Pahina XV

5.7K 115 2
                                    

  Pahina XV:

Start:


Nanginginig ang mga tuhod ko habang hawak ang dalawang bag kung saan nakalagay ang mga gamit ko nang nasa tapat na ako ng bahay namin.

Isa lang itong bunggalow at walang pintura. Dinig na dinig ko rito sa tapat ng gate namin ang kawayan at tawanan ng mga kapatid ko ko sa loob.

Hindi ko alam na may mga tumulo na pa lang luha sa mga mata ko. Naalala ko kasi noon. Noong mga panahong wala pa ako sa Maynila dahil highschool pa lang ako.

Lagi kaming ganyan. Maingay at puro tawanan kahit gabing-gabi na. Malayo-layo kasi sa ibang bahay ang bahay namin. Sa likod pa ng bahay makikita ang bukirin namin. Natatanaw ko rin dito sa may labas ng gate ang maliit naming tindahan ng tinapay.

Pinipigilan ko ang paghikbi habang nagbabalik-tanaw sa mga nangyari noon. Kung paano ako nangako kay nanay na uuwi ako ng may diploma at may trabaho. Kung paano ako kasayang umalis para lang makapag-aral at mabigyan sila ng magandang buhay.

Pero dahil sa kadesperadahan ko ni isa wala akong natupad. Masyado akong naging makasarili. Ilang ulit ng sumagi sa isip ko na 'wag munang lumandi at unahin ang pag-aaral', pero hindi ko sinunod.

Karma ko na rin siguro ito. Hindi ko tuloy alam kung anong sasabihin ko kay Inay at Kuya. Nahihiya ako. Nahihiya akong humarap sa kanila sa ganitong sitwasyon. Hindi na nga ako nagdala ng diploma nagdala pa ako ng anak ng walang ama.

Paalis na sana ako sa harap ng bahay namin dahil hindi ko talaga alam kung may maihaharap ba akong mukha sa kanila nang marinig ko ang pagbukas ng pinto na nagpabilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba.

"Andeng?" dinig kong tawag ni Nanay habang nakatalikod pa rin ako at walang tigil ang luha sa pag-agos.

Dahan-dahan akong humarap kay inay habang umiiyak pa rin at agad akong napahagulgol ng buksan nito ang gate at agad akong inakay.

"Naku, anak! Bakit ngayon ka lang! Alalang-alala kami sayo ng kuya mo! Ni hindi ka namin matawagan! Anong bang nangyari sayong bata ka. Jusko!" halos manghina ako ng marinig ko ang hagulgol ni nanay habang nakayakap sa akin.

"Diyos ko anak ko.." halos hindi na ako makahinga sa sikip ng dibdib ko dahil ramdam ko ang pagkamiss at alala sa akin ni nanay.

"N-nay sorry....sorry po...." nahihirapang maghingi ko ng tawad.

Diyos ko, patawad po.

"Anong problema anak. Tatlong buwan ka naming hindi naka-usap. Ni hindi mo sinabi sa amin na wala ka na pa lang scholarship. Kung hindi pa dumito ang dating mayor at inanunsyo ang pagtangal ng iskolar niyo ay hindi ko pa malalaman! Bakit ngayon ka lang umuwi.." sabi ni inay habang hinahaplos ang likod ko. Napalakas na naman ang iyak ko ng malamang alam na nila Inay ang tungkol sa pagkawala ng iskolarship.

"Nay, sino yan?" narinig kong pasigaw ni kuya mula sa loob.

Agad naman akong nanigas sa kinatatayuan namin ni Inay ng makita ko si kuya na kalalabas lang.

Kunot noo muna itong bumaling sa akin bago tumakbo sa akin, " Andeng! Anong nangyari sayo? Bakit ka umiiyak? May nanakit ba sayo?" sobra ang pag-alala ni kuya bago kunin ang dalawang bag ko.

"Doon na tayo sa loob. Alam kong napagod ka sa byahe mula Maynila hanggang dito sa Pangasinan." ani kuya bago kami pumasok.

Nang makapasok kami ay wala na ang mga kapatid ko sa sala.

"Tulog na ba ang mga kapatid mo?" tanong ni nanay kay kuya bago pumuntang kusina para kumuha ng tubig.

"Opo nay." sagot ni kuya bago bumaling sa akin ng may halong pag-aalala

"Andeng....anong nangyari sayo?" tanong ni kuya.

Pero imbes na sagutin siya ay agad akong yumakap sa kanya at nag-iiyak. Naramdaman ko ang paghaplos nito sa likuran ko.

"Painumin mo muna ang kapatid mo, Sandro. Kanina pa nag-iiyak yan." masuyong wika ni Inay.

Bahagya akong bumitaw kay Kuya bago inumin ang tubig na kinuha ni Inay.

Pagkatapos uminom ay huminga muna ako nang malalim bago lakas na loob na sinabing....

"Nay, Kuya Sandro. B-buntis ho ako.."

-------x  

My Midnight Obsession: Jack SmithTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon