I Think Im Inlove With My Bestfriend: Chapter 22

3.2K 72 0
                                    


Kinabukasan wala akong ganang pumasok kaya naman naisipan kong sa Coffee shop nalang muna tumambay.

Nandito ako ngayon sa office ng Coffee shop ko.

Hindi naman to mukang office talaga, muka nga tong normal na kwarto ng teenager eh.

Nagtagal pa ko ng ilang oras dito ng mabored na ko dito sa loob ng office.

Kaya naman nag prisinta ako sa counter na ako nalang muna kukuha ng mga order at doon muna siya sa loob ng kitchen.

Naenjoy ko naman ang ginagawa ko ng biglang mag dilim ang paningin ko dahil may papasok na impaktita dito.

Habang papalapit siya ng papalapit pataas din ng pataas ang kilay at ngisi niya.

Pinilit kong ngumiti sakanya ng totoo pero hindi ko magawa.

'ang hirap makipag plastican!!'

"Good Afternoon mam, what's your order?" Pilit na ngiti ko sakanya na kinasinghal niya naman.

"Kaya pala absent ka ngayon dahil pumasok ka sa part time job mo." Patawa niyang sabi.

Bitch please, hindi mo nga pala alam na ako ang may ari ng Coffee shop na to kaya bobo mo today.

"Sorry mam pero hindi po kami pwedeng makipag usap sainyo, So can I take your order mam?" Sarkastiko kong tanong sakanya.

"Hah!.. naghihirap kana ba kaya nag tatrabaho kana?... Nakakaawa ka naman." Sabi niya pa sakin.

Pinipigilan ko ang sarili ko na sumagot sakanya ng hindi maganda kahit na nasa teritoryo ko siya dahil gusto kong mapahiya pa siya pag nalaman niyang akin tong Coffee shop na tinatapakan nya.

"Mam we don't want your trashy attitude here, so please stop making scandal here." Sarkastiko ko pang sabi sakanya.

"What the?!" Nanlaki naman ang mata niya. "Asan ang boss mo?!.. wala kang galang sa costumer nyo!.."

Natataranta na siya sa sobrang galit kaya naman bigla niyang kinalabit ang isa sa mga waitress ko.

"Asan ang boss nyo?! Tawagin mo ngayon din!!" Sigaw niya dito.

Nagulat naman ang si Resie sa sinabi niya. Tinignan niya ako at tinanguan ko naman siya.

Alam niya na ang sasabihin niya kaya naman...

"Mam, yung amo po kasi namin na may ari nitong Coffee shop nato ay ang taong nasa harap nyo at humihingi ng order nyo." Nakangiti niyang sabi at tyaka nilayasan si Bea na nakanganga at tulala.

"I-ikaw? Ikaw ang ma-mayari neto?" Utal utal na tanong niya at hindi padin siya makapaniwala sa narinig niya.

"Yes bitch! So if you not going to tell me what's your order you may leave now, I dont want to deal with your squatter attitude!" Sigaw ko sakanya.

I Think Im Inlove With My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon