Chapter 11: Pride.
Lumipas ang ilang buwan at nasa kalagitnaan na kami bilang isang gr 10 student. Hndi ko na masyadong naiisip si Xavier dahi na din sa mga Activities na ginagawa ko. Lalo na't isa akong officer sa isang club at photographer ako ng school.
Meron kaming pinag hahandaang camping ngayon. Bilang isang officer sa club na to na nag o-organize ng camping isa ako sa mga taong nag suggest kung saan kami mag cacamping.
"Sa tagaytay kaya?" Request ng isang officer na kasama namin ngayon dito sa meeting room.
"Tagaytay? Last year tagaytay din nag camping di naman daw enjoy." Pagrereklamo ng isa pa naming kasama sa loob ng kwartong ito.
"Eh kung sa Anawangin Cove nalang kaya?" Pag rerequest ko.
"Oo nga no? Mukang maganda jan. At bagong mapupuntahan ng mga schoolmates natin." Pagsang ayon ng isa pa naming kasama.
"So ikaw ngayon veronica ang mag aasikaso at kakausap sa nag babantay jan sa anawagin. Ikaw naman Denise ikaw ang kakausap sa mga police para atleast safe tayo sa lugar na yan." Pag uutos ng nag suggest na sa tagaytay nalang kami mag camping. Oo totoo ang narinig nyo kasama ko si Denise sa loob ng kwarto na to. Medyo awkward siya sakin di ko alam kung bakit. "At ikaw naman Queenie, ikaw ang photographer. Alam mo naman yun dba?"
"Opo." Pagsagot ko sakanya na buo ang ngiti sa mga labi.
"Ako nalang ang mag schedule kung kelan. Ako nadin kakausap sa service natin. Ok? Meeting dissmiss." At nagtayuan na nga kaming lahat at lumabas sa meeting room.
Nakasalubong ko si Xavier pag ka labas ko ng meeting room. Hndi ko siya pinansin, gaya ng nakasanayan ko na. Dumeretso nalang ako sa pag lalakad at nag punta sa locker ko. Nilagay kona ang mga gamit ko at tyaka umuwi na sa condo ko.
"Ok guys! Pumila na kayo ng maayos para makasakay na tayo ng maayos sa bus." Sigaw ni Mrs. Martinez sa harapan. Ito na ang araw ng camping namin. Maaga kami umalis para atleast may magawa kaming activity mamaya pag dating doon.
Makasama kami sa bus nila Oliver, Carlyn, Reid, Van at iba pang kaibigan namin. Andito din si Xavier sa bus na to. Nasa bandang likod sila. Medyo gitna naman kami.
Magkatabi kami ni reid ewan ko, napaka boring neto katabi kasi hndi naman siya masyadong nag sasalita pero pinilit siya nila Van na dito nalang tumabi sakin.
Makalipag ang 3 oras kailangan na namin bumaba at maglakad nalang papunta sa Anawangin Cove hndi kasi kasya ang mga sasakyan sa dadaanan. Kailangn lakarin ng 1-2 hours bago makarating doon.
Wala pa kami sa kalagitnaan ng paglalakad pero halata mo sa mga muka ng mga schoolmate koat sa mga teacher na pagod na sila. Merong mga nakaupo na sa mga bato meron namang naka sandal sa puno.
"Kaya pa?" Nakangiti kong tanong kela Carlyn na napapagod na.
"Kakayanin." Sagot ni oliver sabay halakhak.
Nag tawanan nalang kami, naisipan ko namang picturan ang mga taong pagod na pagod sa paligid ko.
Habang nililibot ko ang camera ko biglang nahagip ng camera ko si Xavier na umiinom ng tubig.
Finocus ko pa ang camera ko at clinic ko ito.
"Uy be matunaw" pangaasar sakin ni Carlyn habang nakangisi saakin
Umayos naman ako ng tayo at nginitian ko siya niya pilit at tinarayan.
"Bakit ba kasi hindi mo nalang siya kausapin?" Paghabol sakin ni Carlyn dahil binibilisan ko na ang lakad ko kasi alam kong mangungulit nanaman to.
Hndi ko nalang siya pinansin at pinag patuloy na namin lahat ang paglalakad.
Nangmakarating na kami sa Anawangin Cove namangha ako sa ganda ng tanawin. Napa ngiti ako sa nakikita ko ngayon. Napaka ganda.
BINABASA MO ANG
I Think Im Inlove With My Bestfriend
Teen FictionIsang pagkakaibigan na hindi mo namamalayan na nasasaktan kana. Ok naman kayo noong una palang, ngunit nag bago ang lahat ng makakilala siya ng ibang tao. Hindi na siya katulad ng dati mong bestfriend na palagi lang nanjan sa tabi mo. What if kung y...