Chapter 3: Bonding

5.9K 136 6
                                    

Chapter 3: Bonding

Sabado ngayon, nag aya si xavier na mag mall daw kami. Ewan ko bigla nalang syang nag aya.

"Sunduin kita within 15 minutes" text sakin ni xavier.

Buti nalang at nakapag bihis at nakapag ayos na ko. Di naman ako masyadong girly kaya di ako mahihirapan gumalaw neto. Mapanakit at mapangasar pa naman yun ako naman tong si pikon. Hahaha

Naalala ko pa non andun kami sa bahay ng pinsan nya. Makakaibigan kasi kami. Ayun halos ikutin namin buong bahay ng pinsan nya dahil sa harot nya. Pati mommy ng pinsan nya napapangiti nalang samin halos walang makapigil samin kapag ka kaming dalawa na nag haharutan.

"Baby labas kana andito na bestfriend mo" sigaw ni yaya mula sa labas habang kumakatok.

"Opo lalabas na." Kinuha ko agad ang bag ko at lumabas na.

Nakita ko nga si xavier, naka higa sa sofa na parang kanyang bahay to.

"Hoy tara na." Sigaw ko sakanya habang binato ko sya ng throw pillow.

"Oh tara na" sabay ngiti sakin. Pag ito talaga ngumingiti nawawalan ng mata.

"San ba tayo pupunta?" Tanong ko sakanya habang papunta sa parking lot.

"Sinabi ko naman na dba? Sa mall? Mamamasyal. Odkaya punta tayo EK?" Tanong nya sakin ng may excitemet sa mata.

"Kain nalang tayo nagugutom na kasi ako eh." Sabi ko sakanya.

"Sige ba basta libre mo eh!" Pangaasar nya sakin.

"Ikaw dapat kasi ikaw nag aya napaka daya mo naman." Sigaw ko sakanya.

"Oo na ako na manlilibre ang sakit sa tenga ng boses mo." Sabi nya sakin. Napangiti naman ako sa pagkairita nya.

After 20 minutes nakarating na kami sa mall.

"Kaya ayaw kitang kasama eh." Sabi nya sakin.

"Bakit? Ayaw mo pala ako kasama bakit mo ko inaya." Pagtaray ko sakanya.

"Nagmumuka akong boyfriend mo. Wala ng babaeng tumitingin sakin, titignan man ako aalis na agad yung mga mata nila." Sabi nya sakin. Wow ha! Kapal ng muka.

"Boyfriend naman talaga kita ha" sabay tigil ng pag lalakad ko at nilapit ang muka ko sa tenga nya. Nanlaki naman ang mga mata nya. "Lalaking kaibigan." Nginisian ko sya at dumeretso na ng paglalakad sya naman napatulala. Hahahahaha.

Ang saya nya lang pag tripan napaka isip bata nya kasi eh. Pikunin pa. pero madalas ako talaga napipikon.

Pumasok kami sa isang restaurant at duon na kumain.

"May sasabihin ako sayo." Ano naman kaya sasabihin netong panget na to.

"Ano yun?" Tanong ko sakanga habang kumakain.

"Kilala mo yung babaeng nasa kabilang dulo ng building natin? Ang ganda nya no." Ah alam ko na gusto netong iparating.

"Ah kaya mo pala ako inaya mag mall kasi may favor kang gustong ipagawa!" Sabi ko sakanya habang pinipingot sya.

Ngumiti nalang sya. Nawawala nanaman ang mata nya.

May kinuha lang sya sa bulsa nya at pinakita nya sakin.

"Para bayan dun sa babaeng gusto mo?" Tanong ko sakanya ng nakangiti.

"Ha hndi no." Pagkabukas nya ng box dalawang necklace na queen at king.

"Eh para kanino yan? Ikaw talaga napaka chickboy mo. Ang dami mo ng napaiyak kaya ka ---" natigilan ako ng pagsasalita ng bigla syang nagsalita.

"Happy 4th months satin bestfriend. Para syo talaga to. Ayaw mo ba?" Napanganga naman ako sa sinabi nya. Hndi dahil sa sakin nya to ibibigay dahil nakalimutan ko nanaman. Sa 4months naming mag kaibigan never ko pang naalala. "Nakalimutan mo nanaman? Ok lang sanay naman na ako."

"Ang drama mo naman sorry na beeeesssssyyyy! Tutulungan nalang kita sa girl na gusto mo promise." Sabay ngiti sakanya.

"Promise yan ha! Sge kain na" ngumiti nalang din sya.

Binigay nya na sakin yung necklace. sinuot nya yung kanya yung akin naman tinago ko dahil may suot pa kong necklace.

Natapos ang araw na to na ako ang napikon at sya tong asar ng asar. May araw na sya kasi ang pikon eh. Nakakairita lang minsan.

-------
*Monday morning at school*

Maaga akong pumasok kasi sabi ni xavier pumasok ako ng maaga. Ituturo nya daw sakin yung babaeng gusto. Pero hanggang ngayon wala padin sya hay nako!

Mga 10 minutes pako nag antay pero wala padin sya.

"Hi Queenie! Kamusta kana?" Napatingala naman ako sa nag salita. Si Denise. Classmate ko nung grade 6 kami.

"Oh denise ikaw pala? Ok lang naman. Upo ka." Umupo sya sa tabi ko at bag kwentuhan kami.

Nagkwentuhan lang kami at napagusapan ang mga nangyare samin pagkagraduate.

Mayamaya pa eh nag paalam na sya.

"Sge queenie una na ko. Wala pa pala akong assignment sa history. Ingat ka." Pagpapaalam nya sakin.

"Ikaw din ingat ka!" At nginitian ko sya bago umalis.

Wala pang ilang segundo bigla n sumulpot si xavier.

"Oh dumating kapa. Ang aga aga mo ko pinapasok tapos ikaw tong ang tagal tagal. Sabi sabi kapa na otw kana napaka---" pinutol nya nanaman ang sasabihin ko. Lagi nalang pshh.

"Siya yun. Siya yung babaeng gusto ko. Kilala mo pala sya." Napataas naman ang kilay ko ng bigla nya kong alog alugin.

"Ha sino? Si denise?" Pagtatanong ko sakanya.

"So denise pala pangalan nya. Kilala mo pala siya eh! ! Bakit hndi mo sinabi sakin!" Sigaw nya sakin.

"Bobo kaba? Sabi mo lang naman yung babae sa kabilang dulo ng building dba? Malay ko bang sya ang dami kayang babae dun." Pagtataray ko sakanya.

"Psssh! Lakad mo na ko sakanya pleaseeeee! Mas mapapabilis na kasi kilala ko pala sya." Pagmamakaawa nya sakin.

Tinamaan nga ang loko hahaha. Pero may nagawa pa syang kasalanan kaya magpapalibre muna ako dito. Hahahaha

I Think Im Inlove With My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon