Chapter 13: Realize
Queenie's point of view.
Pag ka balik namin sa net agad naman kumuha ng tubig si Carlyn.
"Grabe ang show mo doon te ha, dugo talaga ang labi ni ineng" pagbibiro ni Carlyn.
"Gago din yung Xavier na yun eh. Uupakan na namin yun." Sabi ni Reid. Halata mo sa mga boys na nag titimpi lang sila kanina.
"Guys. Ok na yung di kayo nakisali. Gulo namin to, baka mamaya madamay pa kayo dahil sakin diba." Nginitian ko nalang sila ng pilit at napa sangayon naman sila.
Pinatawag na kaming lahat ng mga teacher para sa bonfire. May pakulo din daw kasi si Mr. mendoza.
Naka bukod akong pumunta doon dahil isa ako sa mag aassist sa mga student na pumupunta sa tabing dagat.
"Ms.Joo? Can I talk to you?" Tawag sakin ni Sir Mendoza mula sa gitna ng bilog kung saan naka paikot ang nga studyante. "Follow me" nag lakad naman siya paalis sinundan ko naman agad si Sir.
Nang mag kalapit na kami nag lakad lakad muna kami sa tabing dagat bago siya tumigil sa pag lalakad.
Humarap siya sakin. Wala parin akong kibo simula noong lumapit ako sakanya.
"Ms. Joo, may kailangan ka yatang sabihin sakin?" Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya.
"Hm, sir wala naman po ata." Pag tataka kong sagot sakanya.
"Ok sige, ako nalang ang magsasabi ng dapat mong sabihin." Huminga siya ng malalim at nag salita. "May umabot sakin na balita na may nakaaway ka daw kanina dito sa tabing dagat."
Napayuko naman ako sa sinabi ni sir. Sino naman kaya nag paabot sakanya nun.
At naalala ko na marami palang studyante na nakapalibot kanina samin dito.
"Sir sorry po ---" hindi ko na natuloy ang sinasabi ko ng biglang mag salita si sir mendoza.
"Hindi mo kailangan mag sorry sakin nak. Tanggapin ko man o hindi yang sorry mo nangyare na ang nangyare." Nanahimik kami sandali. "So ano nga ba ang nangyare kanina? Ikwento mo sakin nak." Nakangiting sabi sakin ni Sir.
Actually mabait to si sir, hindi siya pumapanig sa iisang side. Inaalam niya muna ang side ng bawat isa bago siya mag pangaral. Halos siya na ang tumayo kong tatay sa skwelahan na pinapasukan ko.
"Sir kasi po habang nag iikot po kami ng mga kaibigan ko nakita ko po na nag dadamayan sila Xavier at si Bea nga po, tapos narinig ko po yung name ko na may kasamang negative comment. Kaya po di ko na po napigilan sarili ko. Mahinahon ko naman po siyang tinanong kung ano ang sinabi niya pero sinigawan niya po ako. Sir kung hndi naman po binanggit ang pangalan ko hindi po ako maaapektuhan pero po sir binangit niya po yung pangalan ko." Pagpapaliwanag ko kay sir Mendoza. Ganyan ako ka open kay Sir Mendoza lahat sinasabi ko bawat detalye.
"Pero anak sana hindi mo siya sinaktan ng ganon." Pag aalalang pangaral sakin ni Sir Mendoza. "Paano kung sa ginawa mo gayahin ka ng mga ka skwela mo."
"Sorry po talaga sir. Hindi napo mauulit, sa susunod po titimpiin ko nalang po ang galit ko." Pag hingi ko ng tawad kay Sir Mendoza.
"Nakailang sorry kana, siya din nakailang sorry na pinatawad moba?" Napatingin naman ako kay Sir, kilala ko kung sino ang tinutukoy niya, alam niya kasi na matalik kaming mag kaibigan ni Xavier alam niya din na nag di kami ok. Ewan ko di naman ako nag kukwento sakanya about saming dalawa pero nalalaman niya padin. "Ang hirap manghingi ng tawad ano? Sana maramdaman mo yung nararamdaman niya para naman mapatawad mo na siya. Balita ko makailang beses na kayo nag usap pero hindi mo siya binibigyan ng pag kakataon na makabawi sayo. Nak sinusubaybayan ko kayo simula noong nag transfer ka dito sa school natin kaya alam ko na buong pagkatao nyong dalawa, sana naman mapatawad mo na ang Bestfriend mo."
Nginitian lang ako ni Sir Mendoza at tinapik ang balikat ko sabay alis. Napaisip naman ako sa sinabi niya.
Bakit nga ba ako nag kakaganto? Bakit nga ba ako nagagalit sakanya? Eh bestfriend niya lang naman ako. Oo andun na tayo sa point na nakalimutan niya ko pero bakit parang ang oa ko na. Parang yun lang hindi ko siya napatawad?
Pero meron din naman sa side ko na kung mahalaga ako sakanya hindi niya ako kakalimutan ng ganon ganon nalang. Hindi niya ako pagsasalitaan ng masasakit.
"Queenie! Oy! Mag start na!!" Tawag sakin ng isa sa mga kasama kong nag aassist sa mga students.
