Chapter 18

3.6K 96 4
                                    

Chapter 18

Queenie's Point of View

Natapos ang araw ko ng hindi ako masyadong nag sasalita dahil iniisip ko kung pano ko ipapaliwag kay Xavier ang lahat.

Or wag ko nalang sabihin para di siya masaktan. Ewan ko basta bahala na si batman.

Dissmisal na ng magkita kami ni Xavier

"Kamusta araw mo?" Bungad niya sakin ng may ngiti. Napaka laki at napaka gandang ngiti.

"Ayos lang naman ikaw?" Pilit na ngiti ko sakanya. "Gutom na ko tara kain tayo" pag aaya ko sakanya.

Hindi naman talaga ako nagugutom. Gusto ko lang siya makabonding namiss ko kasi talaga siya ng sobra.

Habang papalapit kami sa parking lot nararamdaman kong may mga matang nakamasid samin. At kilala ko kung sino sila.

"Ahm, Xavier sige una kana sa kotse may babalikan lang ako." Hindi pa siya nakakasagot agad na din ako umalis para puntahan kung nakamasid samin.

- - - - - -

Xavier's Point of View

Sabay kaming nag lalakad ni Queenie papunta sa parking lot ng bigla siyang magpaalam.

"Ahm, Xavier sige una kana sa kotse may babalikan lang ako." Hindi pa man din ako nakakasagot bigla nalang siyang tumakbo paalis.

Napailing nalang ako at dumeretso na ako sa kotse.

Habang nag aantay ako sa loob ng kotse ko nahagip ng mata ko yung isang card na ang creepy tapos may na sulat na "Kkangpae" napaisip naman ako kung kanino to. Eh wala naman akong maalala na may ganto ako.

Nilagay ko nalang yun sa may tapat ng manibela ko at inistart ko ang kotse. Ilang minuto pa ng pagaantay ko dumating nadin si Queenie.

Agad siyang pumasok sa sasakyan ng maganda ang mga ngiti.

"Bat ang tagal mo?" Pacute na tanong ko sakanya.

"May kinausap pa kasi ako pag kakuha ko ng ... Uhm.." napataas naman ako ng kilay dahil nakakapag taka di niya alam kung ano yung kinuha niya.

"Yung notebook mo?" Panghuhula ko.

"Ah. O-oo. Ayun nga yung notebook ko nga" ang weird niya.

Hinatid ko na siya sakanila. Ang tahimik niya buong byahe namin papunta sa kanila.

"Akyat ka muna?" Pagaaya niya sakin nang makarating na kami sakanila.

"Sige ba. Pag luluto kita. Mukang pagod kadin kasi aasikasuhin kita ngayon." Nakangiting sagot ko sakanya. Ngumiti nalang din siya at bumaba sa kotse.

Sabay kaming umakyat. Nang makarating kami sa harap ng pinto niya may nakita kaming naka dikit sa pinto niya.

"Be careful"

I Think Im Inlove With My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon