Chapter 8: Letting go.
Queenie's Point of View.
Isang linggo na ang nakalipas simula noong nalibing si mommy. Medyo ayos na din naman na ko. At nalaman ko din na may kuya pala ako. Si Donny. Nakita ko sya noon sa lamay, doon lang kami nag kausap. Kilala nya na daw ako pero mas pinili daw ni mommy na hndi ko sya makilala para daw hndi na ako mag tanong pa ng mag tanong.
Medyo close nadin naman na kami. Kahit na iba kami ng daddy hndi padin maiwasang magkatulad kami sa ibang bagay.
Isang linggo na kong walang gana sa lahat ng bagay. Lagi nalang ako nasa loob ng condo. Hndi na ko gumigimik. Hndi na din ako nakikipag inuman. Pagka galing sa school umuuwi agad ako.
Hndi na din kami masyadong nakakapag bonding ni Xavier. Wala nadin akong balita sakanila ni Denise.
Andito ako ngayon sa library. Mas gusto ko lang ngayon mapagisa. Hndi ko alam, nawawalan na ako ng gana sa lahat ng bagay simula ng nawala na si mommy.
"Bakit mag isa kalang?" Nagulat ako ng biglang may umupo sa harapan ko.
"Wala lang." Wala ganang sagot ko kay Xavier.
"Tara kain tayo. May sasabihin din ako sayo eh." Bigla namang lumungkot ang muka nya.
Hndi ko sya pinansin kaya nanahimik nalang sya. Maya maya pa eh lalo pang sumimangot ang muka nya. Kaya niligpit ko ba ang mga gamit ko tyaka tumayo.
"Saan ka pupunta?" Tanong nya sakin.
"Kala ko ba kakain tayo? Tara na libre mo ha." Napangiti naman to pero mahahalata mo sakanya na nasasaktan sya.
Ano kaya problema netong lalaking to.
Habang nag lalakad kami papunta sa Cafeteria biglang nahagip ng tingin ko si Denise may kasamang ibang lalake. Nakaakbay sakanya yung lalaki.
"Uy Xavier? Tignan mo si denise oh" sabi ko sakanya habang hinahabol sya. Bigla kasing bumilis yung paglalakad nya.
"Bayaan mona." Malamig na sabi nya sakin.
"Anong pabayaan eh gf mo yun." Sabi ko sakanya habang hinahabol padin sya.
Tumigil siya sa paglalakad ng mabilis at biglang humarap sakin.
"Wala na kami Queenie." Nagulat naman ako sa sinabi nya. Bigla nya naman akong niyakap at umiyak sa sakin.
"Huy? Ano ba umayos kanga. Bakit di ka nag kukwento sakin!" Pagbulong ko sakanya habang unti unti ko na din syang niyayakap
"Eh kasi ang dami mo ng problema. Dadagdag paba ako? Ayoko na dumagdag sa pag ka stress mo. Bayaan na natin siya niletgo kona siya para di na ko masaktan pa." Bulong nya sakin habang nararamdaman ko ang mga luha nya sa braso ko.
"Ok lang naman sakin yun eh, atleast nacocomfort kita." Pagpapatahan ko sakanya.
"Bayaan mona nga. Tara na kain nalang tayo." Hinarap nya ko ako tinignan sa mata sabay hila saakin.
------
After 1week bumalik na ang lahat, naging masaya nadin kami sa kung anong meron kami. May isa lang na nag bago sakin.
Masyado na kong naaattached kay Xavier, hndi ko alam. Basta ang gusto ko lagi kaming magkasama. Nagseselos ako sa mga bagay na hndi naman ako dapat nag seselos dahil wala namang kami. Palagi ko na din syang inaaway. Hndi ko naman siya gusto, hndi ko alam. Hndi ko siya gusto o hindi ko lang maamin sa sarili ko?
Para hndi ko na siya masyadong maisip palagi akong nasa inuman kasama ang mga barkada ko. May dalawang klase kasi akong barkada, isang matitino at ayun sila Mae, at mga goer na wild at ayun naman sila Joana.
