Pahina XXVIII:
Start:
Puno ng kaba ang puso ko ng mabungaran na gising na si Jack at ang anak ko.
Nakalabas na si Clifan at lahat ngunit nakatitig pa rin sa akin si Jack.
"L-labas na ako.." utal na sambit ko. Sa totoo lang ay naroroon pa rin ang kakaibang epekto sa akin ni Jack.
Sa mukha niya, sa pagkilos ni pagsulyap nito ay dahilan pa rin ng pagtibok ng malakas ng puso ko.
Akmang lalabas na ako ng magsalita ito na nagpapako sa akin sa kinatatayuan ko.
"Stay here..." seryosong ani nito.
"Lumabas na tayo. Kumain ka na muna bago umalis." sambit ko. Kahit papaano'y ayaw kong mag-asal aso sa kanya ng dahil lang sa nangyari noon. Pagbalik-baliktarin man ang mundo ay may kasalanan pa rin ako sa nangyari noon.
"Let's talk, Andrea.." sambit nito sa maawtoridad na boses.
"Walang dapat pag-usapan, Jack." malamig na tugon ko.
Halos mawalan ako ng malay dito mismo sa kinatatayuan ko ng tumayo ito sa pagkakaupo bago lumapit sa akin.
Titig na titig ito kaya agad akong napaiwas ng tingin.
Nahigit ko ang sariling hininga ng hawakan nito ang baba ko bago sabihing, "Look at me, Andrea..I know everything..." na nagpalaki sa mga mata ko.
Gulat ang bumalatay sa buong pagkatao ko ngunit agad din napalitan ng pagiging kalmado ngunit may bahid ng kaba dahil sa kaalamang baka alam na nito ang tungkol kay Clifan.
"Alam mo na pala....wala ng dapat pag-usapan, Jack. Pasalamat ka nalang dahil hindi kita pinilit na panindigan ako," matapang na sagot ko na nagpa-igting sa panga nito bago magpakawala ng malutong at matigas na mura na naghatid ang kaba sa dibdib ko.
"Fvck, Andrea...." mabigat ang paghingang sambit nito.
Matapang ko itong tinitigan sa mata bago magsalita,
"Bakit ka nandito? Bakit mo kami sinundan? Anong kelangan mo, Jack?" bahagya pa akong napaismid.
"Bakit kapa nagpakita? Gusto mo bang paghigantian ako dahil sa pamimilit ko sayo noon? Nakokonsensya ka ba dahil sa sinapit ko? Wag kang mag-alalala Jack. Hindi kita sinisisi, wag kang makonsensya, hindi ko pinagsisihang magkaroon ng anak galing sayo," naramdaman ko ang magtulo ng maiinit sa luha sa mga mata ko habang nakatitig sa mga mata nito.
"Wag mong isipin na hahabulin kita at pipiliting suportahan kami ng anak ko dahil lang sa nakita na kita...." tuluyan ng umiyak na ani ko.
At halos tumalon palabas ang puso ko ng matigas nitong sinabing.
"Fvck, Andrea! Anong maghihiganti at anong anak mo? Anak natin Andrea..anak natin.." Pinagdiinan pa nito ang salitang natin na naghatid ng kilabot sa pagkatao ko.
Nanigas ako sa kinatatayuan ang hapitin nito ang bewang ko bago bumulong na nagpatayo sa balahibo ko at nagpalakas ng todo sa puso ko!
"Pagkatapos mong magmakaawa sa akin nung gabing yun. Pagkatapos mong ipakita ang kabaliwan mo sa akin iiwan mo na lang ako ng ganun? Pagkatapos mong makuha ang gusto mo aalis ka na lang ng walang paalam at pangunahin ako sa mga desisyon ko?
"Pagkatapos mo akong baliwin nung gabing yun iiwan mo na lang ako at mabaliw sa kaiisip kong saan ka nagpunta? Fuck, Andrea.....akin ka. Akin ka na simula nung binigay mo sa akin ang sarili mo. Akin ka..." namamaos at nanghihinang bulong nito kasabay ng pamimiyok ng boses niya.
------------------x
Alam kong maraming nageexpect sa kwentong to.Guys, don't compare may stories to the others. Kung sa iba cliche na'to dahil sa dami na ng ganigong kwento. Yung mabuntis ng maaga or whatever pero duh, kahig icompare to sa iba alam ko sa sarili ko na sariling gawa ko to. Wala akong pinagcompare-an na ibang bagay dito kundi ang reality lang at ang kalawakan lang emahinasyon ko. Kung marami mang na disappoint sa kwentong ito youre free to leave. Kung para sayo walang thrill ito hindi gaya ng iba na kung ano oang kaikikan bago umamin o malaman ng totoo ibahin niyo ko. Isisnusulat ko lang kung anong gusto kong isulat. Utak ko lang ang dumidikta at hindi ang imahinasyon ko. Siihin ang utak ko! GHAHAHAAHA! FEEDBACKS!
BINABASA MO ANG
My Midnight Obsession: Jack Smith
Ficción General"Inaangkin mo'ko sa panaginip ko, at ngayon, panahon na para maangkin mo ako ng buo, Jack.."- Andrea Sendrada Story cover: @Ayrabee Story written by: Nicolemacamwatty Date started: 01/13/17