Chapter 10: Friendship over?

4.4K 86 0
                                    

Chapter 10: Friendship over?

Xavier's Point of View.

Nagutos ako ng taong susunod kay Queenie. In case of Emergency. Para kung may mangyare mang masama sakanya malalaman ko at matutulungan siya.

Pero mali, mali ako ng akala. Masyado siyang napraning kasi may sumusunod sakanya.

Ako ngayon andito nag tatago sa loob ng kotse ko, pinapanood kung pano bugbugin ng mga bago niyang kaibigan yung taong inutusan ko para sundan siya.

Di ko naman alam na marunong na pala siya ng self defense. Siguro nga ang dami ko ng hndi nalalaman sakanya. Halos ilang buwan nadin kaming hndi naguusap.

Nung nakita kong bugbog sarado na talaga yung taong inutusan ko lumabas na ko ng kotse, hndi nila ako namalayan dahil lahat sila nakapaikot sa lalaking sumusunod kay Queenie.

"Sino nag utos sayo?!" Sigaw ng lalaking kanina pa sumasapak sa inutusan ko. Mukang maangas yung muka niya. Di ko siya kilala dahil nga bagong kaibigan to ni Queenie. "Sumagot ka! Sino nag utos sayo?!" Sigaw niya ulit sa lalaki.

"AKO!" Sigaw ko ng umambang sasapakin ulit ng lalaki ang inutusan ko.

Napalingon naman silang lahat sakin, kita sa mga muka nila ang pagtataka kung sino ako. Pero si Queenie, nanlaki ang mata sa pag ka gulat.

"Sino ka naman?!" Sigaw sakin ng isa pang kasama nilang lalaki.

"Ikaw sino ka?! Bakit nyo binubugbog yang lalaking yan?" Sigaw ko sakanya ng nakataas ang kilay at naka cross arm.

"Bakit ka andito?" Malamig na tanong ni Queenie sakin.

Nagulat naman ang mga kasama niya ng tinanong niya ako nito.

"Wala lang binabantayan kita" sagot ko sakanya at sumandal ako sa kotse ko.

"Guys mauna na kayo sa loob." Naglakad naman siya palapit sakin.

"Bakit di kapa pumasok dun?!" Tanong ko sakanya ng nakataas ang kilay.

Bigla niya namang hinila yung kamay ko paakyat sa rooftop.

Sumunod nalang ako sa pagkakahila niya.

Pagkadating namin sa taas binitawan niya na ang kamay ko at tumalikod sakin.

"Bakit mo ko hinila paa--" hndi pa ko tapos mag salita pero bigla niya na ako sinampal. Nagulat naman ako sa ginawa niya at nagulat din ako dahil bigla nalang tumulo ang luha ko.

"Gago ka din eh no! Ang tagal mong hndi nag paramdam tapos ngayon susulpot ka ng ganyan! Ok na ko eh! Ok na ok na ko!! Pero bakit ka ganyan?! Bakit kung kelan ok na ko tyaka ka magpaparamdam?! Alam mo bang ang sakit? Ang sakit sakit!! Kasi ako yung kaibigan mo! Ako yung matalik mong kaibigan! Kahit na anong masasakit na salita ang sabihin mo sakin tinatanggap ko! Kahit na ang sakit sakit na andito padin ako para sayo. Pero bakit ganon? Kung kelan sumuko na ko tyaka ka nagparamdam? Dahil wala na kayo? Dahil hndi ka na niya mahal?!" Napaupo naman siya at umiyak lang siya ng umiyak.

Naisip ko din naman ang kasalanan na nagawa ko. Naisip ko yung mga panahong anjan siya para sakin binabaliwala ko lang. Nung panahon na kailangan niya ko wala ako kasi andun ako sa gf ko.

Totoong sinabihan niya kong wag ko ng kausapin si Queenie dahil pag kinausp ko ibebreak niya ko. Hndi ko alam kung ano ang nag tulak sakin at nagawa ko yun.

Tinignan ko nalang siya at pinantayan ang pagkakaupo niya.

"Sorry Queenie, Im so sorry." Tumulo nadin ang luha ko dahil hndi niya ako pinapansin tuloy padin ang pagiyak niya. "Uy kausapin mo naman na ako."

Tumayo na si Queenie at aambang aalis na pero tumayo nadin ako agad at hinila siya para mayakap ko siya ng mahigpit. Pilit niyang tinatanggal niya ang pagkakayakap ko sakanya.

"Sorry. Sorry kung nabaliwala kita, sorry kung feeling mo di kita pinahalagahan, sorry sa lahat. Alam kong kasalanan ko. Kasalanan ko kung bakit tayo nagkaganito. Kung bakit ka nagalit sakin. Masyado akong nilamon ng pagmamahal para kay Tricia. Sorry, im very very sorry." Pag mamakaawa ko sakanya.

Pilit kong inalis ang pagkakayakap niya at umalis na ako doon. Umuwi nalang ako, di ko na makakaya na mag pakasaya. Masyado akong nanghina.

Ewan ko, I think im inlove with my bestfriend. Hndi naman ako mag kakaganito kung hndi ko siya mahal. Oo mahal ko na siya. Pero nasasaktan ako. Hndi ko kaya mag patawad lalo na't nabaliwala niya na ako.

"Oy bakit ka hndi kana bumalik kagabi?" Tanong saakin ni Carlyn.

"Ah wala, sumama lang yung tyan ko kaya hndi na ko nakabalik pa." pag dadahilan ko sakanila.

Andito kami ngayon sa isang coffee shop. Nalaman kong doon din pala sila nag aaral sa Highlands Middle and Grade School. Hndi ko lang sila masyadong napapansin noon dahil lagi akong kasama nila Mae.

Lumipat naman na ng school yung iba kong kaibigan gaya nila Mae. Yung iba nasa ibang bansa na. Pero si Roland at si Xavier dito padin sila nag aaral.

"Sumama? O baka naman sumama kalang dun sa lalaki kagabi?" Panguusisa ni Van.

"Oy! Hndi no!" Pagtatanggi ko.

"Pero hinila ka niya diba? Alam mo bang susundan kana sana ni Reid at sasapakin--" naputol naman ang sinasabi ni Oliver ng biglang takpan ni Reid ang kanyang bibig.

Nagtawanan naman silang lahat at napa ngisi nalang ako.

"Ah ayun ba. Wala yun. Nag usap lang kami saglit tapos umuwi na din ako agad." Pagapapaliwanag ko.

"Tss" pagtaray ni reid. Lahat naman kami napatingin sakanya. "Whut?"

Napatawa nalang kami ng malakas. Ewan ko ba napaka misteryoso netong lalaking to. Simula nung nakilala ko to tatlong beses palang atang tumawa to.

Habang nag kukwentuhan kami nakita kong pumasok si Xavier sa loob ng coffee shop kasama ang iba pang varsity player. Varsity kasi siya ng school namin.

"Pre! Bakit wala ka sa focus kanina?" Pagtatanong ng isa niyang ka team mate. Hndi ko naman sinasadyang marinig pero nasa likod kasi namin sila.

"Oo nga pre. Lahat ng shoot mo hndi pumapasok. Hndi ka naman ganyan dati." Sabi pa sakanya ng isa pa niyang team mate.

Hndi nalang siya umimik.

"Tara na alis na tayo." Pagaaya ko kela Van. Sumangayon naman sila.

Pagkatayo ko nahuli ko ang mga tingin ni Xavier na nakatitig sakin kaya agad ko naman iniwas yung tingin ko.

"Uy Queenie?" Pabulong na tawag sakin ni Carlyn.

"Hmm?"

"Diba ayun yung lalaking humila sayo kagabi?" At palihim niyang tinuturo si Xavier nasa labas na kasi kami. Nakatingin padin si Xavier sakin.

"Ah oo bayaan mo na." At agad ko siyang tinulak paakyat sa sasakyan nila reid.

I Think Im Inlove With My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon