Kinabukasan halos hindi ako makatayo sa hinihigaan ko.Sobrang sama ng pakiramdam ko. Feeling ko kinakain na ako ng kama hindi ako makabangon.
"Baby girl kakain na kaya mo ba bumaba?" Sigaw ni Kuya mula sa labas ng kwarto.
"Wala akong gana... kakain nalang ako pag nagutom ako." Ngongong sagot sakanya dahil sa sipon ko.
"Hindi pwede. Papahatidan nalang kita dito ng pagkain sa taas pati ng gamot." Sabi niya at narinig ko na siyang umalis.
'Bakit pa kasi nag emote kahapon sa ulan eh nagkasakit tuloy ako'
*Flashback*
Iniwan ko si Xavier sa park. Nag lakad lang ako ng nag lakad hanggang sa naramdaman ko ang buhos ng ulan.
'Wow salamat ha. Mukang nakiki join ang panahon sa emosyon ko ngayon ah.'
Naupo lang ako sa tabing kalsada habang nagiisip padin kung bakit?
Bakit niya nagawa yun kung mahal niya ko?
Ilang minuto pa akong nakaupo sa tabi ng kalsada ng biglang may bumusina sa tabi ko.
Dali dali siyang lumabas ng sasakyan kahit na umuulan.
"Ano bang ginagawa mo dito? Ang lakas lakas ng ulan nakaupo ka jan! Mamaya mahagip ka ng sasakyan jan eh!" sermon niya sakin.
Tiningala ko lang siya at nginitian ng pilit.
"Tara na nga!" Sigaw niya sakin tyaka ako hinatak papasok sa sasakyan niya.
Di ako nag sasalita hanggang sa di ko na namalayan na nakatulog nako.
*end of flashback*
At ito na nga. Nagising nalang ako nandito na ko sa kama ko..
Siguro hindi na nag abala si Reid na gisingin ako kahapon at binuhat nalang ako paakyat dito.
Bigla namang pumasok si Kuya sa kwarto ko.
"Ano ba kasi nang yare sayo? Ang lakas lakas ng ulan nag papakabasa ka!" Panenermon niya sakin.
Hindi ko na siya sinagot. Inilapag niya na ang pagkain ko sa center table ko dito sa kwarto.
"Kainin mo yan ha! Tapos uminom kana din ng gamot mo para gumaan yang pakiramdam mo! Papasok nako sa work ko." Bilin niya sakin tyaka ako hinalikan sa noo.
Nginitian ko nalang siya ng pilit at umalis na din siya.
Pinilit ko na ang sarili kong tumayo para makakain at makainom na ng gamot.
Habang kumakain ako bigla ko nalang naalala si mommy. Naalala ko non pag nag kakasakit ako hindi niya ako iniiwan hangga't hindi gumagaan ang pakiramdam ko.
Bigla naman akong naluha dahil sa pag kamiss ko sa mommy ko.
Natigil naman ang pag eemote ko ng biglang kumatok si manang.
"Nak may bisita ka sa baba. Kaya mo bang bumaba o paaakyatin ko nalang sila?" Tanong ni manang sakin.
Sino naman kaya ang dadalaw sakin? Wala naman nakakaalam na may sakit ako. Maski si Reid dahil ang alam niya kahapon tulog lang ako.
"Ako nalang po bababa manang salamat po." Sagot ko sakanya
Inayos ko lang ang sarili ko at agad na din bumaba.
Nasa hagdan palang ako nakita ko na si Van na tinitignan ang mga picture sa pader.
"What brings you here?" Tanong ko sakanya at dumeretso nako sa pagbaba.
Don ko na din nakita si Oliver at Carlyn.
"Wala kakamustahin kalang namin." Magiliw na sabi ni Carlyn tyaka lumapit sakin at niyakap ako.
Bigla naman siyang napalayo dahil napaso ata siya sa sobrang init ko haha.
"Sobrang taas ng lagnat mo uminom kanaba ng gamot?" Nag aalalang tanong ni Carlyn sakin.
I miss this hoe, namiss ko yung kaingayan niya at kakulitan niya noon.
"Oo nakainom na ko maya maya mawawala na din yan" umuubo ubo kong sagot sakanya habang pilit ang ngiting nakatingin sakanila.
Inalalayan naman nila akong makaupo.
Nagkwentuhan lang kami, actually sila lang pala ang nag kkwento kasi di ako masyadong nasasalita dahil sa sama ng pakiramdam ko.
"Anong oras na pala.." biglang singit ni Van habang nag tatawanan si Oliver at Carlyn.
"Kailangan na natin umalis, may meeting pa tayo." Sabi ni Van.
"Ay oo nga pala... pasensya kana Queenie ha, pero kailangan na namin umalis." Sabi ni Carlyn atsaka siya tumayo.
Tumayo din naman ako pero bigla nalang nag dilim ang paningin ko at bigla akong nahilo kaya napaupo ulit ako habang hawak ang ulo ko.
Dali dali namang lumapit silang lumapit sakin.
"Are you okay?" Nagaalalang tanong ni Carlyn habang hawak ang braso ko.
"Dalin kana kaya namin sa Hospital?" Tanong naman ni Oliver.
"Hindi na may Meeting pa kayo diba baka malate ako ... ok lang naman ako." Sabi ko sakanila at pilit ko silang nginingitian para maniwala sila.
"Mas mahalaga ka kesa sa meeting na yun tara na" aya ni Van. "Kuhain ko lang yung sasakyan" atsaka siya dali daling lumabas.
Hindi naman na ako nakapalag dahil hawak din ni Carlyn at Oliver ang magkabila kong braso.
Nang makasakay kami sa sasakyan ni Van mabilis niya pinaandar ang sasakyan niya papuntang Ospital.
Nahihilo na talaga ako, hindi ko na kaya feeling ko anytime mawawalan ako ng malay.
Nang makarating kami sa ospital pag kababa na pag kababa ko ng sasakyan nakaramdam nanaman ako ng hili at hindi ko na nga namalayan at natumba na ako.
Ang huli ko nalang na aaninag ay ang muka ng taong huli kong nakita kahapon bago ako mag pakabasa sa ulan.
At hindi ko na alam ang nangyare.
Nagising naman ako nakahiga na ako sa hospital bed habang sila Carlyn, Oliver at Van eh magkakatabi sa isang sofa at alalang alala.
Hi guys!! Please read my another story!!
D R E A M C O M E T R U E .
And also add me or follow me on:
FB: Clarisse Reyes and Clarisse Anne Reyes
Twt and Ig: @Clangskie8
Thankyou in advance godbless.
BINABASA MO ANG
I Think Im Inlove With My Bestfriend
Teen FictionIsang pagkakaibigan na hindi mo namamalayan na nasasaktan kana. Ok naman kayo noong una palang, ngunit nag bago ang lahat ng makakilala siya ng ibang tao. Hindi na siya katulad ng dati mong bestfriend na palagi lang nanjan sa tabi mo. What if kung y...