Chapter 14: Guilty

3.8K 83 4
                                    

Chapter 14: Guilty

Queenie's point of view.

Natapos na ang program. Halos lahat ng studyante nag sipag pasukan na sa loob ng kani-kanilang tent pero ako ito nasa labas ng tent namin. Ewan ko di ako makatulog. Iniisip ko pa din yung sinabi niya kanina.

Totoong bang iniisip ko lang na nakalimutan niya na ako? Baka naman oo kaya ako nag kakaganto.

"Oh bakit hndi kapa natutulog?" Nagulat ako ng biglang may mag salita sa harap ko. Napa angat naman ako ng tingin. Si Sir Mendoza.

"Ah sir, di papo kasi ako inaantok." Pag dadahilan ko sakanya.

"Ah ganun ba, tamang tama. Masasamahan mo ko sa mag ikot at silipin ang bawat tent." Nakangiting sabi ni Sir. "Pwede ba?" Tanong niya sakin sabay abot ng flash light.

"Ay opo naman po sir, pwedeng pwede." Nginitian ko nalang siya ng pilit.

Habang nag iikot ikot kami ni sir ay tahimik lang kami. Ewan ko wala akong gana mag salita eh.

"Syangapala" basag ni sir sa katahimikan namin at may kinuha siya sa loob ng kanyang jacket. "Ito yung card na pinabibigay ni Xavier." Tinignan ko lang ito at tinignan ko din si Sir Mendoza.

"Kuhain mona. Kung hindi mag tatampo ako." Nakangiting sabi sakin ni Sir Mendoza. Pinilit ko ang sarili ko na kuhain ang card na yon kaya naman mas lalong lumaki ang ngiti niya.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad.

"Nak, kaya mo bang ibaba yang pride mo?" Nagulat naman ako kasi halatang malungkot ang boses ni sir Mendoza.

"Ha? Bakit po sir?" Takang tanong ko kay sir mendoza.

"Kasi nak, alam mo ba dahil sa pride kaya ako single ngayon?" Nagulat naman ako sa sinabi niya.

Matagal na naming kinukulit si Sir Mendoza kung bakit hanggang ngayon wala padin siyang asawa eh 30 years old na siya. Gwapo naman si Sir mabait at gentleman. Parang si Reid lang pero wala padin siyang asawa.

"Dahil sa pride nak, kasi masyado akong tamang hinala noon. Pilit siyang nag eexplain sakin na hindi niya ako niloloko pero hindi ako naniniwala. Hanggang sa napagod na syang mag explain sakin. 1 year ago nalaman ko nalang na may asawa't anak na siya. Kaya laking pag sisisi ko non. Pero siguro nga hndi talaga kami para sa isa't isa." Pag kukwento ni sir Mendoza sakin.

Kaya pala madalas ay nakikita ko siyang may hawak na litrato ng babae.

"Kaya nak kung ako sayo patawarin mo na siya. Buti nga siya may lakas ng loob sabihin kung ano ang gusto niyang sabihin. Hindi tulad ng iba jan. Nak lagi mong tatandaan. Nasa huli ang pag sisisi, kaya hanggat hindi pa huli ang lahat patawarin mo kasi baka mag sisi ka." Nginitian niya lang ako at tinapik. " sige na pumasok kana" napalingon naman ako at hindi ko namalayan na andito na pala kami sa tent.

Umalis na si Sir mendoza. Grabe kotang kota ako sa pangangaral ngayon ni Sir Mendoza ha.

Pumasok na ko sa loob ng tent namin. Habang nakahiga ako kinuha ko sa bulsa ko yung card na inabot sakin ni Sir Mendoza. Tinitigan ko nalang yun hanggang sa makatulog na ko.

K I N A B U K A S A N.

"Oy! Gising na Queenie!!!" Sigaw sakin ni Carlyn. Napaka tining talaga ng boses netong babaeng to.

"Hmmmm" ungol ko at kunyareng ayaw ko pang magising.

Anong oras na rin kasi ako nakatulog kagabi kakaisip. Kaya feeling ko 30 minutes lang ako natulog.

"Bubuhusan kita ng tubig jan!" Sigaw niya sakin. "Isa! Dalawa! Tat----"

Tumayo na ako bigla habang kaya hindi na natuloy yung bilang niya.

"Ano ba naman yan! Ang aga aga pa kasi eh!!" Sigaw ko sakanya.

"Anong ang aga, gaga ikaw nalang ang wala doon!" Nagulat naman ako sa sinabi niya.

"Omg. Anong orasna ba?!" Dali dali kong kinuha ang phone ko para makita ang oras.

8:30 na ng umagaaaa??? Dalidali kong nagbihis dahil nakapangtulog pa ko. Naghilamos sipilyo na rin ako.

Tumakbo na ko papunta sa lugar kung saan nag bonfire kagabi.

Nagsimula na ang programa na napagplanuhan naming mga officer. Naging maayos naman ang palakad namin sa mga activity.

Pero hindi ako masyadong nakapag focus dahil ka group ko si Xavier. Pero ok lang ka group ko din naman si Reid.

Dumaan pa ang ilang araw at umuwi nadin kami.

Masaya ang mga studyante na nagsipag babaan ng bus. Halata mo sa mga muka nilang nag enjoy sila.

Ako eto pagod na pagod. Andito ko ngayon sa tapat ng school nag aantay ng masasakyan. Hindi kona din kasi nakita sila reid pag bababa ko ng bus. Bumukod kasi kaming mga officer eh.

Habang nag aantay ako ng taxi na masasakyan hindi ako mapakali feeling ko may naka tingin sakin pero nilibot ko naman yung mata ko wala naman.

Maya maya pa eh may taxi na pwedeng sakyan.

Nagpahatid ako sa condo, at nung babayaran ko na sabi ni manong bayad na daw.

Sino naman kaya yun?

"Manong sino po ang nag bayad? Eh ako lang naman po tao kanina dun na nag aantay ng taxi?" Pagtatakang tanong ko sa taxi driver

"Yung lalaki. Kaibigan mo daw siya eh." Si manong

"Ah ganon po ba? Thankyou po" at umalis na yung taxi.

Sino namang lalaki kaya yon?

I Think Im Inlove With My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon