Sinamahan ako ni Reid at Carlyn sa bahay para mag impake ng gamit ko.Wala pa si Kuya sa bahay kaya makakaalis kami ng hindi sila makakahalata.
Nang makarating kami sa bahay dali dali akong umakyat sa taas. Sumunod naman agad sakin si Manang at nag tataka kung bakit ako nag mamadali mag impake.
"Anong nangyare iha? bakit ka nag iimpake? kauuwi mo lang diba?" takang tanong ni Manang.
Hindi ko siya sinagot at kinuha lahat ng gamit ko sa kwarto na iyon.
pag katapos ko mag impake kinuha agad iyon ni Reid at Carlyn at sinakay namin sa sasakyan.
"Iha ano bang nangyayare bakit ka nag mamadali?" natataranta na tanong ni Manang.
"Manang wag mong sasabihin kay kuya kung sino ang kasama ko umalis ngayon ha, basta sabihin mo lang umalis ako ng madaling araw at di mo na ko namalayan. Paki text din ako kapag nakauwi na si kuya salamat." tangi kong sagot kay manang at dali dali na ring sumakay sa sasakyan.
Dumeretso muna kami sa Ospital doon ang meeting place namin, sasama silang lahat sakin dahil gusto daw nila akong maprotection-an.
Well, kaya ko naman ang sarili ko, para saan pa ang pagiging kanang kamay ko sa gang namin kung di ko kaya ipag tanggol sarili ko diba.
Pag dating namin sa ospital nakabalik na silang lahat doon dala ang kani-kanilang gamit. kaming tatlo nalang pala ang inaantay.
May gamit nadin si Carlyn at Reid doon dahil nga napag handaan na nila ito.
Lumapit lang ako kay mommy at hinalikan siya sa noo bago ako tuluyang nag paalam sakanya.
"I missed you mom, please wake up when everything is ok." bulong ko sakanya tyaka umalis na ng tuluyan.
May private nurse na maiiwan kay mommy, may nga body guard din na kinuha sila Xavier for safety.
Gagamitin namin yung van ni Reid, Comfortable to dahil malalambot ang mga upuan mapa front at back seat. Pang travel talaga tong van nila.
Sa front seat ako pinaupo ni Reid dahil siya ang mag ddrive, nasa likod ni Reid si Xavier katabi niya naman si Oliver then sa likod naman si Carlyn and Van.
Somewhere Ilocos daw kami pupunta dahil may bahay sila Reid doon na dun nila kinalakihan. Wala na daw nakatira doon dahil halos lahat ng Relatives niya nasa Manila and States.
Nagising ako sa tapik ni Reid, nakatulog pala ako sa byahe. Kanina ng umalis kami maliwanag pa pero ngayon madilim na.
Nag stop over kami sa isang restaurant para mag dinner.
Walang umiimik samin habang inaantay ang order namin.
Katapat ko ngayon sa upuan si Xavier habang katabi ko naman si Reid.
Nakatulala lang ako sa labas habang hinahantay yung pagkain ko.
Nang dumating na ang pagkain eh kumain nalang kami ng tahimik, bukod kau Carlyn at Van na ngayon ay nag babangayan sa walang kwentang bagay.
Tahimik naman akong kumakain, madami pading umiikot sa isip ko ngayon.
"You okay?" pabulong na tanong sakin no Reid.
Alam kong pabulong iyon pero alam ko din na narinig ni Xavier yon dahil nag angat siya ng tingin saming dalawa.
Tinanguan ko nalang si Reid at nag kibit balikat naman siya at tumuloy na kami kumain.
Pagkatapos namin kumain halatang pagod na si Reid sa pag ddrive dahil hinahawakan niya na ang balakang niya.
"Ok kalang Reid? Gusto mo si Xavier muna mag drive?" tanong ni Carlyn kay Reid habang kumukusot ng mata.
"Pahinga kana muna bro." singit naman ni Oliver.
"Sige siya muna ang nag drive, medyo inaantok din ako eh." sagot ni Reid habang humihikab.
Nanlaki naman ang mata ko ng mapag tanto kong sa harap pala ako nakaupo at makakatabi ko siya.
Hinagis ni Reid ang susi ng van kay Xavier. Alam kong ok na tong dalawang to, dahil din siguro kay mom kaya sila nag ka sundong dalawa.
Pumasok na ako sa loob ng sasakyan at niready ang earphone ko. Mag sosoundtrip nalang ako dahil magiging super awkward neto para sakin.
Sinimulan na ni Xavier ang pag ddrive habang ako naman eh nakatingin lang sa kalsada habang nakikinig sa Music ko.
Hindi masyadong malakas ang music ko para if ever na mag usap sila marinig ko.
Ilang oras pa ang lumipas at nakarating na kami sa Bahay nila Reid. 12 midnight nadin kaya agad niya kami tinuro kung saan ng magiging kwarto namin ni Carlyn.
Malaki ang bahay na ito, or should I say ang Mansion na ito. Maraming pintuan sa baba at dito nadin sa taas.
Malaki din itong kwarto na pinag hatidan samin ni Reid. may dalawang bed na magkalayo at may sofa sa gitna, may tv din na nakatapat mismo sa pinto. May cabinet sa magkabilang pader. May sarili din itong Bathroom.
Iniwan na kami ni Reid at diretso ko ng inayos ang mga gamit ko.
"Ang laki ng mansion nila Reid no!" na eexcite na sabi ni Carlyn.
"Pero hindi tayo nandito para mag saya Carlyn." Seryosong sagot ko sakanya.
Lumapit naman siya sakin at umupo sa kama.
"So hanggang kelan tayo magtatago? Hanggang sa mahuli tayo?" Napaisip naman ako sa sinabi niya.
Hanggang kelan nga ba ako magtatago na parang daga? Kelan ako kikilos? Tyaka lang ba talaga ako kikilos kapag anjan na? Pag komplikado na ang lahat?
"Ok lang yan, ang mahalaga ngayon ligtas tayo .. pero hindi din mag tatagal haharapin din natin yang problema na yan .. ang kailangan lang natin ay ang mag handa." seryoso niyang sinabi tyaka tumayo sa higaan. dumeretso siya sa gamit niya at tyaka itinabi iyon. Binagsak niya ang katawan niya sa higaan at tsaka pumikit.
Wala siyang tulog simula kanina dahil puro siya harot, ako naman ay hindi pa inaantok dahil tulog ako buong byahe namin.
Kaya naman nang natapos ako sa pag aayos ng mga gamit ko eh agad akong bumaba sa living room nila.
Nakita ko doon si Xavier na nanonood ng Tv habang nakataas ang paa sa Center table, hindi ko naman nasiya pinansin at dumeretso ako sa kusina para kumuha ng inumin at dumeretso sa tabi ng pool.
Hi guys!! Please read my another story!!
D R E A M C O M E T R U E .
And also add me or follow me on:
FB: Clarisse Reyes and Clarisse Anne Reyes
Twt and Ig: @Clangskie8
Thankyou in advance and godbless!
BINABASA MO ANG
I Think Im Inlove With My Bestfriend
Teen FictionIsang pagkakaibigan na hindi mo namamalayan na nasasaktan kana. Ok naman kayo noong una palang, ngunit nag bago ang lahat ng makakilala siya ng ibang tao. Hindi na siya katulad ng dati mong bestfriend na palagi lang nanjan sa tabi mo. What if kung y...