Chapter 16: Bati na tayo

3.8K 91 9
                                    

Chapter 16: Bati na tayo

Xavier Point of View

Rest day namin ngayon kaya andito lang ako sa bahay nag papahinga.

Nag iisip ng paraan kung ano ang gagawin ko para mapatawad ako ni Queenie.

Bigla naman akong napatayo ng may nakita ako sa cellphone ko ng Box of flower na color pink. Nagandahan ako dito kaya namn dumeretso ako sa flower shop kung saan ito nabibili.

Pagkabili ko ay bumili nadin ako ng ice cream para kay Queenie, syempre yung Favorite flavor niya ang binili ko.

Dumeretso ako agad sa condo niya at nilapag ang binili ko. Nag iisip ako kung bibigay ko sakanya yung flower o iiwan ko nalang dito.

Kaya naman kumatok nalang ako sa pinto niya at kumaripas ng takbo papunta sa dulo yung hindi niya ko makikita.

Nung lumabas siya hindi niya napansin yung flower. Nalungkot ako non kaya umuwi nalang ako.

Dumaan muna ako sa 7/11 para bumili ng napakaraming beer. Oo maaga pa kaya mamaya ko na iinumin to pag tanghali na.

Dumaan ang ilang oras at inom na inom na ko ng beer. Siguro ito nalang yung paraan para marealize ko na ayaw niya talaga akong patawarin.

Kaya kinuha ko yung beer na binili ko at uminom mag isa sa kwarto ko.

Habang umiinom ako napapaisip ako. Bakit ba kasi ako nilamon ng masamang pagibig? Bakit ba kasi napag salitaan ko siya ng ganon? Oo alam ko mali ako sa part na yun pero ganun na ba siya katigas?

Buong araw akong nag inom magisa. Makalat na ang buong kwarto ko sa sobrang dami ng bote ng alak na naka kalat dito.

Lasing nadin ako dahil kung ano ano na ang naiisip ko. Naiisip ko ng mag pakamatay nalang kaso sayang naman tong pag mumuka ko kung mamamatay nalang ako ng maaga kaya naman napag desisyunan kong dumeretso nalang sa condo ni Queenie at sabihin lahat ng nararamdaman ko para sakanya ng harapan.

Nag drive ako ng mabilis kahit stop light dinederetso ko na. Gabi naman na eh wala akong pake sa mga nanghuhuli dahil kayang kaya ko silang bayaran.

Pag kadating ko sa tapat ng pintuan ni Queenie kumatok agad ako. Patumba tumba nadin ako habang inaantay na buksan ni Queenie yung pintuan.

"Oh? anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ni Queenie sakin.

Hindi na ko nakasagot dahil sa sobrang kalasingan ko eh natumba na ako at hindi ko na alam ano pang nangyare sakin.

Queenie's Point of view

Kinaumagahan pagkagising ko nag ayos muna ako ng sarili ko bago ako lumabas ng kwarto.

Pagkalabas ko ng kwarto nakita ko si Xavier tulog padin.

"Napaka takaw talaga neto sa tulog"

Kagabe habang nakatitig ako sakanya bigla siyang nag salita.

"F L A S H B A C K"

Tinititigan ko lang si Xavier habang natutulog ng bigla siyang mag salita.

"Q-queenie *sinok* A-a-ano b-ba da-dapat k-kong ga-gawin pa-para ma-mapatawad m-mo k-ko?" Utal utal na banggit niya. Nagulat naman ako ng may biglang tumulong luha sa mga mata niya.

Napatayo nalang ako at napapasok sa kwarto ko.

"Wala. Wala kang dapat gawin dahil pinapatawad na kita." Bulong lko sa sarili ko.

" E N D  O F  F L A S H B A C K "

Dumeretso na ko sa kusina para mag luto ng makakain namin.

Habang nag luluto ako nagulat nalang ako ng bigla siyang mag salita.

"Ang sarap naman niyan"

*DUG TUG DUG TUG DUG TUG*

Ang sexy ng pagkasabi niya kaya naman biglang nag harumintado ang puso ko na kanina ay ang himbing ng tulog parang nag silbing alarm clock ng puso ko ang sexy niyang boses.

Nahihiya akong humarap saknya dahil alam kong napahirapan ko siya sa pag hingi ng tawad sakin dahil lang sa ganong kadahilanan.

"Galit kaparin ba?" Dugtong niya pa.

"Satingin mo ba aasikasuhin kita kung galit pako sayo?" Mataray na sagot ko habang humaharap sakanya.

"Sorry" malungkot na sabi na.

"No Xavier." Mas lalo namang lumungkot ang muka niya. Kaya nag sisisi ako sa sinabi kong no. "Ako ang dapat mag sorry Xavier."

Napatingala naman siya sa huli kong sinabi.

"Ako ang dapat mag sorry sayo kasi naging matigas ako. Naging matigas ako dahil lang sa maliit na bagay." Nginitian ko naman siya.

Lumapit naman siya sakin at niyakap ako.

"No, hindi ka naman magiging matigas kung hindi dahil sakin. Hindi ka magkakaganyan kung hindi ako nakapag salita ng hindi maganda sayo. Sorry" maluha luhang banggit niya.

Nginitian ko naman siya.

"So bati na tayo?" Kinalas niya ang pagkakayakap sakin at hinawakan ang magkabila kong braso.

"Oo na bati na tayo" nginitan ko ulit siya at sa pagkakataong to mas mahigpit ang yakap niya. "Oh siya tama na. Maligo kana don dahil amoy alak ka. May damit kapa sa room ko kumuha kanalang don bilisan mo para makakain na tayo."

Ngumiti naman siya at ginawa niya ang pinapagawa ko sakanya.

Pagkatapos ko magluto sakto naman at tapos nadin siyang maligo kaya naman sabay na kaming kumain.

"Alam mo namiss ko to." Nakangiting sabi ko sakanya. "Namiss ko tong nakasanayan natin"

"Namiss ko din ang lahat." Nangiti din siya. Halata mo sakanya na masaya talaga siya hindi dahil sa sinabi ko kundi dahil ok na kami. Back to normal na kami ulit. "Alam mo kaya ko lang naman niligawan si Bea.."

Napasimangot naman ako bigla ng banggitin niya ang pangalan ng ex niya.

"Wait lang wag ka muna sumimangot!!" Patawa niyang sigaw sakin. "Kaya ko siya niligawan dahil akala ko makakatulong siya para mapigilan ko yung nararamdaman ko para sayo."

Napatingin naman ako sakanya

"Queenie hindi naman bilang matalik na kaibigan ang tingin ko sayo kundi higit padon. Queenie i think im inlove. I Think Im Inlove With My Bestfriend."

Napangiti naman ako sa sinabi niya. Parehas kami ng nararamdaman. Kagabi ko lang din nakumpirma na naiinlove na ko sakanya na mahal ko na siya.

"Xavier.." Tumingin ako sakanya halata sakanya na kinakabahan siya sa maaring isagot ko sakanya. "Xavier, The feeling is mutual. I Think Im Inlove With My Bestfriend to."

Napatayo naman siya sa kinauupuan niya at nagsisisigaw. Ako naman tumatawa nalang sa inaasta niya.

"So now Queenie, Can I court you?" Seryosong tanong niya habang nakaluhod sa harap ko.

Kunyari pakong nagisip.

"Hmmm.... Yes Xavier."

I Think Im Inlove With My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon