gate naming kawayan.
Paglingon ko ay may nakita ako hindi pamilyar na sasakyan na agad ding umandar paalis.
"Bakit yun, Clif?" takang tanong ni kuya Sandro.
At halos manginig ako sa kaba ng sabihin nito, "Kanina pa yan jan! Nung bukas yung bintana nakita kong may lalaki sa loob pero hindi ko makita kasi may salamin siya," kunot noong ani ng anak ko.
Posible kayang si Jack iyon? Wag naman sana.
-----------x
200 replies for the next update! Jack POV! No rule breaker. Paki sita ang lalabag. Nakaka stress! Nakuu!
BINABASA MO ANG
My Midnight Obsession: Jack Smith
General Fiction"Inaangkin mo'ko sa panaginip ko, at ngayon, panahon na para maangkin mo ako ng buo, Jack.."- Andrea Sendrada Story cover: @Ayrabee Story written by: Nicolemacamwatty Date started: 01/13/17