Pagkauwi ko sa condo ko naligo agad ako at nahiga agad ako sa kama ko.Bigla namang nag ring ang Cellphone ko kaya naman sinagot ko iyon ng hindi binabasa kung sino ang tumawag.
"Hello?" Walang ganang bungad ko.
"Sup Queenie! Sounds tired huh." Kinilabutan naman ako sa boses na narinig ko.
Agad kong sinilip kung sino ang tumawag.
Pero Unregistered number ang nakalagay.
"Kung ako sayo, iwanan mo na si Xavier kung ayaw mo pang masaktan kayong pareho." Pagbabanta niya.
"At bakit ko naman gagawin yon?" Matapang na tanong ko sakanya.
Hindi ko pinahalata sakanya na medyo natatakot ako sa banta niya.
*Dahil bawal yan satin remember?" Pagpapaalala niya sakin.
"Alam ko. At kung sino ka man, wala ka ng paki sa mga ginagawa ko stop calling me bitch!" Sabi ko sa kabilang linya.
"Well goodluck" huli niyang sabi at binaba na ang tawag.
Kumukulo nanaman ang dugo ko. Nanginginig nanaman ako sa galit. Di ko nanaman mapigilang ang sarili ko.
Di ko alam sa tuwing naiisip ko kung ano ang mangyayare kay Xavier pag nalaman to ng Pinuno namin.
Para akong baliw na ine-express ang galit ko sa pamamagitan ng pag tadyak sa hangin habang nakahiga.
Siguro mas maganda kung mas maaga masabi ko na agad sa pinuno to.
Tumayo ako sa kinahihigaan ko.
"Oo tama kakausapin ko na ang pinuno namin" bulong ko sa sarili ko.
Dali dali akong nag bihis at dumeretso sa motor ko at agad pinaharurot iyon papunta sa lugar kung saan andoon ang pinuno namin.
Dumating ako sa bar na pag mamayari ng pinuno namin.
Pagkababa ko ng motor ko at pagkatanggal ko ng helmet ko agad na nag bow sakin ang mga taong nasa labas.
Tinanguan ko naman sila at dumeretso na ko papasok sa loob ng bar.
"Asan ang pinuno?" Tanong ko sa bouncer sa entrance.
"Andun po sa office niya mam" sagot niya sakin.
Tinanguan ko naman siya at umalis na ko.
Dumeretso ako sa office niya.
Pagkadating ko sa tapat ng pinto ng office niya napaisip ako kung itutuloy ko pa ba to o hindi.
'itutuloy ko to, andito na ko di na ko aatras pa'
Humakbang na ko palapit sa pinto hahawakan ko na sana yung door knob ng biglang may humawak sa kamay ko at pinigilan akong buksan yon.
BINABASA MO ANG
I Think Im Inlove With My Bestfriend
Teen FictionIsang pagkakaibigan na hindi mo namamalayan na nasasaktan kana. Ok naman kayo noong una palang, ngunit nag bago ang lahat ng makakilala siya ng ibang tao. Hindi na siya katulad ng dati mong bestfriend na palagi lang nanjan sa tabi mo. What if kung y...