Palagi nalang akong sumasama kela Joana. Halos wala na nga akong time kela Dothy para makasama sila dahil lagi ko ng kasama sila Joana.
Feeling ko nahahalata nadin nila kung ano ang bago sakin pero hndi nalang din nila ako siguro kinokompronta.
At ngayon, andito nanaman ako sa bahay ng kaibigan ko, birthday nya kasi kaya nag kaayaan kami.
"Himala naman sayo Queenie sumasama ka nanaman ulit saamin?" Pagtatanong sakin ni Benjamin.
"Syempre naman no, kaibigan ko kaya kayo!" Sabi ko sakanila.
"Buti nga yun, para mapormahan kana ni luis." Lusot naman ni vince sa usapan.
Napatingin naman kaming lahat kay Luis na nakangiti lang sakin.
"Ganda talaga netong babaeng to." Pambobola ni Chesca.
Bali 4 na lalaki at 5 babae kami dito.
Habang nag tatawanan kami bigla namang tumunog ang cellphone ko.
*1 message*
Agad ko namang binuksan ang message na yun galing kay Xavier.
"Hi bessy, ano gawa mo?"
Mag rereply ba sana ako ng bigla nanaman siyang nag text.
"Bakit ang tagal mo mag reply."
Napangiti nalang ako. Wala pa ngang 1 minute ang text nya matagal ba agad mag reply?
Nireplyan ko nalang agad dahil baka mapraning nanaman to.
"Andito ako sa birthday ng kaibigan ko."
Pagkasend na pag kasend ko ng message ko bigla namang nag ring ang cellphone ko.
Agad ko naman itong sinagot.
"Hello?" Bungad ko sakanya.
"[hello hello kapa! Anong oras na anjan kapa din."] pag sesermon nya sakin.
Nagpaalam naman ako sakanila para makausap si Xavier ng maayos. Maingay kasi sa loob
"Kaibigan---" Hndi pa ako tapos mag salita ng bigla na syang mag salita.
"[Kahit na kaibigan mo yan! Anong oras na! Ako pagagalitan ng kuya mo! Nasaan ka? Susunduin kita ngayon na?!"] sigaw nya sakin sa kabilang linya.
"Wag na uuwi na din naman na ko" pagtanggi ko sakanya
["Hindi! Nasaan ka!"] hay nako. Mag aaway lang talaga kami kapag humindi pa ko. Kaya sinabi ko na sakanya agad kung nasaan ako. May motor naman kasi siya kaya agad siyang makakapunta dito.
["wait for me!"] at agad niya naman binaba ang tawag.
Pumasok na ko sa loob at saglit lang bigla namang may bumusina sa labas. Unang lumabas si Juaqin na may birthday agad naman din siyang pumasok.
"Queenie may nahahanap sayo sa labas. Sinusundo ka na daw niya." Napalaki naman ang mata nila Chesca,Seah,Joana, At Pauline.
"May boyfriend kana?" Pagtatanong ni Chesca.
"Kawawa ka naman Luis." Pang aasar ni Joana kay Luis.
"Bakit hindi namin alam?" Panguusisa ni Pauline.
"Gwapo ba?" Pagtatanong ni Seah "Tara tignan natin!" Pagaaya ni Seah sakanila.
Agad naman akong humarang sa pinto para hindi na sila makalabas.
"Una na ako. Wag na kayo lumabas." Pagpipigil ko sakanila. At agad ng lumabas. Pagkalabas ko nakita ko na agad ang mata ni Xavier na nag iinit sa inis. Napaka inipin talaga netong kengkoy na to.
BINABASA MO ANG
I Think Im Inlove With My Bestfriend
Teen FictionIsang pagkakaibigan na hindi mo namamalayan na nasasaktan kana. Ok naman kayo noong una palang, ngunit nag bago ang lahat ng makakilala siya ng ibang tao. Hindi na siya katulad ng dati mong bestfriend na palagi lang nanjan sa tabi mo. What if kung y...