Kinabukasan tinext ako ni Gio na ililipat daw ang venue ng Team Building namin. Sa Cebu na daw ang venue, hindi ko alam kung bakit biglaan pero ok na yun.
Officer lang naman ako sa room namin di ko na kailangan problemahin yun.
"Babeeee" sigaw ni Xavier galing sa kwarto.
Kasi akong magising kesa sakanya kaya naiwan siya sa kwarto.
Lumabas siya ng kwarto ng parang may hinahanap, nang makita niya ako doon lang siya natauhan at lumapit sakin.
"Akala ko kung nawawala ka." Sabi niya sakin sabay yakap.
Kumalas naman ako sa pagkakayakap niya.
"Ang Oa mo." Sabi ko sabay punta sa sala. Hindi naman siya sumunod sakin dahil mag luluto pa siya breakfast namin.
Ilang minuto pa at natapos na siya mag luto at kumain na kami, pag katapos namin kumain nag ayos agad kami ng sarili namin para makapasok na.
Nandito na kami ngayon sa room at kasalukuyang nakikinig sa explanation ng Prof namin about sa pinaghahandaan nilang team builiding sa cebu.
"Sir how about our plane tickets?" Tanong ni Frea na nasa unahan katabi ni Sally.
Satingin ko friends na sila. Bagay silang maging mag kaibigan parehas maharot.
"Doon namin kukuhain sa ibabayad nyo ang pera pambili ng plane ticket." Sagot ng Prof namin sa kanya.
"May bayad pa sir?!" Gulat na tanong ni Sally. Idiot bitch.
"Bakit parang gulat na gulat ka. Hindi mo ba afford?" Sarkastikong tanong sakanya ni Carlyn na kinaingay naman ng buong classroom.
Tinarayan naman siya ni Sally at walang naisagot sa sinabi ni Carlyn.
Natawa naman ako sa reaksyon niya dahil para siyang bulkan na anytime sasabog na. Hahaha.
"Stop it class. Hindi naman na kayo mamomroblema sa pag bayad dahil parents nyo na ang bahala doon" napa tango nalang kami sa sinabi niya. "Ok class that's all for today you may now take your break."
Pagkalabas ng prof namin inayos agad namin ang gamit namin at sabay sabay na pumunta sa cafeteria.
Bumili lang kami ng softdrinks at spaghetti ni Carlyn ay yung mga boys naman nag laro ng basketball sa gym.
Habang nag lalakad kami ni Carlyn papunta sa pwesto namin nabangga ni Carlyn si Sally dahilan para mabuhos ni Sally yung palamig niya kay Carlyn.
Alam kong sadya iyon dahil bigla siyang tumayo ng dadaan na kami.
"Ooppss sorry" sabi niya sabay tawa ng malakas.
Kalmado naman namin siyang tinignan at napatigil naman siya sa pag tawa.
"Ayan lang ba afford mong drinks? Samalamig?" May pang aasar sa tono ni Carlyn kaya naman napatayo ng diretso si Sally.
"Tyaka parang ang laki ng hinayang mo at natapon mong drinks." Pang aasar ni Carlyn sakanya. Napangisi naman ako dahil na pipikon na si Sally.
Naupo lang ako sa table sa tabi ko at pinanood si Carlyn sa pang iinis kay Sally.
Binuksan ni Carlyn ang Coke niya at kinuha din ang sakin at binuksan din ito.
"You see this?" Tanong ni Carlyn sakanya.
Bigla naman binuhos ni Carlyn ang coke na hawak niya kay Sally na kinagulat naman ng lahat ng studyanteng nandito sa cafeteria.
"Ngayon alam mo na lasa ng Coke." Sabi ni Carlyn at iniwang naka tunganga si Sally.
Tumayo naman ako at pinag pagan ang damit ko tyaka tumingin kay Sally.
"Tsk tsk. Don't messed up to us again" sabi ko sakanya ng naka ngisi at sumunod nadin ako kay Carlyn.
