Pano ko sasabihin sakanya na nagugustuhan ko na sya? Pano kung hndi kami parehas ng nararamdaman?
Nasasaktan ako pag nakikita kong masaya sya sa feeling ng iba ayoko ng may kausap syang iba ayoko ayoko ayoko!!!
--------------
Hi! Ako nga pala si Queenie Joo. 15years old grade 9 student. Half koreana half filipino. Never kong nakita ang dad ko. Sabi ni mommy ok naman daw sila pero nung 1 week bago sya manganak di na nya nakita daddy ko. Close na close kami ni mommy. May maliit na cafeteria kami malapit sa school ko.
Dati akong nagaaral sa Blomington High school kaso nakick out ako dun dahil sa bullying. Shhh lang ha!
Hndi ako mabait aminado ako. May bisyo, "pacool kid" kung baga, pero hndi ako katulad ng mga kabataan ngayon na halos lahat ginagawa para maging cool. May class padin naman ako no!
Alam ni mommy lahat ng katarantaduhan ko, hndi man sya sangayon sa lahat pero sinusuportahan nya padin ako kahit na ano ang gusto ko. Masyado na kong na spoiled hehe.
Nilipat ako ni mommy sa Highlands middle and grade school. Maganda sya, isa sa pinaka magandang school dito sa pinas. Kaya ito ang napili ko dahil dito nag aaral halos lahat ng classmate ko nung elementary.
Binilan ako ng mommy ko ng sariling condo malapit dito para hndi na ako umuuwi pa sa bahay na halos 1 hour ang byahe. Hassle kasi lalo na pag traffic.
"First day of school"
"Baby gising na malalate kana" gising sakin ni yaya habang niyuyog-yog ang katawan ko.
Habang kinukusot ko ang mata ko tumingin ako sa orasan. 5:30 palang ng umaga 7:00 pa pasok ko malalate na ako? Si yaya talaga.
"Yaya 7:00 pa pasok ko remember" at nahiga ulit ako sa higaan ko. Habang siya inaayos na ang gamit at susuotin ko.
"Baka malate ka sa first day mo. Ang bagal mo panaman kumilos" naramdaman ko nanaman ang pag alog nya sakin. "Gising naa"
"Oo na ito na" at tumayo na ko ng nakasimangot. Dalawa lang kami ni yaya dto sa condo.
"Osge na lumabas kana lang pag ka tapos kana mag ayos." At tyaka na sya lumabas ng kwarto.
Naligo lang ako ng 15 minutes nagbihis ng 20 minutes nag ayos lang ng muka ng 30 minutes at lumabas na ko ng kwarto.
"Tignan mo nga, anong oras na oh. Mas ok pala yung ginigising ka ng ganung oras eh." Napangiti nalang ako sa sinabi ni yaya. Hehe
"Mukang masarap ang breakfast natin ha!" Nakangiti kong bungad kay yaya.
Kumain lang ako at dumeretso na sa school ko. Saglit lang ako nag antay at nag bell na kaya hinanap ko na agad ang room ko.
Pag kapasok ko sa room nakita ko agad yung bestfriend ko since elem na bakla.
"Uy girl! Dito ka!" Bungad nya sakin ng nakangiti. "ang ganda mo ngayon ha!"
"Bakit dati ba hndi?" Pangloloko ko sakanya.
"syempre maganda kana dati pa alam mo yan haha!" At nag tawanan kami ng malakas.
Bigla naman may pumasok na singkit na lalaki na medyo matangkad na matangos ang ilong.
"Oh! Xavier classmate din tayo?! Nanaman? Nakakasawa kana!" Bungad sakanya ng kaibigan ko. Btw, sya nga pala si roland, actually pogi sya. Bading lang haha.
"Grabe haha!" Umupo na sya sa harapan namin ng kaibigan ko. Naguusap silang dalwa ako naman ito nag cecellphone lang.
Maya maya pa eh dumating na ang first subject teacher namin. Nag pakilala kami isa isa.
" Hi everyone! My name is Xavier Garcia. 15 years old. Kilala nyo naman na ako dahil varsity player ako ng school na to---" natigil ang kanyang pag sasalita ng biglang may sumigaw sa likod na babae.
"Oo naman kilala ka namin, crush kanga ng lahat babae dito. Syempre pati ako" halata mo naman sa babaeng sumigaw kanina na kinilig sya. so popular pala sya dto sa school ang galing.
Napangiti nalang sya at umupo ba ulit sa upuan nya.
"So may tranferee pala dito. Introduce your self ms." At tinuro naman ako ng teacher namin.
Tumayo ako at inayos ang uniform ko at nag salita. "Hi everyone, Im Queenie Joo, 15 years old from Bloomington High School." Kinawayan ko silang lahat at nginitian. Sumenyas naman ang teacher namin na umupo na ko kaya ginawa ko naman.
Paulit ulit lang ang nangyare hanggang sa nag break na.
"Tara sabay kana samin ni xavier" pagaalok sakin ni roland napatingin naman ako kay xavier na nakangiti.
"Sge, wala din kasi akong kasabay eh." At nginitian ko silang dalawa.
Habang nag lalakad kami sa corridor tinititigan kami ng mga tao. Mga lalaki sakin ata nakatingin i guess at yung mga babae naman kay xavier naka tingin.
Sanay naman na ako sa ganto pero tranferee lang ako syempre may ilang padin akong nararamdaman.
Umorder na kami ng makakain at umupo na sa table sa dulo.
"So bakit ka nga ba lumipat dito girl?" Pagtatanong sakin ni roland.
"Alam mo na, nakick out ako sa school ko dati dahil sa bullying. Hndi naman ako nang bully talaga, pinagtanggol ko lang sarili ko. Kilala mo naman ako dba maldita ako pero nasa lugar naman." Pagkukwento ko sakanya.
"Hndi na ko mag tataka, dahil nung elementary tayo may sinaksak ka ng ballpen dahil binaboy yung gawa mo." Humalakhak naman sya ng parang wala ng bukas. " sya nga pala si xavier school mate natin sya nung elementary. Naalala mo?"
Tinitigan ko naman ng mabuti si xavier hndi ko sya matandaan. Ni hindi ko maalala muka nya.
"Hndi eh." Sgot ko kay roland nagkatinginan naman kami ni xavier at nginitian nya ko.
BINABASA MO ANG
I Think Im Inlove With My Bestfriend
Teen FictionIsang pagkakaibigan na hindi mo namamalayan na nasasaktan kana. Ok naman kayo noong una palang, ngunit nag bago ang lahat ng makakilala siya ng ibang tao. Hindi na siya katulad ng dati mong bestfriend na palagi lang nanjan sa tabi mo. What if kung y...