Tumayo ako sa harapan ni Bea. Inabot naman sakin ni Carlyn ang kutsilyong hawak niya."So paano natin sisimulan ang larong ito?" Tanong ko kay Bea.
Hindi niya naman ako sinagot, tinignan niya lang ako ng masama.
Tinawanan ko naman siya.
"Tignan mo, kung sino ang kontrabida siya tong nakaupo sa trahedya." Sabi ko at sabay kaming tumawa ni Carlyn.
"Alam mo kayang kaya kitang patayin dito, ngayon mismo. Malinis, walang makakaalam. Pero hindi naman halang ang kaluluwa ko para lang pumatay. Kahit wala kang kwentang tao may karapatan kapading mabuhay." Sabi ko sakanya ng seryoso.
"Pero hindi ako papayag na walang galos yang sarili mo. Sa tindi ng ginawa mo kay Xavier? Hahaha" lumapit ako sakanya at kinuha ang kamay niya.
Nagpupumiglas naman siya.
"Baliw ka nga talaga" sabi niya saakin.
"Ha! Sinong baliw sating dalawa?!" Sigaw mo sakanya.
Hinawakan ni Carlyn ang kamay ni Bea. Binaon ko naman doon ang kutsilyong hawak ko dahilan ng pag sigaw niya ng malakas.
"Ano masakit ba?!" Pasigaw na tanong ko sakanya. "Deserve mo yan gago ka!!" Dugtong na sigaw ko sakanya atsaka umalis na.
Dumeretso naman ako sa kwarto kung nasaan si Xavier.
Nakita ko si Xavier nakahiga habang walang malay.
Napaka dami niya sugat at mga pasa sa kanyang katawan.
Nakaramdam naman ako ng galit ng makita ko ang kalagayan niya ngayon.
"Ok na siya nag papahinga nalang siya ngayon masyado ng pagod yung katawan niya sa bugbog" sabi ni Reid sakin.
"Pano na nga pala yang si Bea? Ano ng gagawin natin jan?" Tanong sakin ni Oliver.
"Pabayaan jan at si Pinuno na ang bahala sakanya pag naabutan siya jan." Sabi ko sakanila.
Kinabukasan, hindi padin ok si Xavier kaya dito ko muna siya sa condo inuwi.
Nakakahiya naman kela tita dahil sakin nag kakaganto siya.
Nagluto lang ako ng makakain naming dalawa ng biglang may nag doorbell.
Pumunta agad ako sa pintuan at tinignan kung sino yung nag doorbell. (Korean style)
BINABASA MO ANG
I Think Im Inlove With My Bestfriend
Novela JuvenilIsang pagkakaibigan na hindi mo namamalayan na nasasaktan kana. Ok naman kayo noong una palang, ngunit nag bago ang lahat ng makakilala siya ng ibang tao. Hindi na siya katulad ng dati mong bestfriend na palagi lang nanjan sa tabi mo. What if kung y...