Chapter 9: Sobrang sakit

4.1K 124 2
                                    

Chapter 9: Sobrang Sakit

Queenie's Point of View.

Pagkalabas ko ng gate, nakita ko agad ang mata ni xavier na nanlilisik sa galit.

"Anong oras na andito kapa din?!" Nanahimik nalang ako dahil lalaki pa ang gulob na to kapag sumagot pako. "Bakit hndi ka sumasagot?!"

"Saglit lang naman ako---" hndi pa ko natatapos mag salita bigla na siyang nag salita ulit.

"Sasagot ka pa?!" Nagulat naman ako sa sinabi nya. Nanlaki pa ang mata ko sa sobrang gulat.

"Joke lang tara kain na tayo." Pagaaya nya sakin sabay ngiti.

"Sabi ko na nga ba nababaliw ka nanaman." Napangisi nalang din ako at sumakay na sa motor nya.

-------

Ilang linggo ang nakalipas noong araw na iyon, parati padin kaming magkasama ni Xavier. Napag kakamalan na nga kaming nag jowa sa sobrang close namin.

Halos di na siya umaalis sa condo ko. Binigay na nga ng kuya ko yung kwarto nya kay Xavier para di na siya sa sofa natutulog.

Mas close din sila ni kuya kesa sakin. Ang galing no?

"Quenieeeeee!!" Sigaw ni Xavier galing sa labas ng kwarto ko. Andito nanaman siya. Haharutin at bubugbugin nya nanaman ako.

"Ano ba?!" Padabog akong lumabas sa kwarto ko para kunyare wala ako sa mood para di ako mabugbog.

Pagkalabas ko ng kwarto nagulat ako ng may kasama siyang babae.

Maraming tigyawat at pandak. Short hair medyo maitim pero may braces. Ewan ko pero nairita ako ng makita ko ang pag mumuka nya.

"Sino naman yan?!" Pagtatanong ko sakanya ng nakataas ang kilay.

"Girl friend ko." Nagulat naman ako sa sinabi nya. Ewan ko kung bakit pero nasaktan ako. Nasaktan ako ng todo. Sobrang sakit. Hndi dahil pangit ang Gf nya kundi may gf na siya.

All this time ineexpect ko na ako, ako ang gusto nya. Na mahal na ko higit sa kaibigan. Masyado bang mataas ang expectation ko? Bakit? Bakit hndi ako? Dahil ba bestfriend nya ko? Dahil ba hanggang doon nalang?!

"Ano gagawin ko! Umalis kayo dito!!" Pag tataray ko sakanila sabay sarado ng pinto.

Napaupo nalang ako sa harap ng pinto. Di ko alam pero bigla nalang tumulo ang mga luha ko.

"Sorry baby girl, ganyan talaga yan pag bagong gising masyadong high blood." Rinig ko pang sabi mi Xavier sa Jowa nyang chaka. "Tara doon tayo sa kwarto ng kuya nya." Pagaaya pa nito.

Kwarto agad?!

Maldita mode: on.

Maya maya pa lumabas ako ng kwarto at kinuha lysol sa cabinet sa kitchen.

Pumasok ako sa kwarto ni kuya. Nakita ko silang dalawa mag kikiss sila. Potek kadiri!!!

"Ang baboy nyo naman!!" Nagulat naman sila at napatingin sakin. "Umalis kayo dito! Kung gagawa kayo ng kababuyan nyo wag kayo dito sa kwarto ng kuya ko!!" At tinaboy sila palabas ng condo ko.

I Think Im Inlove With My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon