Chapter 7: Worst day ever.
Queenie's Point of View
Umuwi ako noon magisa sa unit ko. Halos 2 araw na din akong hndi nagparamdam sakanila. Pati sila roland nag tataka kung bakit hndi na ko lumalabas ng unit.
Kapag ka kumakatok sila sa labas hindi ko sila pinagbubuksan. Pati mga calls and message nila hndi ko sinagot.
Masyado akong naging affected sa sinabi ni Xavier. Oo alam ko dapat siya ang dapat maging affected pero grabe naman parang pinagtatabuyan nya na ako.
Habang kumakain ako mag isa sa sala biglang may tumawag sakin. Unknown number sya. May part sakin na kailangan ko sagutin pero parang may pumipigil sakin.
Bigla nalamang gumalaw ang mga kamay ko para sagutin ang tawag na iyon.
["hello? Is this Queenie joo?"] tanong sakin ng babae sa kabilang linya.
"Yes po bakit?" Biglang kumabog ang dibdib ko pag ka salita ng babae.
["This is Staff from Myungsoo General Hospital. I would like to inform you na yung mommy nyo po ay dinala dito ngayon ngayon lang."] natahimik naman ako saglit sa narinig ko. Anong nangyare kay mommy? Bakit sya nasa Hospital?
"Papunta na po ako" bigla ko nalamang binaba yung tawag. Kinuha ko lang yung wallet ko at umalis na.
Tumatakbo ako nun sa caridor ng makasalubong ko si Xavier may dalang pagkain.
"Queenie? San ka pupunta?" Hndi ko na sya napansin dahil mabalis ang pagtakbo ko pababa.
Xavier's Point of View.
Dalawang araw na kong hndi pinapansin ni Queenie. Alam ko ako ang dapat nyang lambingin pero bakit ako ang naguguilty?
Ang dami ko ng miss calls at message sakanya pero hndi nya sinasagot. Medyo busy nadin kasi ako nga kami na ni Denise kaya hndi ko na sya napupuntahan sakanila.
At ngayon ay free day ko pupuntahan kona sya sakanila at bibilhan ko sya ng makakain. Baka hndi pa kumakain yun.
Habang naglalakad ako papunta sa unit niya naka salubong ko sya tumatakbo. Kita mo sa muka nya ang pagka stress at pagkabahala.
"Queenie? San ka pupunta?" Tanong ko sakanya pero dirediretso lang sya sa pagtakbo. Para ngang hangin lang ako sakanya.
Bigla namang tumawag sakin si mom.
"Hello mom?" Bunga ko sakanya.
["puntahan mo si Queenie ngayon na. Nasa Hospital ang mommy nya nabangga ang sinasakyan nito sa poste."] aligaga at utal utal na sabi ni mommy sa kabilang linya.
"Pano mo nalaman?!" Sigaw kong tanong kay mom.
["Hndi na mahalaga kung pano ko nalaman ang mahalaga puntahan mo sya samahan mo! Myungsoo general hospital ang puntahan nyo!"] at bigla niya ng binaba ang linya.
Bigla ko namang naalala na wala siyang sasakyan dahil nasa mommy nya ito kaya sinundan ko sya agad. Kinuha ko muna yung sasakyan ko sa parking lot.
BINABASA MO ANG
I Think Im Inlove With My Bestfriend
Teen FictionIsang pagkakaibigan na hindi mo namamalayan na nasasaktan kana. Ok naman kayo noong una palang, ngunit nag bago ang lahat ng makakilala siya ng ibang tao. Hindi na siya katulad ng dati mong bestfriend na palagi lang nanjan sa tabi mo. What if kung y...