"Oo eto na" napahawak naman ako sa muka ko, shet basa umiiyak nanaman ba ko? Jusq namaaaaan.
Dali dali kong pinunasan ang mga mata ko tyaka lumapit sakanila.
Nag start na ang program, nag start narin kaming mag picture ng studyanteng nag sasaya sa program.
"Ok students, ngayon may ibibigay kaming mga card. Yang card na yan ay ibibigay nyo sa taong gusto nyong pasalamatan, hingan ng sorry, o di kaya sa mga boyfriend or girlfriend nyo. Pwede din sa bestfriend nyo." Napatingin naman sakin si Sir Mendoza at nag patuloy mag salita. "At sasabihin nyo kung ano yung gusto nyong sabihin sakanila. At sa gitna kayo mag sasalita!!" Magiliw na announce ni Sir sa mga studyante habang kinukuha ang card na pinamimigay ng mga staff ng student council.
"Are you ready students?" Magiliw na tanong ni sir Mendoza sa mga students.
" yeeeeeesss!!" Sigaw ng mga student na nakapaikot sa bonfire.
Nag start na ang pakulo ni Sir mendoza. Hindi ko akalain na makakauha ako ng 6 na card, galing kela Carlyn, Oliver, Vince, Van, Reid and dun sa freshmen na di ko kilala. Nag papasalamat sila kasi naging mabuti daw akong kaibigan sakanila. Yung freshmen naman nag papasalamat kasi ako yung inspirasyon niya naks naman haha.
"And next, Mr. Xavier." Napatingin naman ako sa malayo ng tawagin siya ni Sir Mendoza. Pakunyare akong may kinukuhaan ng litrato kaya unti unti din akong umaalis sa pwesto kung saan malapit kay Mr. Mendoza.
"Itong card na to ay ibibigay ko sa Bestfriend ko." Napatigil naman ako sa paglalakad at napa talikod sakanya. Nasa bandang malayo na ko pero feeling ko ang lapit lapit ko padin sakanya. Halos lahat ng studyante nakatingin sakanya at ang iba naman saakin. "Sa bestfriend kong gagawin ang lahat mapasaya lang ako sama na natin ang buong barkada namin. Para sa bestfriend kong mahal na mahal ako. Kahit na lagi niyang tinatanggi nararamdaman ko naman. Hi sayo bestfriend! Alam kong naririnig mo ko at gusto mong tumigil na ko sa kakasalita ko dito kasi ayaw mo ng masyadong maingay diba?" Nakatalikod padin ako.
Hindi ko namamalayang tumutulo nanaman ang luha ko. Sama mo na pati uhog. Potek napaka traydor mo Luha.
"Pero kahit na alam kong naiinis ka itutuloy ko padin to. Bestfriend mag kano nga ba pamasahe pabalik sa dating tayo? Namimiss ko na kasi yung pag uusap natin ng hindi nagbabangayan. Paguusap natin ng mahinahon. Namimiss ko na yung mga ngiti mo. Tagal ko na kasing hindi nakikita ang mga ngiti mo, kasi diba naalala mo paba? Kahit simpleng joke ko lang tumatawa kana. Namimiss ko na yung dating ikaw. Tyangapala. Pasensya kana sa mga nasabi ko noong araw na nag away tayo ha, hindi ko alam pero nilamon ako ng maling pag ibig. Oo maling pagibig, sana pala una palang naniwala na ako sayo. Sana pala naniwala ako na hindi mag wowork yun relasyon namin. Edi sana ok tayo. Edi sana hindi ka dumidistansya sakin. Sorry bestfriend sorry kung naramdaman mong hindi ka mahalaga para sakin. Sorry kung hndi kita naalagaan nung may sakit ka na nakasanayan natin gawin sa isa't isa. Sorry Queenie." Nag sigawan naman ang mga studyante. Maraming naiyak na studyante. Marami ding nagulat nung sinabi niya ang pangalan ko kaya nag sigawan sila.
"Alam kong hindi mo tatanggapin itong card kapag ka ako nag bigay kaya kay Sir Mendoza ko nalang ibibigay to ha. Miss na miss na kita."
Pinunasan ko naman ang mga luha ko at humarap sa maraming tao. Ngumiti nalang ako ng pilit. Marami kasing tumingin sakin nung sinabi niya ang pangalan ko.
"Nakakaiyak naman yang speach mo nak! Tignan mo nag iyakan na ang mga ka schoolmate mo!" Nagtawanan naman sila. "Pero sana nga mag ka ayos na kayo. Sana marealize niya na ang lahat. Goodluck nak."
Nagtawag na ng iba si Sir Mendoza. Naupo nalang ako sa upuan ng mga Student Council at hindi na kumibo hanggang matapos ang program.
BINABASA MO ANG
I Think Im Inlove With My Bestfriend
Teen FictionIsang pagkakaibigan na hindi mo namamalayan na nasasaktan kana. Ok naman kayo noong una palang, ngunit nag bago ang lahat ng makakilala siya ng ibang tao. Hindi na siya katulad ng dati mong bestfriend na palagi lang nanjan sa tabi mo. What if kung y...