Pagkapasok namin sa loob nagulat ako dahil nandoon silang lahat sa sala.Nakatingin silang lahat saming dalawa habang nakangiti. Ngiting nakakaloko.
"Im so happy for the both of you." sabi ni Carlyn na maiyak iyak.
Nakipag apir naman si Van and Oliver kay Xavier. Si Reid naman ay nakatingin lang saming dalawa.
Lumapit siya sakin at niyakap ako ng mahigpit.
"Im happy because you're happy. I love you, but you still love him. That's why I agree with this." bulong sakin ni Reid.
Alam kong may gusto si Reid sakin, hindi lang bilang kaibigan kundi higit pa doon, sa tagal naming magkasama sa Korea alam kong may pinaparamdam siyang kakaiba pero hindi ko nilalagyan yun ng malisya.
Bigla naman kaming pinaghiwalay ni Xavier. Nagkatinginan naman sila ng masama ni Reid.
"Sinasabi ko sayo Xavier, kapag sinaktan mo pa siya hindi na ako papayag na makuha mo pa siya ulit This is your last chance." seryosong sabi ni Reid.
"Ofcourse. Nag kamali na ko noong una, hinding hindi ko na uulitin pa yun." Sagot ni Xavier sakanya.
"Ey ey ey! Stop it. Let's eat na." aya ni Carlyn samin.
Nauna na silang lahat sa dining area. habang kami ni Xavier pinapanood lang sila.
Half of me is happy and the other half is sad.
Im happy because we're ok, nalabas ko na lahat. Natanggap ko na lahat, nalaman ko na din yung about kay Mommy.
And im also sad because of our situation now. Nag tatago kami na parang mga daga, hindi namin alam kung ano dapat naming gawin dahil alam namin maraming kapit si kuya.
But in the end I know, we can win this fight.
"Lets eat" aya ni Xavier sakin. Tinanguan ko lang siya at nag lakad na kami papalapit sakanila.
Kinabukasan sabay sabay kaming kumain ng umagahan, masaya ang gising ng bawat isa ngunit may pangamba padin na nadarama.
Napapaisip padin ako kung pano ko aayusin ang kay mommy.
Napapaisip padin ako kung pano ko kakalabanin si Kuya sa plano niya.
Habang nasa sala kaming lahat nakatanggap ako ng mensahe sa unknown number.
"Hindi mo ko matataguan Queenie, hahanapin kita kahit nasaan ka."
May kutob na akong si Kuya iyon. Dahil malakas makatunog yun sa nangyayare.
Siguro alam niya ng alam ko ang plano niya, marami din siyang tauhan kaya alam kong malalaman at malalaman niya na alam ko na.
"I think your kuya know na." bulong sakin ni Reid.
"Ah, yeah I think so." sabi ko sakanya.
"So what's your plan?" sabi sakin ni Van.
"Actually I dont know yet, bahala na kung ano mangyayare basta mag iingat nalang tayo lahat palagi." sabi ko sakanila.
Nginitian naman nila akong lahat.
"But we have to get ready just in case?" Singit ni Carlyn galing sa isang kwarto, may hawak na siyang mga gamit na pang training meron din siya hawak na baril ewan ko kung saan galing yun pero mukang galing sa loob ng kwarto na yun.
"May training room dito sa baba. We can train ourselves." sabi ni Reid. "Nag aral kadin naman about jan Queenie right?" Nginitian ko naman sila.
Na excite na ako sa mangyayareng training namin, ang tagal ko nadin hindi nagagawa to.
Noong nasa korea ako nag aral ako ng Taekwando and Self defense, Ofcourse kailangan ko yun dahil pangalawa ako sa mataas sa gang namin.
"Let's go?" Aya samin ni Xavier. Sabay sabay naman kaming tumayo at dumeretso sa kanya kanyang kwarto para mag palit ng damit.
Nang bumaba na kami sa Training room napaka ganda dito, may shooting din dito. Di mo aakalain na may ganito sa loob ng bahay na ito.
Oo malaki tong bahay na to pero mukang simpleng bahay lang to. Hindi mo aakalain na may ganto dito.
Sinimulan na namin ang ensayuhin ang isa't isa. Habang tinuturuan ko silang lahat hindi padin nawawala sa isip ko kung ano ang mangyayari kung sakali.
"You okay?" tanong sakin ni Xavier.
"Yeah I'm ok." sagot ko sakanya na may pilit na ngiti.
"You sure?" Hindi siya naniniwala na ok lang ako. Wala padin nag babago sakanya. Kilalang kilala niya padin ako.
"Yeah." sagot ko sakanya.
Paalis na sana ako papunta kanila Carlyn na nag shoshooting na ngayon pero bigla ko nalang naramdaman ang yakap niya mula sa likod ko.
"We're here. I'm here. Dont worry, lalaban tayong lahat magkakasama hindi ka namin iiwan." bulong niya sakin habang nakayakap.
Bigla naman tumulo ang luha ko, hindi ko alam pero masaya ako dahil hindi nila ako iniiwan. Dapat laban ko lang to eh, because this is family matter pero anjan sila sa tabi ko hindi ako iniiwan.
Hinarap ko siya. Hindi ko na napigilan at tuloy tuloy na ang pag tulo ng hula ko.
"Thankyou for always there." sabi ko sakanya sabay bigay ng matamis na halik.
![](https://img.wattpad.com/cover/99884802-288-k391515.jpg)
BINABASA MO ANG
I Think Im Inlove With My Bestfriend
Teen FictionIsang pagkakaibigan na hindi mo namamalayan na nasasaktan kana. Ok naman kayo noong una palang, ngunit nag bago ang lahat ng makakilala siya ng ibang tao. Hindi na siya katulad ng dati mong bestfriend na palagi lang nanjan sa tabi mo. What if kung y...