Dumeretso siya sa Cr para mag palit ng damit.
"I hate that bitch!!" Sigaw ni Carlyn sa loob ng cubicle.
"Who doesn't hate that bitch?" Tanong ko sakanya habang nag huhugas ako ng kamay.
"No one! Grr!!" Sabi niya tyaka siya lumabas ng cubicle.
Lumabas nadin kami agad st dumeretso sa gym para puntahan sila doon. Sakto naman at pahinga na nila.
"Oh bakit ka nag palit ng damit?" Tanong ni Oliver kay Carlyn. Pero tinarayan lang siya nito.
Hindi panga pala sila ok simula kahapon.
Lumapit naman sakin si Xavier na basang basa ng pawis at aamba na yayakapin ako.
"Try to hug me, sasapakin kita" sabi ko sakanya kaya hindi niya na tinuloy ang ambang yayakapin ako.
Bigla naman siyang nag pout alam kong nagtatampo siya kaya naman kiniss ko siya. Agad naman siyang napangiti.
Kinuha ko yung towel niya at pinunasan ko siya ng pawis, bigla namang pumasok sila Sally sa loob ng gym.
Agad silang lumapit samin, napangisi ako nga makita ko ang itsura niya, hindi pa siya nakakapag palit ng damit.
"Oh anong nangyare sayo?" Kunyareng inosenteng tanong ni Carlyn.
Tinignan niya naman kami ng masama. Kinuha niya yung tubig na hawak ni Oliver at binuhos iyon kay Carlyn. Nagulat naman kaming lahat sa ginawa niya.
"You deserve that!" Sigaw ni Sally kay Carlyn
hindi na ko nakapag timpi at kinuha ko ang gatorade ng isa sa mga kasama nila Xavier mag basketball.
Binuhos ko lahat iyon sakanya at binato ko sa muka niya ang bote.
"Sinabihan na kita wag kami ang kalabanin mo." Seryoso kong sabi sakanya at onti onting lumalapit sakanya habang tinutulak siya gamit ang hintuturo ko. "Gusto mo ba talagang masaktan ha!" Sigaw ko sakanya at napalakas ang pag tulak ko sakanya dahilan ng pagka tumba niya kaya hinila na ako ni Xavier doon palayo.
"Try to messed with us again, may kalalagyan ka." Tangi kong nasabi bago tuluyang umalis.
Sumunod naman sila agad sakin. Ang kapal ng pag mumuka niyang ganon ganunin si Carlyn, baka nakakalimutam niya transferee lang siya dito.
"Calm your self Queenie." Sabi ni Van sakin. Alam nila ang ugali ko kapag hindi ko nakalma sarili ko walang tao ang makakapigil sa gagawin.
Ilang training ang pinasok ko para maging pangalawang pinuno kaya hindi nila magugustuhan ang kaya kong gawin sakanya.
Hindi na kami pumasok sa mga sumunod na mga subj namin. Tumambay nalang kami sa Cafeteria ko.
Niyakap naman ako bigla ni Xavier, hindi ko alam kung bakit.
"Nakakatakot nanaman expresyon ng muka mo. Calm your self babe wag mona ibaba ang level mo sa ganong tao." Sabi niyang nag taka ako sa ginawa niya.
Siya lang talaga ang nakakapag pa kalma sakin.
----------------
Hi guys!! Please read my another story!!D R E A M C O M E T R U E .
And also add me or follow me on:
FB: Clarisse Reyes and Clarisse Anne Reyes
Twt and Ig: @Clangskie8
Thankyou in advance godbless.
BINABASA MO ANG
I Think Im Inlove With My Bestfriend
Teen FictionIsang pagkakaibigan na hindi mo namamalayan na nasasaktan kana. Ok naman kayo noong una palang, ngunit nag bago ang lahat ng makakilala siya ng ibang tao. Hindi na siya katulad ng dati mong bestfriend na palagi lang nanjan sa tabi mo. What if kung y...