Pahina IX

5.4K 108 1
                                    

Pahina XIV

Start:

"Hello, Andeng." Bungad ni Lesy.

"Punta akong condo mo." Agad kong sabi.

"Wala man lang 'hello'?" Pa-slang pang complain nito.

"Sige na. Five minutes anjan na 'ko-—" naputol ang sasabihin ko ng sumingit siya, total mukha naman siyang singit. Maitim.

"May pupuntahan ako. Hintayin muna kita then iwan ko sayo susi. Kung gusto mo dito ka pa matulog. Gagabihan ako. Pinapauwi ako ni Daddy sa province namin." Still, slang pa rin.

Sa totoo lang ang ilong libag na 'to eh may amang dugong banyaga. Amerikanong itim ang tatay niya ang nanay niya naman pilipina. At yun ang alamat ng kaibigan kong libag.

Mayaman sila Lesy ang kaso nga lang gusto niyang bumukod sa pamilya niya para raw matutong maging independent.

At isa pa, napag-alaman ko rin na sa iisang building lang ang condo ni Lesy at ang condo ng kapatid ni Jack. O diba? Meant to be kami at hindi sila libag.

"Oh siya sige. Salamat." magoover night na lang ako dun para naman makasinghot ako ng aircon.

Pagkatapos niyang magpaalam ay agad na akong naligo at nagbihis.

Nagsuot lang ako ng kulay itim na maong short at longsleeve na pinaresan ng ankle boots na binigay sa akin ni Lesy noong nakaraang taon.

Bait talaga ng duming yun.

Bago umalis ay ipinusod ko muna ang mahaba kung buhok ang kaso nakakairita dahil andami pa ring kumakawalang natural na maiikling buhok sa bawat gilid.

Nang makarating na ako sa tapat ng building ng condo ni Lesy ay agad na akong sumakay ng elevator. Sasara na sana ito ng may biglang pumigil sa pinto ng elevator at agad na pumasok.

Nang oras na nakapasok na siya ay agad kung naamoy ang mabango nitong amoy.

Pagtingin ko sa gawi noong lalaki ay naka face mask ito at sunglasses.

Wait..

Parang nakita ko na 'to eh.

Diba siya yung sa may jeep?

At diba ang lalaking naka-encounter ko sa jeep ay si...

Agad na bumilis ang tibok ng puso.

Kung hindi ako nagkakamali si...."Jack.." bigla na lang lumabas sa bibig ko ang mga katagang yan kaya napalingon sa akin yung lalaki at agad tinanggal ang face mask.

At lalong umarko ang puso ko nang sinabi nito, "Hello, Miss touchy." Habang nakangisi.

Shitness ka Jack Smith!

------x

Feedbacks!

My Midnight Obsession: Jack SmithTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon