I Think Im Inlove With My Bestfriend: Chapter 36

2.2K 29 11
                                    


Gabi nadin ng payagan ako ng Doctor ko na makauwi.

Hinatid din ako nila Carlyn dito sa bahay dahil hindi sila pumayag na ako lang mag isang umuwi.

Habang nag lalakad ako papasok sa kwarto ko nakita ko si Kuya nag iimpake.

"San ka pupunta?" Tanong ko sakanya, nasa pintuan niya lang ako kaya nagulat siya sakin.

"May meeting kami out of town kaya ikaw lang muna ang maiiwan dito pati si manang." Sabi niya habang patuloy na nag aayos ng mga dadalhin niya.

Hindi niya nga pala alam ang nangyare sakin.

"Ah, ingat" sabi ko lang sakaya at tsaka aambang aalis na ng bigla siyang mag salita.

"Ikaw? San ka galing? Diba masama pakiramdam mo?" Tanong niya sakin.

Kinabahan naman ako dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

"Mmm, jan lang sinamahan ko lang sila Carlyn." Sagot ko sakanya atsaka siya nginitian.

"Ah ganun ba sige mag pahinga kana. Wag mong kakalimutan uminom ng gamot ha." Pag papaalala niya sakin. Tinanguan ko naman siya atsaka ako nag lakad papasok sa kwarto ko.

Pag pasok ko sa kwarto binagsak ko agad ang katawan ko sa kama. Nag pahinga lang ako saglit at tsaka ako nalinis ng sa sarili ko.

Kinabukasan maaga akong pumunta sa coffee shop ko dahil wala naman aking gagawin sa bahay dahil si manang nalang ang tao doon kaya lilibangin ko nalang sarili ko dito.

Mas ok nang nandito ako sa Pinas kesa naman nung nasa Korea ako, nasa loob lang talaga ako ng bahay dahil tamad na tamad ako dun.

Oo may pera ako pang shopping at kung ano ano pa pero tinatamad talaga ako dun.

Kaya ko din siguro naisipang umuwi na dito.

Nakaupo lang ako sa isang sulok habang umiinom ng Iced Americano at kumakain ng cheese cake.

Tinititigan ko isa isa ang nga costumer na pumapasok.

Naka shades din ako dahil baka may maka kilala sakin dito, yung mga magazine pa naman na naka kalat dito eh ako ang front page.

Ngayon lang ako pumayag sa manager ko na ipalabas na dito sa pinas ang nga magazine ko.

Wala naman na kasi akong tinataguan ngayon kaya pwede ko ng ipadala dito ang mga magazine galing sa Korea.

Naging patok din naman agad kaya nakilala din agad ako ng maraming tao.

Nabalik naman ako sa ulirat ng biglang tumunog ang phone ko.

Agad ko namang sinagot yun.

"Kamusta na pakiramdam mo?" Si Carlyn.

"I'm fine." Walang ganang sagot ko sakanya.

"Asan ka ngayon? Bakit parang ang daming tao?" Takang tanong niya sakin.

"Nandito ako sa Coffee shop ngayon. Walang tao sa bahay boring kaya dito na ko nag papalipas ng araw." Sagot ko sakanya.

Nagulat naman ako ng may marinig akong nabasag malapit sa counter.

"Ano yun? Anong nangyare jan?" Nagaalalang tanong ni Carlyn.

"Call you later" sabi ko tsaka ko siya binabaan ng tawag.

"Sorry po ma'am" natatakot na pag hingi ng pasensya ng waitress ko dito.

"Anong sorry?! Satingin mo ba makakabili ka ng ganto kamahal na damit sa sorry lang?!" Maarteng sigaw ng babae kay Tina waitress ko dito.

Sumandal ako sa kinauupuan ko tsaka pinag krus ang kamay ko at pinanood lang sila.

Mag salita kalang pero once na hawakan mo si Tina ako makakalaban mo.

"Ma'am sorry po talaga" sabi ni Tina habang nakayuko.

"Are you fcking insane?! Anong sorry?! Nasaan yung manager nyo! Iharap nyo sakin!" Sigaw niya kay Tina.

Ako ba hinahanap niya? Bakit kailangan niya akong kausapin eh di naman ako ang naka bangga niya.

Hindi naman sumagot si Tina sakanya. Ayaw niya sigurong sabihin na nandito ako.

"Nasaaaaaaan!!!!?" Pagsigaw niya pa. Dahilan para pati mga tao sa labas eh mapatingin na dito sa loob.

Tumayo naman ako at nakakuha yun ng atensyon sa mga tao, natumba kasi yung inuupuan ko pag tayo ko.

Naglakad naman ako papalapit sakanila.

Tinignan lang ako ng babae, halatang nag tataka siya kung bakit ako lalapit sakanila.

"At sino ka naman?! Anong ginagawa mo dito?" Sigaw nanaman  ng babae.

Tinangal ko ang shades ko atsaka cap ko tsaka siya tinitigan sa mata.

"I thought you're finding her manager." Walang ganang sabi ko sakanya.

Lahat ng tao nagulat ng tanggalin ko ang shades at cap ko. Ang iba ay napanganga at ang iba naman eh nag papapalit palit ang tingin sakin at sa magazine.

"Eh bakit ikaw ang nandito?!" Napangisi naman ako sa tanong niya.

Eh bobo naman pala tong isang to eh.

"Isn't obvious? Im the Manager stupid creature." Sabi ko sakanya. Tinawanan naman siya ng mga taong nakiki ososyo samin.

"Ah so ikaw pala! Look!" Sabi niya habang naka turo sa damit niya peke na puro tsokolate. Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Tinagnan mo ginawa ng staff mo sakin! Dumihan niya ko!!"

"Is it true?" Tanong ko kay Tina at nilingon siya.

"Ah, Ma'am kasi nung mag seserve na po ako bigla po siyang tumayo sa kinauupuan niya kaya nasagi niya po ako tapos po sakanya po tumabon yung cold chocolate drink na order nila." Pagpapaliwanag ni Tina.

Tumingin naman ako sakanta tsaka siya nginitian siya.

"So it's your fault. Why are you blaming her?" Nakangiting tanong ko sakanya.

"Ano?! Sabihin mo tanga tanga ka lang! Hindi ka tumutingin muna bago ka maglakad!!" Sigaw niya nanamn.

Nairita naman na ako dahil masyado na siyang maingay.

"Can you please minimize your voice? This is not squatter area nor public market for you to shout." Sarkastiko kong sabi sakanya. Napapahiya naman siyang tumahimik.

"Ano bang sinisigaw mo jan? Yang damit mo?" Tanong ko sakanya habang nakaturo sa damit niya.

Naglakad ako papalapit sa table kung nasaan ako kanina at kinuha ko yung wallet ko tsaka ako lumapit ulit sakanya.

"Is this enough?" Sabi ko sakanya habang hawak yung pera na galing sa wallet ko nasa 3 libo din siguro.

"Sayo na to bumili ka ng damit mong totoo hindi yung peke. Wag mo din ipagmalaki na mamahalin yang damit mo dahil kayang kaya kita bilhan ng mas mahal pa jan." Sabi ko sakanya.

Napapahiya naman siyang umalis sa loob ng coffee shop ko.

"Clean this mess Tina" utos ko kay tina habang nakangiti.

"Yes ma'am sorry po"

"No it's ok." Sagot ko sakanya tsaka siya nginitian ulit.

Doon ko lang napansin na mas lalong dumadami ang tao at mga camera na nakapalibot sakin kaya dali dali akong pumasok sa loob ng kitchen.




Hi guys!! Please read my another story!!

D R E A M  C O M E  T R U E .

And also add me or follow me on:

FB: Clarisse Reyes and Clarisse Anne Reyes

Twt and Ig: @Clangskie8

Thankyou in advance godbless.


I Think Im Inlove With My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon