FINALE

1.9K 51 9
                                    


Lumipas ang ilang taon at naging maayos na ulit ang buhay namin, mag kasama na kami ulit ni mommy si kuya nasa kulungan na at kasalukuyan na kaming nag sasama ni Xavier.

Malaki ang pasasalamat ko sa mga kaibigan ko dahil lagi silang nanjaan lalo na noong mga panahong hindi ko na kinakaya.

Lalong lalo na kay Xavier, dahil hindi niya ako sinukuaan nung mga araw na tinataboy ko siya. Kahit anong klaseng taboy ko sakanya hindi parin siya nag dalawang isip na tulungan ako.

Gaya nga ng lagi ko sinasabi, napaka swerte ko sa mga kaibigan ko dahil palagi silang nanjan.

Bukas na ang kasal namin ni Xavier. Beach wedding ang napili naming kasal dahil ayun ang pangarap ko noon pa man.

Kasama ko sa room ngayon si Carlyn. Buntis siya at kabuwanan niya na. Syempre sino pa ba ang tatay edi ang palagi niya kaaway na si Oliver.

"Pano pag bukas habang kinakasal ka bigla akong mag labor?" tanong niya sakin habang naka upo sa sofa at hinihimas ang tyan niya.

"Panira ka naman ng moment kung ganon, dapat sakin ang spot light!!" Sabi ko sakanya.

"Malay mo lang naman, pero sabi ng doctor next week pa due date ko, di naman ata nag mamadali tong anak ko lumabas kaya ok lang." sabi niya sakin.

Nag kwentuhan at tawanan lang kaming dalawa ng bigla pumasok si Mommy sa loob ng room namin.

"Oh mommy nakabalik kana pala" bungad ko kay mommy.

Siya ang nag aayos ng reception ko, sinabihan na namin siya ni Xavier na wag na pero makulit talaga siya eh kaya hinayaan na namin.

"Yes baby." sabi ni mommy habang nakangiti.

Lumapit siya sakin at niyakap ako ni mommy ng mahigpit di ko naman na napigilan ang maiyak.

"Im so proud of you."  mangiyak ngiyak niyang banggit.

"Thanks mom" sagot ko sakanya at niyakap pa siya ng mas mahigpit.

WEDDING DAY

Dahan dahang bumukas ang puting kurtina para masilayan ko ang isang naka.set up na altar na nakatapat sa dagat, hindi ko maiwasan ang maluha dahil sa nangyayare ngayon.

Napaka saya ko dahil natupad ang pangarap ko na makasal ng ganto. Hindi ko alam kung anong nagawa ko para bigyan ako ng ganitong biyaya ng panginoon.

Habang nag lalakad ako nakikita ko ang mga kaibigan at kapamilya namin na naluluha din.

Kasabay kong maglakad si mommy nag pupunas din siya ng luha. Malaki ang pasasalamat ko dahil nandito siya ngayon sa tabi ko.

Papalapit na kami sa altar nakikita ko na ang taong bubuo sa buong buhay ko dito sa mundo, pinaka mamahal kong lalaki.

Nakikita ko ang mga mata niya na masaya, patuloy na pumatak ang luha ko sa saya ng makita ko ang kasiyahan sa kanyang mata. Hindi niya nadin mapigilan ang maluha.

Hinahagod naman ni Van ang kanyang likod, ang kanyang best man.

Nang magkalapit na kami niyakap ni Xavier si mommy at tsaka binigay ni mommy ang aking kamay.

Nag simula na ang seremonyas ng Pari.

Ilang minuto pa ang nakalipas Exchange of vows na.

"Simula ng makita kita noong nag aaral pa lamang tayo nakikita ko na na ikaw ang babaeng pakakasalan ko. Kasi may napanood ako noon na kapag nakita mo daw yung taong para sayo mag slow-mo siya sa harapan mo. At ikaw nga yung tao na yun, ikaw yung taong nag slow-mo sa paningin ko. Kaya pinangako ko sa sarili na ikaw, ikaw ang babaeng papakasalan ko pag dating ng araw. At ito na nga iyong araw na iyon." May hikbi ang kanyang pag sasalita at pinunasan ni Xavier ang kanyang luha.  "Marami tayong napagdaanan, sobrang dami. Pero gusto ko lang mag pasalamat sayo dahil kahit na gaano man kagrabe yung napagdaanan natin na yun, nagawa mo parin akong patawarin at mahalin kagaya ng pag mamahal mo saakin noon. Maraming maraming salamat." natigil nanamn siya dahil tuloy tuloy nanaman ang pag bagsak ng kanyang luha, bumagsak nadin ang luha ko.

"Kaya ngayong araw, I will promise that I will never hurt you again and I will love you more than anything. I love you my one and only princess." sabi niya tyaka ako niyakap.

Nang matapos niya ako yakapin ako naman ang magsasalita, nanginginig ang kamay ko sa sobrang kaba ko.

"Naalala ko noon, nag simula tayo sa simpleng mag kaibigan lang. Tapos naging matalik na magkaibigan, halos hindi na nga tayo mapaghiwalay noon. Akalain mo yun at ngayon ay hindi na talaga tayo mapag hihiwalay pa." sabi ko tyaka nag tawanan ang mga tao. "Masaya ako dahil nanjan ka nung mga araw ba sukong suko na ko, nung mga araw na ayoko na sa mundo." biglang bumagsak ang mga luha ko. "Na kahit ilang beses pa kitang pag tabuyan hinding hindi ka umalis sa tabi. Kahit na ilang beses kitang nasaktan through physical and emotional hindi mo padin ako iniwan. Lumaban ka padin para satin." natigil ako sa pag sasalita dahil grabe na ang hikbi ko. "Kaya gusto kong magpasalamat sayo. And I want you to know that I really love you and no one can seperate us. I love you forever and ever." Huli kong sinabi sakanya at tsaka siya niyakap.

Nag palitan na kami ng sing sing at nag simula na ulit mag salita ang pare.

"You may seal your promise, union, marriage with a kiss" sabi ng pari

Tinanggal ni Xavier ang belo saaking harap at tsaka ako dahan dahan hinalikan.

I Think Im Inlove With My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon