Cute.

5.2K 142 0
                                    

Nagising siya ng sunod-sunod na bumusina si Gilbert . Dahan-dahan siyang umayos ng upo at kinusot-kusot ang mga mata bago tumingin sa labas.

Nakita niya ang two store house, para sa kanya ay maliit ito dahil ang bahay nila ay mansyon kung tawagin ng iba. Katamtaman ang laki ng bahay sa harap niya at kulay chocolate ang gate nito pati ang buong kabahayan na may magilan-ngilan na puti .

Parang chocolate house ang bahay na to.

"Gising na pala kayo sir , andito na po tayo " Nilingon naman niya si Gilbert saka tumango lang .

Ibinalik niya ang tingin sa bahay, nakita naman niya ang paglabas ng isang babae na kung hindi siya nagkakamali ay nasa eary 30's pa lamang ito. Siguro ay kasing idad ito ng daddy niya na nasa 36 pa lang kaya madalas na halos mapagkamalan silang magkapatid dahil  bukod sa matikas ang daddy niya ay pareho silang gwapo.

Maybe she was my godmother.

Pagkalapit nito sa gate ay mabilis itong lumabas sa gate saka nilapitan sila.

"Ano pong kaylangan niyo? " Tanong nito kay Gilbert habang nakasungaw sa bintana ng driver seat.

"Dito po ba nakatira si Mrs. Varens? "

Nakita naman niya na nangunot noo ang babae.

Wag mong sabihin hindi niya alam ang balak ng daddy? Then great, for sure babalik kami ng Manila.

"Oo bakit po?" Narinig naman niyang tanong ng babae sa labas. Binukasan niya na ang pinto saka bumababa.

Mas mabuti siya na lang ang kumausap sa babae.

"Magandang araw po. Ako po si Ithan Mortis . Anak po ako ni Ian Mortis. " Pagpapakilala niya sa kaharap na babae. Bigla naman nagliwanag ang mga mata ng babae.

"Oh gosh! Ikaw na ba talaga yan? Ithan, ang laki mo na . Gosh ang gwapo mo pa " 

Medyo nahiya naman siya sa tinuran ng babae kaya napahawak na lang siya sa batok.

"Kayo po ba si Mrs. Varens? Ang ninang ko?"

"Oo ako nga, Mrs. Donna Varens . Ninang Don na lang ang itawag mo sakin " nakangiti nitong saad. Hindi niya alam kung kakamayan ito o pagmamanuhan dahil para siyang naiilang sa presensya ng kaharap pero sa huli hinawakan niya ang kamay nito at nagmano.

"Ay , nakakatuwa naman hindi ko akalain na marunong ka palang magmano. Akala ko makikipagbeso-beso ka " Natawa naman siya sa ninang niya dahil pakiramdam niya ay alien ang tingin sa kanya nito dahil sa ginawa niya.

"So ni-ninang, alam niyo po ba na dito ako gustong magstay ni daddy?" Nakangiti naman ang ninang niyang tumango.

"Oh my rude. Halika pumasok ka na. Asan na ba ang gamit mo at ng maiakyat na sa room mo " Napansin din siguro nito na nasa labas sila.

"Ako na po ma'am ang magpapasok. Gilbert po pala ma'am . Driver po ni sir " Tinuro pa siya ni Gilbert. Nginitian ng ninang niya ito saka sila pumasok sa bahay nito kasunod si Gilbert na dala ang maleta niya habang siya ay bitbit ang pack bag niya .

Dumiretso na agad sila sa ikalawang palapag ng bahay at pagkapasok ay nilapag na ni Gilbert ang gamit niya saka bumaba na. Naiwan silang dalawa ng ninang niya pinasadahan niya ang buong kuwarto.

"So what do you think? " Ayos naman ang kuwarto niya black and white ang theme ng kuwarto niya panlalaking-panlalaki pati ang kama at ang ilang gamit ay ayos sa kanya. Maliit lang iyon pero ayos lang sa kanya dahil nakita naman niyang may study table ang kuwarto.

"Its fine ninang " sagot niya. Pilit na ngiti ang ibinigay niya dito .

"Pagpasensiyahan mo na kung maliit alam ko naman na malaki ang silid mo sa inyo, pero siguro naman ok lang ang ayos nito diba ?" Pagkukumpirma pa ng ninang niya. Tumango naman siya dito, sandaling iniwan siya nito para maghain na ng kanilang pananghalian .

