I Think Im Inlove With My Bestfriend: Chapter 26

2.9K 54 2
                                    


Dumaan ang isang buong araw na tahimik lang kami ni Carlyn. Tahimik din naman ang mga boys.

Pauwi na kami ngayon sa condo, dalawa lang kami ni Xavier ngayon dito sa loob ng sasakyan. Nag kanya kanya kasi kami ng uwi sa condo ngayon kaya hindi namin si kasabay.

"What's wrong?" Tanong ni Xavier habang naka tingin sa kalsada.

"Nothing." Maikli kong sagot sakanya.

"Are you sure?" Tanong niya ulit sakin pero this time naka tingin na siya sakin, buti nalang at naka stop kami ngayon dahil sa stop light.

"Yeah, Im just tired." Sagot ko sakanya sabay sandal ng ulo sa bintana at pumikit.

Hindi naman na siya nag salita. Take the consequence Xavier alam mo namang masyadong selosa ang girlfriend mo.

Nang makarating na kami sa condo dumeretso agad ako sa kwarto ko ng hindi nag sasalita.

Nag pahinga lang ako saglit at naligo na. Pag kalabas ko ng cr naabutan ko si Xavier na naka upo sa kama ko habang iniikot ang ulo niya.

"I'm sorry" biglang niyang sabi ng umupo ako sa harap ng salamin.

"For what?" Tanong ko sakanya ng hindi siya tinitignan.

"Alam kong nagkakaganyan ka dahil hindi ko napansin na nandoon kana. Pero kasi yung babaeng yon--" hindi ko na pinatuloy ang sasabihin niya tumayo ako sa kinauupuan ko at hinalikan siya.

"Ok lang yun, nag over react din kasi ako." Sabi ko sakanya sabay ngiti.

Nang marinig namin na nandoon na sila ay agad kaming lumabas mula sa kwarto.

Si Reid at Van lang ang nandoon wala si Oliver at Carlyn.

Tatanungin ko palang si Reid kung nasaan yung dalawa ng bigla silang pumasok na nag babangayan.

"Bakit ba kasi ayaw mong sabihin sakanila?!" Pasigaw na tanong ni Oliver kay Carlyn.

"Shut up Oliver!" Sigaw ni Carlyn sakanya.

Nagulat naman silang dalawa ng makarating sila sa sala dahil lahat kami ay nakatingin sa kanilang dalawa.

"Ano ba ang dapar naming malaman?" Tanong ko kay Oliver habang naka akbay ako kay Xavier.

Nag tinginan silang dalawa ni Carlyn. Tinignan ko naman ang tingin ni Carlyn kay Oliver na parang sinasabi na wag niya sabihin samin kung ano iyon.

"Kami na kasi ni Carlyn." Mabilis na sabi ni Oliver. Hinampas hampas naman siya ni Carlyn.

"I told you shut the fuck up!!" Sigaw ni Carlyn habang binubugbog si Oliver.

Nag tawanan naman kami, nahahalata nadin kasi namin yun nung nakaraan pa. Nakumpirma lang namin nung nahuli namin hinatid ni Oliver si Carlyn at nag kiss sila.

"Alam naman na namin eh, hindi lang kami nag sasalita." Sabi ni Van na kinatigil naman ni Carlyn sa pag sapak kay Oliver.

Dumeretso ito sa sofa atsaka nanahimik doon habang nakasimangot.

Kinabukasan dumeretso ako sa meeting namin ngayong mga officer by room para sa team building namin.

I Think Im Inlove With My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon