Pahina XVI

5.7K 134 0
                                    

Pahina XV:

Start:

5 years later...

"Mama, anong oras ka uuwi?" tanong sa akin ni Clifan nang akmang lalabas na ako ng pinto.

Agad ko namang binalingan ito bago halikan sa noo at sinabing, " Mga alas kwatro pa, anak. Basta wag pasaway kay Nanay ha?" tukoy ko pa sa lola nito na bahagyang nakatayo sa likuran niya.

"Opo," tipid lang na sagot ng anak ko. Wala talagang pinagkaiba kay..

"Ako na ang bahala kay Clif, nak. Ingat na lang sa trabaho." Bilin sa akin ni Nanay.

"Opo, Inay. Bye, anak!" sabay halik ulit sa noo ng anak ko.

"Tara na, Andeng! Bye, Clifan!" tawag sa akin ni Kuya at paalam nito sa anak ko.

Agad na akong tumungo sa harap ng bahay kung saan nakaparada ang jeep na pinagpapasada ni Kuya kasama ang dalawa kong kapatid na sina Mandy at Miko na parehong nasa kolehiyo na ngayon.

Napangiti ako ng mapakla sa isipang hindi ako ang nagpapa-aral sa kanila.

Hindi ko man lang sila natulungan kaya tuloy nabenta ang sakahan namin upang may pantustos kami sa pag-aaral nila at sa anak ko. Yung natira naman ipinambili ng jeep ni kuya Sandro para gamiting pabghanap-buhay.

Hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko kung bakit naibenta yung bukid na inalagaan ni tatay noon.

Limang taon na rin ng nakalipas simula ng mangyari yung sa amin ni Jack. Simula noong nawalan ako ng iskolarship at umuwing bata ang dala imbes na diploma.

Nang makasakay na sa front seat ng jeep na katabi ni Kuya ay binalingan ko ito.

"Kuya, binilihan mo na naman daw ba si Clifan ng laruan niya?" kunot noong tanong ko.

"Hayaan mo na, Andeng. Singkwenta pesos lang naman yun atsaka minsan lang naman humingi ng pabor si Clif." paliwanag ni Kuya.

Ayoko kasing masanay si Clifan sa mga laruan o kaya'y makuha lahat ng gustuhin niya.

"Kahit na, Kuya. Imbes ba pambili ng bigas o kaya'y baon na lang nila Noel yung ipinambili mo." protesta ko.

"Ayos lang, ate. Tutal may tabi pa naman ako dahil sa pagpa-part time ko every vacant at lunch break sa Cafeteria namin." singit ni Mandy sa likuran.

"Ako rin naman ate eh. May tabi pa akong pera dun sa sinweldo ko nung sembreak." sabi din ni Miko.

"Oo na, oo na. Basta pag si Clifan gusto niyo talaga na susunod ang gusto. Pero sana naman wag niyong sanayin yung anak ko sa gastos lalo na at pera niyo ang pinagamit niyo. Imbes na itabi niyo na. Atsaka ayokong maispoil sa laruan si Clifan." ani ko naman.

Sa totoo lang ay nalulungkot ako sa kaisipang hindi ko kayang ibigay ang lahat sa anak ko. Dahil alam ko naman sa sarili ko na kung may pera lang ako ay gagawin ko ang lahat maibigay lang sa kanya ang gusto niya.

Naawa ako sa anak ko...

Dahil hindi ko man lang inisip noon ang mapagdadaanan niya bago ako nagdesisyon na gawin siya.

Pag-uwi ko ng bahay ay nadatnan ko si Clifan na nanunuod sa bagong bili naming TV.

"Anak..." tawag ko sa atensyon niya bago ipakita ang pasalubong kong ensaymada.

"Ma!" ani nito bago lumapit sa akin at kinuhs ang binili ko sa kanya.

Nagtaka naman ako ng bumalik ulit ito sa upuan naming kawayan at tumutok sa TV na commercial lang naman ang ipinapakita.

"Anong inaabangan mo, nak?" kunot noong tanong ko rito bago umupo sa tabi niya.

Imbes na sagutin ako ay kumagat lang ito sa ensaymada habang nakatutok pa rin ang mata sa TV.

At halos manigas ako sa kinauupuan ko ng makita ang pinapanuod niya.

"And now, let us all welcome, the Four Demons!" ani ng MC sa sikat na afternoon show.

At agad na lumakas ng tibok ng puso ko nang iclose up ang mukha si Jack sa TV habang nakapikit at maramdaming kinakanta ang "Hanggang kailan"

"Pareho kaming may nunal nung kumakanta sa ibaba ng mata mama." inosenteng tukoy ni Clifan kay Jack na nagpalaglag ng panga ko.

Shit.

--------x  

My Midnight Obsession: Jack SmithTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon