Pahina XXXIX

5.3K 115 1
                                    

  Pahina XXXIX:



Start:



"Kuya, ipakain mo na lang sa manok 'tong natirang kanin.." bilin ko kay kuya Sandro pagkatapos naming kumain.

Nang pumasok ako sa kwarto ay nadatnan ko si Clifan na nag-aayos ng buhok sa harapan ng salamin.

"Nak, may nililigawan ka ba?" biro ko rito.

Nakita ko sa repleksyon ng salamin kung paano ito mamula!

Agad na nalaglag ang panga ko! Wag mong sabihing totoo?

"Huy, Clifan! 5 years old ka pa lang anak. Wag muna manligaw!" bilin ko rito habang inaayos ang kama.

"Ni, kakaalmusal mo pa lang naligo kana agad?" pagtatalak ko.

"Chill, mama. Sabi ni papa idol big boy na raw ako." aniya na nagpakunot sa noo ko.

"Kelan mo naka-usap ang papa mo?" takag tanong ko. Mag-iisang linggo na rin pero wala pa yung damuhong yun! May pasabi-sabi pa sa TV tapos wala lang din?

Tapos kay kuya Sandro at Clifan lang natawag hindi sa akin!

Sa tuwing naabutan ko si kuya na kausap si Jack bigla na lang sasabihin, "Siya bayaw. Mamaya na. Andito eh." tapos papatayin na ang tawag! Mga traydor!

"Bye mama!" tukoy nito sa bagong kapit bahay na siyang kalaro niya.

Hinayaan ko na lamang at agad ng kumuha ng tuwalya para maligo.

Kakatapos ko pa lang maligo at magbihis ng may marinig akong busina sa labas ng bahay.

"Andeng! Andito na sina Jack!" biglang sigaw ni kuya mula sa labas na siyang nagpaawang sa bibig ko at nagpalakas ng tibok ng puso ko!

Susme! May twalya pa buhok ko! Hindi pa ako nakakabihis!

Nandito pa ako sa likod bahay dahil nandito ang banyo namin!

Pasimple nalang akong naglakad papasok ng bahay.

Patingkayad pa akong lumapit sa kwarto.

Mula rito ay dinig ko ang kwentuhan sa labas na nagpakunot sa noo. May bisita ba si kuya.

Ipinilig ko na lang ang ulo bago pumasok sa kwarto.

Mabilis ang paghinga habang nakapikit at nakasandal sa pader.

"Susme! Mabuti na lang walang nakakita.." bulong ko.

"Ako lang.." narinig ko ang pagngisi nito na siyang nagpamulagat sa mata ko!

Shit!

Pabukas ay agad kong nakita si Jack na nakaupo sa kama ko bago tumayo at hinawakan ang nanginginig kong kamay!

"J-jack..." naluluhang sambit ko habang nakalabi.

Kita ko ang paglamlam ng mga mata nito habang nakangiti bago ihaplos ang palad sa pisnge ko.

Bigla na lang may tumulong luha sa mga mata ko lalo na ng makita ang luha sa pisngi ni Jack!

"Myloves..." aniya na nagpahagulhol sa akin! Tangina first time kong marinig yan mula sa bibig biya mismo at harapan pa!

"Bwesit ka! Sorry.." parang bata kong sabi.

Napahalakhak ito bago ako ikulong sa malalaking bisig niya.

Napaiyak pa ako sa dibdib niya, "sorry kung hindi ko inintindi ang paliwanag mo.." paumanhin ko.

"It's alright baby. Mas mabuti narin iyon para hindi ako mahirapang iwan kayo rito.." pag aalo nito.

Ilang minuto pa kaming magkayakap ng bumulong ito saakin

"FD are there even my parents and Jazzy is there.." bulong niya na nagpalaglag sa panga ko!

"H-ha?" namimilog ang mga matang tanong ko.

"Magbihis ka na. Lalabas na tayo..hihingin namin ang kamay mo." sambit nito bago halikan ang noo ko!

Ay shitness overload!

Totoo 'to? Walang halong biro?! hindi ito dream ganern?

Bahagya kong kinurot ang kamay kaya napangiwi ako bago kumuha ng damit.

"Labas ka muna, myloves! bihis lang ako!" nagmamadaling sabi ko.

"Bilis na. Dito na lang. Namiss kita eh" prenteng sabi nito bago itukod ang kamay sa kama habang nakaupo siya.

Namumula man pero agad ko na lang din tinanggal ang twalya bago mabilis na nagbihis. Tangina ka Jack! Live show?

Inirapan ko siya after kong magbihis dahil nakangisi lamang siya magdamag ng nagbibihis ako! Putakte!

"Let's go." naglahad ito ng kamay na siyang tinanggap ko.

Kinakabahang lumabas ngkwarto papunta sa sala.

Lumakas ang pintig ng puso ng makita lahat ng kagrupo ni Jack sa banda habang kinakausap si Clifan na nasakandungan ni Drew bago kuhanin ni Jay!

Nakita ko rin ang parents ni Jack at si Jazzy na siyang mga pamilyar na sa akin dahil stalker nga ako ni Jack diba?

Nakita ko ang pag ngiti sa akin ng pinsan at parents ni Jack pati ang pag ngisi sa akin ng mga kabanda niya lalo na ng makita ang paghapit ni Jack sa baywang ko.

"Guys, Mom, Dad..this is Andrea my wife," nakangiting wika ni Jack kaya pasimple ko itong siniko bago bumulong.

"Wife agad? Di pa tayo-----" hindi ko natapos ang sasabihin ng lalo ako nitong hapitin na siyang napahagikhik sa kanila.

"Dun lang din punta nun." taas ang isang sulok ng labing anito.

Inalis ko muna ang pagkakahapit ni Jack sa akin bago lumapit sa parens niya para mag-mano. Niyakap pa ako ng mommy niya at si Jazzy.

Hindi rin ako makatingin kay Jazzy dahil may naaalala ako! Sa condo niya namin ginawa si Clifan! Susme!

Bumalik na lang ako kay Jack ng makita si nanay na nakangiting inilapag ang mga juice.

"Nasan na ulit tayo?" masayang tanong ni nanay bago umupo.

"Mamamanhikan kami kumare," masayang sabi ng mommy ni Jack. Narinig ko ang pagpipigil ng tawa ng mga kabanda ni Jack at pamumula ng mukha ko.

Totoo nga ito!

-----------------------------x 

My Midnight Obsession: Jack SmithTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon