I Think Im Inlove With My Bestfriend: Chapter 30

2.5K 53 6
                                    

*Xavier Point Of View.

3 taon.. 3 taon ang lumipas noong nasaktan ko si Queenie.

Simula noong araw na nasaktan ko siya habang nasa team building kami hindi ko na siya nakita.

Ewan ko kung pano siya nakaalis doon noong araw na yon pero sising sisi ako sa ginawa ko.

Umuwi ako sa condo namin at nadatnan ko nalang na sira na ang lahat ng gamit namin doon at wala na ang mga gamit niya.

3 taon din akong nag hintay na bumalik siya, habang nag aaral ako hindi ako tumigil na hanapin siya.

Maski ang kuya niya hindi alam kung nasaan siya.

Kung kani-kanino na ako nag tanong kung nasaan siya pero ni isa walang nakaalam.

"Sir mag start na po ang meeting nyo." Sabi sakin ng assistant ko.

Nang maka graduate ako kinuha agad ako nila mommy para mag trabaho sa kompanya namin.

Pero hindi ako tumigil na hanapin siya. Walang araw at gabi na hindi ko siya inisip.

Sa loob ng tatlong taon wala akong ibang inisip kundi siya lang. Maraming babaeng nag try na landiin ako pero binaliwala ko iyon dahil si Queenie talaga ang mahal ko.

"Ok susunod na ko." Sabi ko sa assistant ko at dumeretso na ko sa Meeting room.

Nagsimula na silang mag salita pero nakikinig lang ako sakanila.

Maganda naman ang presentation nila kaya mabilis ding natapos ang meeting namin.

Umuwi din ako agad dahil may gagawin pa akong mas importante.

May sarili na din akong bahay. Ako lang ang magisa dito, ito ang dream house namin ni Queenie noon.

May mangilan ngilan akong gamit dito na gamit pa namin noon ni Queenie sa Condo.

Dumeretso na ko sa kwarto ko at tsaka nahiga sa kama ko.. lumingon ako sa side table kung saan nandoon ang picture naming dalawa.

'I really miss you babe' sabi ko sa isip ko.

Ilang minuto ko pang tinitigan ang picture naming dalawa at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Nagising nalang ako sa sunod sunod na door bell galing sa labas.

Tamad akong tumayo at nag hilamos sa banyo, tinignan ko ang oras.

8pm na ng gabi... sino naman kaya tong doorbell ng doorbell.

Nag palit lang ako ng damit at dumeretso na ako sa monitor para malaman kung sino ang nag dodoorbell.

Sila Oliver. Mang gugulo nanaman sila dito sa bahay ko.

Alam nila Oliver ang totoong nangyari dahil sila yung mga taong pumili na pakinggan ako sa explaination ko.

"What?!" Sigaw ko sakanila.

"Open the door we have some great news for you!" Galak na sabi ni Carlyn.

Nagalit din ng una sakin si Carlyn pero nakinig din siya sakin kaya napatawad niya ako.

Binuksan ko na ang pinto at hinintay ko nalang sila sa sala.

"What up bro!!" Bungad nila sakin at isa isa ko silang kinamayan.

"So what's the great news?" Tanong ko agad sakanila.

"Nakauwi na daw ng pinas si Queenie, pero ni isa samin wala pang nakakakita sakanya." Sabi ni Carlyn.

Nagulat naman ako sa sinabi niya.. hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon.. nag hahalong saya at kaba ang nasa loob ko ngayon.

"Saan siya galing? Kelan siya naka uwi? Saan galing yang balita na yan?" Sunod sunod na tanong ko sakanya.

"Galing daw siya sa korea bro, last week lang daw." Sagot ni Van.

"Si Bryan yung batch mate natin nung Collage nakita daw siya sa isang mall." Dagdag pa ni Oliver.

"Grabe ang laki daw ng pinag bago ni Queenie, yung dating maamo niyang muka naging mas matured na at mas mukang palaban na talaga." Sabi ni Carlyn.

"Seryoso bayan? Baka ginu-good time lang tayo niyan ni Bryan?" Sabi ko pa sakanila.

"No bro! Kung dati lagi tayong nadidismaya sa mga balita na nasasagap natin ngayon hindi!" Sabi ni Van.

Bigla naman inabot sakin ni Carlyn yung phone niya.

"Look!" Sabi niya.

Tinignan ko naman ang phone ni Carlyn.

Tyaka lang ako naniwala na totoo ang sinasabi nila sakin ng makita ko ang picture kung saan nandoon si Queenie.

Mag isa lang siyang nag iikot sa girls boutique sa isang mall.

Ang laki nga ng pinagbago ng itsura niya. Ang ganda ganda niya.

Napansin ko nalang na umiiyak na ko ng makita ko ang isang patak sa cellphone ni Carlyn.

'Totoo nga' sabi ko sa sarili ko.

Agad kong pinunasan ang luha ko at kinuha ang cellphone ko.

Dinial ko an number ng secretary ko.

"Hello, please find an information about Queenie Joo asap!" Agad na sabi ko ng masagot niya ang tawag.

"Yes sir!" Sabi niya at binaba na ang tawag.

Isa isa ko silang niyakap.

"Thanks for your help guys!" Sabi ko sakanila habang umiiyak sa tuwa.

"Ano kaba! Wala yan no! Magkakaibigan tayo dapat nag tutulungan." Sabi ni Oliver.

Pinunasan ko na ang luha ko at pinag luto ko sila ng masasarap na pagkain bilang thankyou sakanilang tatlo.

'See you soon my babe i miss you so bad.' Sabi ko sa isip ko habang nag luluto.

Kinabukasan pagkadating na pagkadating ko sa office agad na nagreport sakin ang Secretary ko.

"Sir.. sorry but Ma'am Queenie has an personal information, wala po akong makitang information about sakanya. Masyado din pong madaming humaharang para mahanap ko ang mga information about sakanya." Sabi niya sakin.

Nag pintig naman ang tenga ko, akala ko pa naman napaka gandang balita ang sasabihin niya sakin.

"Then do your best! Kung kailangan mong makipag patayan para malaman ang mga impormasyon sakanya gawin mo!!" Sigaw ko sakanya atsaka ako nag lakad papunta sa office ko.

Napahawak ako sa ulo ko sa sobrang inis ko.

'We will meet again. Not now but soon. No one can stop me.'

------------------
Hi guys!! Please read my another story!!

D R E A M  C O M E  T R U E .

And also add me or follow me on:

FB: Clarisse Reyes and Clarisse Anne Reyes

Twt and Ig: @Clangskie8

Thankyou in advance godbless.

I Think Im Inlove With My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon