Queenie's Point of View.Isang linggo na ang nakalipas simula nung magkita kami ni Xavier sa Reunion pero hanggang ngayon hindi padin mawala sa isip ko yung nangyare.
Marami na kong text na nakukuha galing kanila Carlyn about sa nangyare last week pero hindi ko sila nirereplyan.
Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko ngayon. Pag naaalala ko yung itsura niya naaawa ako sakanya, pero may side padin sakin na galit parin ako sakanya napaka sakit kaya ng ginawa niya sakin.
Nandito ako ngayon sa office ni kuya. Sabi niya kasi sabay daw kami mag lunch ngayon kaya pinapunta niya ako dito sa office niya pero nasa meeting pa daw siya sabi ng assistant niya kaya dito muna ako nag stay.
Kalahating oras pa ng lumipas at dumating nadin si Kuya.
"Sorry nag hintay kapa ng matagal. Let's go na." Sabi niya sakin at kinuha niya lang yung susi ng sasakyan niya.
"Ok lang yun. nag enjoy naman akong titigan yung buong office mo eh hehe" sabi ko sakanya tyaka ako tumayo at sumunod sakanya. "Saan nga pala tayo kakain?"
"Kahit saan mo gusto!" sabi niya kaya napangiti naman ako.
"Sure ka dito mo gusto kumain?" nakataas ang kilay na tanong sakin ni Kuya.
"Oo naman!" magiliw na sagot ko sakanya.
Nandito kami ngayon sa Jollibee. Mas gusto ko kasi yung pag kain dito kesa sa mga mamahalin na restaurant.
Umorder na si Kuya ng kakain namin. Habang inaantay ko si Kuya naupo na ko sa isang sulok.
Nakaramdam naman ako ng pagkailang na para bang may nakatitig sakin kaya nilinga linga ko ang paningin ko.
Sa hindi kalayuan nakita ko yung lalaking ang sama ng titig sakin naka mask siya at black na hoodie.
Nang magtama ang paningin namin bigla nalang siyang tumakbo palayo.
Tatayo na sana ako at hahabulin yung lalaki ng bigla namang dumating si Kuya.
"Oh san ka pupunta?" Takang tanong niya sakin.
"Ahm, mag ccr lang sana ako kaso nanjan kana kaya mamaya nalang hehe" sabi ko sakanya kaya naupo nako.
Nangmatapos na kami kumain ni Kuya nag pahinga lang kami saglit at umalis na siya.
Naiwan naman ako dito sa mall dahil didiretso ako sa coffee shop mamaya. May meeting pa daw kasi siya kaya nauna na si kuya.
Naisipan kong pumunta sa Jewelry shop kaya nagpunta ako.
Nasilaw ako sa sobrang liwanag ng paligid dito. Napaka ganda ng mga alahas na naka palagid.
Naka tingin lang ako sa mga alahas na nakalapag ng bigla akong may mabangga at nalalag yung dala dala niya box.
"Sorry" sabay na sabi namin at tsaka ako humarap sakanya.
Bigla naman akong napako sa kinatatayuan ko at biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
Ilang segundo pa kami nag titigan at tinalikuran ko na rin siya. Pero ng amba na akong mag lalakad palayo bigla niyang hinawakan ang kamay ko.
"Queenie please let's talk." Sabi ni Xavier.
Napabuntong hininga muna ako bago ako humarap sakanya.
"About what?" Walang emosyong tanong ko sakanya.
Nakaupo kami ngayon sa isang bench dito sa park kung saan malapit lang sa coffee shop ko.
Tahimik lang kaming dalawa at walang gusto mag salita.
'Akala ko ba kakausapin ako neto eh bakit hindi siya nag sasalita?'
'Ako paba kailangan maunang mag salita?'
"Queenie Im sorry" pag basag niya sa katahimikan naming dalawa. "Pinagsisihan ko yung ginawa ko na yun--"
"Pero nagawa mo na Xavier." Pag putol ko sa sasabihin niya. Hinarap ko naman siya.
"It's just happened" napangisi naman ako sa sinabi niya.
"Bullshit Xavier" tumayo naman ako sa pagkaka upo ko dahil nag init ang ulo ko sa sinabi niya. "Ano habang naka higa ka sa kama na yon bigla nalang siyang dumating tapos bigla nalang nalaglag yung bra't panty niya? Tapos bigla nalang lumabas yang alaga mo at pumasok sakanya? Wag mo kong gawing bata Xavier!" Sigaw ko sakanya.
"Alam kong mali yung ginawa ko Queenie, pero hindi ko siya mahal." Sabi niya pa at tumayo na din siya sa pag kakaupo niya.
"Fuck that concept! Alam mo naman palang mali pero bakit ginawa mo pa! Napaka walang kwenta mong tao alam mo ba yun!!" Sigaw ko pa sakanya. Nang gagalaiti na ko sa galit, feeling ko pulang pula na yung muka ko sa sobrang galit ko sakanya.
Pinag titinginan na din kami ng mga taong nandito sa park pero wala akong pakealam sakanila.
"Kaya nga pinag sisisihan kona. Pls naman Queenie bigyan mo ko ng second chance." Pagmamakaawa niya.
"Hindi ko alam kung kelan kita mapapatawad. Sabihin na nating matagal na yun pero nandito padin kasi napaka laking gago mo para gawin sakin yun!" Sabi ko sakanya. Hindi ko na namamalayan na tumutulo nanaman ang luha ko.
Nagtitigan lang kaming dalawa. Hindi na ulit siya nag salita. Tinalikuran ko na siya atsaka ako nag lakad palayo.
Hindi ko alam kung saan ako papunta ngayon basta ang alam ko dirediretso lang akong nag lalakad habang umiiyak. Wala akong pake sa mga nababangga ko at mga nakaka salubong ko.
'Hindi panga talaga ako ok.'
'Akala ko mas mapapatawad ko siya kapag nakapag paliwanag na siya pero mukang mas lalo pa akong nagalit dahil narinig ko yung napaka walang kwentang side niya'
Habang nag lalakad ako sa kawalan bigla naman bumuhos ang malakas na ulan.
'Wow salamat ha. Mukang nakiki join ang panahon sa emosyon ko ngayon ah.'
---------------
Hi guys!! Please read my another story!!D R E A M C O M E T R U E .
And also add me or follow me on:
FB: Clarisse Reyes and Clarisse Anne Reyes
Twt and Ig: @Clangskie8
Thankyou in advance godbless.
BINABASA MO ANG
I Think Im Inlove With My Bestfriend
Teen FictionIsang pagkakaibigan na hindi mo namamalayan na nasasaktan kana. Ok naman kayo noong una palang, ngunit nag bago ang lahat ng makakilala siya ng ibang tao. Hindi na siya katulad ng dati mong bestfriend na palagi lang nanjan sa tabi mo. What if kung y...