Pahina IV

7K 112 2
                                    

Pahina IV

Start:

"Kuya, pabili ng CD ng Four Demons. Meron ba?" tanong ko sa tinderong mataba.

"Oo naman!" nakangiting sabi nito.

Nginitian ko rin ito "Pabili ulit ako, yung bago nilang kanta, yung With a Smile!" bilin ko.

"Sige, basta wag maingay, ha?" bilin din nito.

Warning: Kasalanan na naman ang gagawin ko. Actually, lagi ko itong ginagawa.

Pagkatapos ng halos isang minutong paghihintay ay lumabas na rin ang lalaking nagtitinda ng CD dito sa bayan.

Pagkatanggap ko ay agad namang may sumipol at sumigaw ng "Kunin ang permit! Pirated! Pirated!" huli kong naring nang makalayo ako doon sa tindahan.

Sabi sa inyo, kasalanan eh. Hehiha. Pero, atleast nakahabol pa ako. Kaya ngayon may CD na ako ng bagong labas na kanta ng FD! Ang saya!

Ayos lang na nabawasan allowance ko sa school. Nagpadala na rin ako sa probinsya ng pera. Ayaw kasi ni kuya na magpadala pa ako, may sarili rin kasi kaming bakeshop na maliit doon.

Hindi na lang ako iinom ng softdrinks o juice sa school. Tubig will do.

Inilagay ko muna sa back pack ko itong CD bago pumuntang jeep stop. Excited na ako para bukas. Martes bukas so meaning, makikita ko na sa personal si Jack! Makakasiping ko na siya sa personal! Charot lang!

Pero, magpapa-authograph ako! Dun na lang sa binili kong CD!

Kaso pirated!

Bahala na!

"PAG-ASA! PAG-ASA!" sigaw ng kundoktor. Oh diba? Bagong pag-asa lang ako, Road 8. Ibig sabihin, lalakarin ko lang ang SM North!! Whoooh!

Papasok na ako ng jeep. Maraming pasahero. Uupo na sana ako sa isang bakante ng biglang nagpreno ang jeep, kaya ang ending?

Naglanding ang mukha ko sa hita ng isang lalaki.

"Fckin' sht!" mahina pero galit na reklamo ng lalaki kaya agad ako lumayo ng bahagya at iniangat paningin para makita ko siya.

Kaso naka face mask tas sunglass na naka-nike cap pa! Ano 'to?! hikain? May sakit!?

Pero mukhang gwapo. Kisig ng katawan eh! Nasa kalagitnaan ako ng pagpapantasya sa kanya ng tapikin ako ng isang matandang nakaupo. "Ineng. Mamamalagi ka na ba riyan?!" tanong nito tsaka ko lang narealize kung anong posisyon ko.

#NakahuliNgFrogPosisyon

"Ah..eh...hehe.." awkward kong sagot at agad na tumayo para makaupo bakanteng upuan na katapat ni mister hikain.

Nang makaupo ako ay napatingin ako sa kanya na nakatingin naman sa sahig ng jeep.

Sinundan ko ng tingin ang kanina pa niya tinitignan at napakurap ang mga mata ng malamang yung CD ng FD ko yun na pirated! Naku! Kahiya!

Pupulutin ko na sana yung CD ng biglang magsalita si mister hikain, "You're a fan of Four Demons, ha? You have a pirated CD.." anito at alam kong nakangisi ito sa oras na 'to kahit natatakpan ng mask ang bibig niya.

Kailangan ipagduldulan?

Na fan ka ng FD? tanong ng isang bahagi ng utak ko.

Hindi, na pirated CD ko.

---------x

My Midnight Obsession: Jack SmithTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon