Chapter 2: Closeness
Lumipas ang ilang buwan naging mag bestfriend na kami ni xavier, halos kaming dalawa nalang lagi ang mag kasama. Masaya sya maging kaibigan, sunod lang lagi sa gusto ko. Pero minsan hndi kami nag kakasama kasi may training sya. Remember varsity player sya.
Andito ako ngayon sa ilalim ng puno malapit sa building namin. Magisa lang ako dito nag aaral. Di muna ako sumama kela roland mag shoshopping daw kasi sila. Eh may gagawin pa ko. Mas gusto mo dito kesa sa library. Atleast dto nay sariwang hangin.
Bigla namang may umupo sa tabi ko at sumandal sa puno habang naka hawak ang dalawang kamay sa batok at naka pikit.
"Oh bakit ka andito? Tapos naba training mo?" Tanong ko sakanya habang sya nakapikit padin.
"Hndi pa." maikli nyang sagot sakin at dumilat.
"Eh bakit ka andito? Mag training ka nga dun! Tamad mo talaga." Pagtataboy ko sakanya patayo tinutulak sya patayo.
"Ayoko mag training. Dito nalang ako please." Minsan lang to mag please kaya dapat kada please nya nasusunod.
"Oo na sge na!" Walang angal kong sabi sakanya at tinuloy na ang ginagawa ko.
Nagulat naman ako ng bigla nyang ligpitin ang gamit ko at buhatin ang bag at hilain ako patayo.
"Ang boring naman dito. Let's ditch our class." Sabay hila sakin patakbo. Napaka weird talaga netong lalaking to. Minsan gustong gusto pumasok minsan naman ayaw.
"Huy wait nga lang hinihingan na ko." Sigaw ko sakanya habang binabawi ang kamay ko sakanya. Kanina pa kasi kami takbo ng takbo.
"Tara sa kanto bili tayo ihaw ihaw" pag aaya nya sakin.
"Ihaw ihaw?" Nakataas na kilay kong tanong.
"Basta!" At hinila nya nanaman ako papunta sa kanto kung saan may "ihaw ihaw" thingy na yan.
Halos lahat at ng klase ng pagkain na nakatusok sa stick eh kinuha nya at pinaluto nya sa ale.
"ano bayan kasi? Malinis bayan?" Tanong ko sakanya. Bigla nya naman ako sinimangutan.
"Oo naman no. Sa tingi mo ba dadalhin kita dito kung madumi yan!" Nakasimangot nyang sagot sakin.
"Oo na!"
After 10-15 minutes naluto na lahat ng pinaluto nya at binigyan ako.
"Ano yan?" Tanong ko sakanya ng may pandidiri ang muka ko.
"Basta kainin mo na." At bigla nyang nilapit sa bibig ko.
Wala akong nagawa kundi ang kainin nalang to. Pagka kagat ko nito masarap naman pala.
Kumuha pa ko ng marami at pinaluto ko. Nagulat naman si xavier sakin at bigla syang natawa.
Natapos na kaming kumain at busog na busog ako sa lahat ng kinain ko.
"Ang sarap naman nun. San mo nalaman tong kainan na to?" Tanong ko sakanya habang nag lalakad pauwi sa condo.
"Basta." At ngumiti sya ng parang walang bukas. "Alam mo ba yung kinain mo intestine ng baboy?"
Lumaki naman ang mata ko at napatingin sakanya. Seriously? Pinakain nya ko ng intestine ng baboy? Hinampas ko ang braso nya ng malakas hanggang sa makakaya ko at sya naman ayun tawa ng tawa.
"Nababaliw kanaba! Bakit hndi mo agad sinabi sakin yun!" Nagwalkout ako at pumara ng taxi papunta sa condo. Susundan nya pa sana ako pero nakasakay nako.
Pag kauwi ko sa condo dumeretso agad ako sa cr at sinuka lahat ng kinain ko. Bawal kasi ako kumain ng mga laman loob. Kaya dapat maalis ko kagad sa katawan ko yun.
Pumasok agad ako sa kwarto ko at humiga sa higaan ko. Kinuha ko ang cellphone ko sa bag ko.
12 misscall from My boybestfriend.
5 message from My boybestfriend.Inopen ko ang mga message nya.
"Uy sorry na bessy!"
"Diko naman alam na magkakaganyan ka dahil dun sa isaw ng baboy"
"Besssssyyyy."
"Sagutin mo tawag ko"
"Sige kausapin mo nalang ako pag di kana galit sakin"Naawa naman ako sa last message nga sakin.
Nireplyan ko naman sya.
"Ok lang. Nag overacting lang ako kanina. Nagulat lang ako. Bawal kasi ako kumain ng mga ganung pagkain. Sorry din."
Pagkasend na pagkasend ko sakanya ng message agad naman syang nakapag reply
"Sorry diko sinasadya. Pahinga kana. See u tom."
Nilapag kona agad ang cellphone ko sa table at natulog na.
BINABASA MO ANG
I Think Im Inlove With My Bestfriend
Teen FictionIsang pagkakaibigan na hindi mo namamalayan na nasasaktan kana. Ok naman kayo noong una palang, ngunit nag bago ang lahat ng makakilala siya ng ibang tao. Hindi na siya katulad ng dati mong bestfriend na palagi lang nanjan sa tabi mo. What if kung y...