Sandali lang siyang nagpahinga saka siya tinawag ng ninang niya. Nagkuwentuhan sila ng kanyang ninang Don tungkol sa pamilya nito. Nalaman naman niya na nag-asawa pala ito sa idad na 28 kaya ang anak nito ay walong taong gulang na kasalukuyan nasa mga lola nito, kaya hindi niya makita ito roon, nalungkot naman siya ng sabihin nitong namatay ang asawa nito ng dahil sa isang aksidente eksaktong walong taon na ang nakakaraan. Nalaman niya rin na kababata nito ang ama noon sa kolehiyo, ito rin daw ang unang nakaalam sa existence niya sa buhay ng ama at kahit noong bininyagan siya ay ito at ang dating namayapang asawa nito ang kasama nilang mag-ama pero nauwi ito sa province sa Bataan para magsimula ng bagong buhay. Matapos ang mahabang usapan nila ng ninang niya ay nagpaalam naman ito para sunduin ang anak, sumabay na rin sa pag-alis si Gilbert para bumalik sa Manila.

Nagdesisyon siyang kausapin na lang si Karl sa cellphone dahil wala naman siyang magawa ng araw na iyon, katatapos niya lang din mag-ayos ng mga gamit niya.

"Yow ! Manila boy! Kamusta buhay sa probinsya ? Madami bang maganda "

Yaan agad ang bunga sa kanya ni Karl ng sagutin nito ang tawag niya.

"Karl, tigilan mo nga ko. Kadadating ko lang dito kaya wala akong alam sa sinasabi mong maganda"

Pambabara niya dito , tumawa lang ang lalaki sa kabilang linya.

"So bro , totoo na dyan ka talaga mag-aaral? "

Alam niyang kapwa sila nanghihinayang ni Karl dahil kahit kabaklaan man pakinggan sa iba para na silang magkapatid kaya nalulungkot siya na hindi na sila magkaklase nito.

"Yeah, dad was deadly serious about sending me here. Well, one year is not long enough"

"Yeah your right. By the way, get some girl there. "

Napapailing siya sa kaibigan para lang itong nagsabi na pumulot siya ng papel sa daan.

"Stop pushing me "

Pagbabanta niya dito,pero katulad kanina tumawa lang ito sa kabilang linya. Mahaba rin ang naging pag-uusap nila o mas tamang sabihing busitan pero kahit papano ay nawala ang lungkot sa kalooban niya.

Humiga siya sa kama saka siya napatingin sa kanyang cellphone para tignan ang oras . Alas-tres na ng hapon, napagdesisyon siyang maligo muna para mapreskuhan.

Matagal siyang nagbabad sa banyo ng kanyang kuwarto kaya paglabas niya ay mag-alasingko na ng hapon. Hindi niya alam kung dumating na ang ninang Don niya. Ilan sandali lang ay nakarinig siya ng katok sa pinto ng kuwarto niya.

Baka si ninang na yan .
---
Ithan's POV

Pagbukas ko ng pinto ay hindi si ninang Don ang nakita ko kundi isang manika---No, hindi siya manika kundi isang napacute na bata na mukhang manika. Ang ganda ng buhok nito na itim na itim at nakatali na palollipoop with full bangs, hindi rin nagpatalo ang magandang dress nito na tinernuhan ng black boot saka maputi ito pero mas nakaagaw ng pansin saakin ay ang mga mata nito , kulay asul ang mga iyon at para bang nahipnotismong napatitig ako sa mga mata nito.

"Hello po, kayo po ba ang bisita ni mama ?"

Hindi ko alam kung bakit parang may kumislot na isang bahagi sa puso ko.

"Kuya?"

Saka ko lang naalala na nakatitig pala ako sa batang kaharap ko.

Oh shvt! Natulala ba ko ? Aghh , ngayon lang ako napatulala ng ganto at ang malala sa isang bata pa.

Pinilit kong maging casual kahit na parang bigla akong kinabahan dahil sa presensiya ng batang kaharap ko.

"O-oo, anong pangalan mo? "

Great! Bakit ako nautal? Shvt! I think something wrong in me.

"Ako po si Denise Varens, kayo po anong pangalan niyo?"

Parang nanlambot naman ang tuhod ko ng ngumiti sakin si Denise. Mabilis na pinalis ko sa utak ko ang nararamdaman ko.

"Hmm. I'm Ithan Mortis "

Pinilit kong maging malamig sa kaharap ko, kung bakit? Hindi ko rin alam basta ang alam ko ayokong mapalapit sa batang kaharap ko.

Shvt! She was just a kid . A cute barbie doll girl !

Ayokong pagtuunan ng pansin ang pagbilis ng tibok ng puso ko. 

I should remember that.

My Little Girl .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon