Dalawang taon ang lumipas naka graduate na kaming lahat sa highschool at 3rd year collage na kami.Dalawang taon nadin kaming may relasyon ni Xavier at patago lang ito.
Sa loob ng dalawang taon madami na ang nangyari. May mga hindi inaasahang trahedya.
May mga away at tampuhan, pero hindi kami pumapayag ni Xavier na hindi ito maayos.
Dito nadin siya nakatira sa condo ko, peromag kahiwalay padin ang kwarto namin, hindi kasi pumayag si tita na hindi kami maghihiwalay ng kwarto.
"Babeeee kakain na tayo" sigaw ni Xavier galing sa labas.
Siya din ang tiga luto dito samin, siya din ang nag lilinis ng bahay at kung ano ano pa. Ayaw niya kasi akong pinapakilos. Ewan ko jan.
"Yes babe lalabas na" sigaw ko din sakanya galing sa kwarto.
Pagkalabas ko ng kwarto naabutan ko siyang pinipicturan ang pagkain namin.
"Bakit kailangan mo pang picturan yan?" Tanong ko sakanya.
"Wala lang." Sagot niya sakin sabay baba ng phone niya at hinila niya ako papunta sa mesa.
"Kain na" sabi niya sakin.
Sinimulan na namin ang pagkain, nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng may biglang kumatok sa pinto.
Tatayo na sana ako pero pinigilan ako ni Xavier sabi niya siya na daw.
"Nandito na silaa" sigaw ni Xavier mula sa pinto.
Nandito NANAMAN sila.
"Pakain" bungad ni Carlyn ng makita ako.
Kasama niya sila Reid, halos araw araw din nandito yang mga yan. Kulang nalang bigay ko sakanila yung pin ng condo ko.
"Bakit nandito nanaman kayo?" Pataray na tanong ko sakanila.
"Wala kaming magawa" sagot ni Reid habang nanonood ng tv.
Tinapos lang namin ni Xavier ang pagkain at dumeretso na kami sa sala kung saan nandoon silang lahat.
"Kamusta na kayong dalawa?" Tanong ni Oliver sakin.
"Wow makatanong kala mo hindi tayo magkasama noong nakaraang araw." Sarkastiko kong sagot sakanya.
Nagtawanan naman silang lahat sa sinabi ko.
"Syempre isang araw din tayong hindi nag kita malay mo may mga nangyare sa loob ng isang araw." Pag eexplain ni Oliver.
Binatukan naman siya ni Van.
"Ang oa mo" sabi sakanya ni Carlyn.
Nag tawanan naman kaming lahat.
Sa loob ng dalawang taon ganito lang kami, madalas mag asaran magka pikunan pero walang nangiiwan. magkaklase din kami sa lahat ng subject.
![](https://img.wattpad.com/cover/99884802-288-k391515.jpg)
BINABASA MO ANG
I Think Im Inlove With My Bestfriend
Teen FictionIsang pagkakaibigan na hindi mo namamalayan na nasasaktan kana. Ok naman kayo noong una palang, ngunit nag bago ang lahat ng makakilala siya ng ibang tao. Hindi na siya katulad ng dati mong bestfriend na palagi lang nanjan sa tabi mo. What if kung y...