I Think Im Inlove With My Bestfriend: Chapter 39

2K 45 14
                                    

Now Playing: Hericane by LANY

Binabad ko ang paa ko sa pool at sumipsip sa beer na kinuha ko.

Tinitigan ko ang kumikinang na langit, nakakarelax talaga tignan ang langit kapag maraming bituwin.

Napangiti naman ako habang naka tingala. Siguro kung ok ang lahat mas magiging masaya tong pag punta ko dito.

Napalingon naman ako sa likod ng may narinig akong umubo, Si Xavier nakatayo sa pintuan habang nakatitig sakin.

Tinitigan ko lang siya at binigyan siya ng tingin na bakit ka nakatayo jan?

"Pwede ba akong tumabi sayo?" tanong niya pero nag lalakad na siya palapit sakin.

"Ikaw bahala" Malamig na sagot ko sakanya.

Tuluyan na siyang umupo sa tabi ko. Sumipsip naman ako iniinom kong beer.

"Ang lakas mo na palang uminom?" bigla niyang tanong sakin.

"Hindi naman." Sagot ko sakanya. Napaka awkward ng nangyayare ngayon kaya hindi ko alam kung san ako kukuha ng lakas ng loob para mag salita.

Nakakabinging katahimikan ang nangyayare ngayon. Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko, gusto kong tumayo ngunit nakalimutan ko na ata kung paano.

"Queenie." nanginginig ang kanyang boses.

"Hmm?" sabi ko atsaka humarap sakanya.

Nagtama naman ang mga mata namin, kitang kita ko ang hirap at awa na nararamdaman niya ngayon.

Nahihirapan siya ngayon sa kung anong meron kami at naaawa siya sa sitwasyon ko ngayon.

Hindi ko naman kailangan ng awa niya, kaya kong lumaban. Kailangan ko lang mag handa dahil alam kong hindi basta basta si Kuya.

"Im sorry" bigla niyang banggit. Hindi naman ako nakasagot, hindi ko alam san ako kukuha ng hangin para makapag salita. Tinitigan ko lang siya. "Alam kong malaki yung kasalanan na nagawa ko sayo, ang laki ng pag sisisi ko dun kung alam mo lang. Kapag nakikita kitang nasasaktan mas nasasaktan ako.--" nagulat naman ako ng bigla tumulo ang luha niya.

"Alam ko din na hindi mo ko mapapatawad kahit na anong gawin ko--" nagulat naman ako ng tumayo siya bigla kaya naka-tingala na ako sakanya.

"Wag kang mag alala ito na ang huli kong pakikipag usap sayo about dito, ipapangako kong hindi na kita kukulitin pero hindi ko mapapangakong hindi mangialam sayo about sa nangyayare sainyo ngayon ni mommy mo. Wala eh mahal kita at dahil mahal kita papalayain na kita--" sabi niya ng pinipigilan ang pag agos ng luha niya sa kanyang mga mata.

Para akong nawalan ng malaking halaga ng sinabi niyang papalayain niya na ako. Ayoko, ayoko lumaya hindi ko kakayanin.

"Xavier" napatigil naman siya sa paglalakas ng tawagin ko ang pangalan niya, hindi ko alam kung paano ako nakapag salita ngayon.

"Ayoko." nilingon niya naman ako kaya nag tama nanaman ang paningin naming dalawa. "Ayokong lumaya." Nanlaki naman ang mata niya ng marinig niya ang sinabi ko.

Tumayo na ako sa pag kakaupo at humarap sakanya.

"Ako, ako ang dapat mag sorry sayo, masyado kitang napahirapan dahil lang sa kasalanan na matagal na. Sorry kasi hindi kita pinakinggan--" Unti unti ng tumutulo ang mga luha ko, hindi ko na mapigilan ang pag patak ng mga ito.

"Please don't let me go, please?--" pag mamakaawa ko sakanya. "I need you, kailangan kita. Lalo na ngayon, kailangan ko ng lakas ng loob. At ikaw lang ang makakapag bigay nun." dagdag ko pa.

Unti unti siyang naglakad palapit sakin at tsaka ako niyakap.

Mahigpit na yakap, namiss ko to. Namiss ko siya. Namiss ko yung amoy niya. Namiss ko ang bisig niya. Namiss ko ang lahat patungkol sakanya.

Ang tagal ko ding nag tiss, ang tagal ko din nag sinungaling sa sarili kong wala na kong nararamdaman para sakanya.

Para akong nasampal ni tadhana at sinasabing kailangan ko siya kaya kailangan ko ng gumising.

"shh, baby hindi mo ko pinahirapan, deserve ko yun. Nasaktan kita kaya kailangan kong tanggapin ang parusa." malambing niya sabi habang nakayakap ako sakanya. "Wag kang mag alala, I will never let you go. Never." sabi niya tsaka ako hinalikan sa noo.

Kinaumagahan pag kagising ko wala na si Carlyn sa higaan niya. Dumeretso agad ako sa cr para makapag shower.

Tinignan ko sa salamin ang mata ko, magang maga ang mga ito. Grabeng iyak ko talaga siguro kagabi.

Pagkalabas ko ng banyo nakita ko si Xavier na nakahiga sa kama ko.

"Why you here?" tanong ko sakanya habang nag pupunas ako ng buhok.

Nilingon niya lang naman ako at tumayo sa pagkakahiga niya.

"Magang maga ang mata mo oh." malambing na sabi niya.

Bigla namang kumabog ng malakas nag dibdib ko. Hindi ko alam kung anong isasagot ko.

"Hayaan mo na tara na." sabi ko sakanya tsaka umambang aalis na pero hinila niya ako sa braso at diretsong hinalikan.

Binalik ko naman ang matatamis na halik na binibigay niya. Mas lalo niya pang diniin ang ulo ko sakanya kaya mas lalong nag wwild ang laman loob ko.

"I missed you so fcking damn much!" sabi niya tsaka binalik ang pagkakahalik saakin.

I Think Im Inlove With My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon