Chapter 4: Xavier Garcia
Xavier's Point of view.
Palakad na ako papasok sa school. For sure magagalit nanaman sakin to si queenie. Anong oras na oh. Bakit pa kasi ako nalate ng gising eh.
Naaninag ko na si queenie na ng babasa ng bigla syang lapitan ng babae...
Omg. Ayun yung babaeng crush ko. Mag kakilala sila? Hndi manlang sinabi sakin ni queenie?
Nagtago ako sa likod ng puno para makinig sa usapan nila. So magkakilala na pala talaga sila.
Ng makaalis na yung babae agad naman ako lumalit kay queenie.
"Oh dumating kapa. Ang aga aga mo ko pinapasok tapos ikaw tong ang tagal tagal. Sabi sabi kapa na otw kana napaka---" bungad agad sakin ng babaeng to. Napaka bungangera talaga nito.
"Siya yun. Siya yung babaeng gusto ko. Kilala mo pala sya." Pagpuputol ko sa sinasabi nya para manahimik na sya.
"Ha sino? Si denise?" Denise? Ang gandang pangalan. Bagay sakanya.
"So denise pala pangalan nya. Kilala mo pala siya eh! ! Bakit hndi mo sinabi sakin!" Sigaw ko sakanya habang inaalog sya.
"Bobo kaba? Sabi mo lang naman yung babae sa kabilang dulo ng building dba? Malay ko bang sya ang dami kayang babae dun." Pagtataray niya sakin. Grabe talaga mag salita tong babaeng to.
"Psssh! Lakad mo na ko sakanya pleaseeeee! Mas mapapabilis na kasi kilala ko pala sya." Pagmamakaawa ko sakanya.
Napangiti naman siya ng parang may gustong gawin na masama. Ito ang pinaka ayoko na ngiti na ginawa nya
"Hmm, ilibre mo muna ko mamaya ng break at lunch, kasi ang tagal ko kayang nag antay dito." Sabi ko na nga ba pagkain nanamn.
"Ano?! Ang lakas mo kaya kumain!" Bulyaw ko sakanya.
"Ok sge choice mo naman yan eh." Tumayo na sya at kinuha na ang bag nya.
"Psh! Oo na sge!" Pilit kong pag sangayon sa gusto nya. Sakto naman at nag bell na.
"Tara na." Bigla nya naman akong inakbayan at hinila papasok sa room. Napaka brutal talaga netong babaeng to.
Hndi naman sya mahirap pakisamahan. Mabait naman siya eh. Wag lang gagalitin.
Naalala ko one time wala sya sa mood na makipag harutan girls week alam nyo na. Tapos may lalaking nakatapon ng juice sa damit nya. Actually hndi sya sa lalaki nagalit dun sa babaeng namatid sa lalaki para matapunan sya ng juice sya nagalit. Grabe. Nanahimik buong cafeteria dahil sa nanlilisik nyang tingin. Sinigaw sigawan nya yung babae kung hndi pa namin sya hinila ni roland nasampal nya na yung babaeng yun. Hahahahaha
Masaya siya kasama, lahat ng gawain ng lalake kya nya. Para nga siyang hndi babae eh. Napaka pikunin nga lang. Bungangera pa.
Kumbaga dito sa school nato kami na ang friendship goal ni queenie. Lagi ngang napag kakamalan na mag jowa kami dahil sa kinikilos namin. Pag ka ganon sabay nalang kaming tatawa ng malakas sabay sabi ng hndi.
Kilala nadin siya ni mommy at daddy. Pati mga kapatid ko halos lagi ba naman kasing nasa bahay yan kala mo wala ng bahay. Andun lang siya nakikihiga nang gugulo nakikipag laro sa mga kapatid ko napaka isip bata.
Kilala kona din mommy nya. Pati yung yaya nya. Siguro kaya din sya laging nasa bahay kasi nabobored siyang magisa sa condo nya. Kaya hndi mo mahahagilap sakanila yan.
Sa 4months naming magkaklase, i mean mag bestfriend ang dami ko ng alam sakanya marami narin syang alam sakin.
Di pa kami nag aaway ng malala. Away sakitan lang hahaha.
Nagulat ako ng bigla akong hampasin ni queenie ng notebook sa ulo.
"Hoooy! Kanina pa kita tinatawag kanina kapa tulala! Break na! Kain na tayo nila roland nagugutom na ko." Pagsigaw nya sakin habang ako hawak hawak ang ulo ko. Ang sakit kaya ng pag ka hampas nya.
"Kelan kaba nabusog?! Lagi ka namang gutom tara na nga." Pangaasar ko sakanya.
"Anong sabi mo?!!!" Sigaw nya sakin agad naman akong tumakbo papunta sa pinto.
"Joke laaaaang!!" Pagmamakaawa ko sakanya na wag akong hampasin haha.
"Uuyy! Baka magkatuluyan kayo nyan." Singit ni roland. Lagi nya kaming inaasar ng ganyan.
"Oo nga! Ang sweet nyo talaga! Siguro kayo na nagpapanggap lang kayong hndi!" Singit din ni dorothy isa sa barkada namin.
"Eh tayo? Tayo na dba?" Pagbanat naman ni ken kay dorothy. Alam ko nililigawan ni ken tong si dothy eh.
"At sino naman nag sabi?" Pagtataray ni dothy kay ken. Na kinasimangot naman ni ken.
"Mag aasaran nalang ba kayo?hndi na ba tayo kakain?" Pagsingit ni mae samin. Kahit kelan talaga to napaka kj.
"Kj ka talaga eh no!" Sigaw sakanya ni john na isang bading din.
Bali 2 binabae, 2 lalake at 3 babae kami sa barkada. Masaya kami. Pero mas close na close talaga kami ni queenie.
Dumeretso na kami sa cafeteria. At nung nalaman nilang ililibre ko si queenie lahat na sila nagpalibre. Pano ba naman napaka ingay netong babaeng to.
Kumuha na sila ng kani-kanilang pagkain at ako itonamulube sa mga kinuha nila. Halos half ng monthly allowance ko ang nagastos ko ngayon. Pano pa kaya mamayang lunch.
ANG LAKING PROBLEMA NETOOOOOO!!!!
BINABASA MO ANG
I Think Im Inlove With My Bestfriend
Teen FictionIsang pagkakaibigan na hindi mo namamalayan na nasasaktan kana. Ok naman kayo noong una palang, ngunit nag bago ang lahat ng makakilala siya ng ibang tao. Hindi na siya katulad ng dati mong bestfriend na palagi lang nanjan sa tabi mo. What if kung y...