Bawat hakbang niya ay mas humihigpit ang hawak niya sa kamay ni Denise.
"Kuya tantan.." Napayuko siya ng tawagin siya ni Denise, ngumiti siya pero alam niyang hindi aabot iyon sa mga mata niya.
"Bakit ?"
"Parang ayoko na pong umalis.. " Napahinto siya sa paglalakad ng marinig ang sinabi ni Denise, parang nabuhayan naman siya ng marinig ang sinabi ni Denise pero nang napabaling siya sa mga tao sa likuran nila ay biglang bumagsak ang pag-asa niya.
Ano bang magagawa ng isang binatilyo para pigilan ang pag-alis ng mga taong ito? Saka bakit niya gagawin iyon, ang mga taong iyon ang totoong magulang ni Denise,and she deserve to be with them.
"Bakit naman? M-magiging masaya ka naman dun, saka madami kang magiging kaibigan doon, tas makakapaglaro ka pa sa snow, kasama mo pa si ninang Don, madaming magagandang playground doon."
Naglakad na sila ulit, pero bawat hakbang ni Ithan ay bumibigat ang pakiramdam niya.
"Pero malungkot ka po."
"Ha ? Hindi no." Ngumiti siya dito.
"Sabi ni mama pwede po tayong mag-usap saka magkita kahit malayo po tayo, pano po yun kuya tantan?"
"Sa skype, sa laptop na dala ni ninang, basta paggusto mo kong kausapin hiramin mo lang yun."
"Sige po, lagi ko po ikukuwento ang ginagawa namin doon kuya tantan, para happy ka." Tumango siya saka napahinto na ng nasa departure area na sila, napabaling siya sa mga kasama at malayo pa ang mga ito, kaya nag-squad siya sa harapan ni Denise.
"Mag-iingat ka dun, palagi kang kakain, iwasan mong madapa at wag kang makikipag-away, saka tatawagan mo palagi si kuya tantan ha?" Pigil niya ang sariling boses.
"Opo kuya tantan, magiging good girl po ako doon ."
"Good."
"Pag-uwi ko po magdadala ako ng pasalubong, madaming madaming pasalubong para happy ka po pagbalik ko." Tumango siya saka ngumiti kay Denise pero alam niyang namumula na ang mga mata niya dahil sa pagpipigil ng luha.
"S-sige hihintayin ko yan, basta babalik ka, wag mong kakalimutan si kuya tantan, diba promise mo yun?"
"Opo promised." Tinaas pa nito ang kamay kaya naman hinawakan niya iyon saka hinalikan ang likod ng palad nito saka ang noo nito.
"Mag-iingat ka palagi , mamimiss ka ni kuya t-tan tan." Hindi niya na napigilan ang luha sa pagtulo kaya naman iniwas niya ang paningin kay Denise at simpleng pinunasan iyon.
"Opo, iingat po ako doon, kayo din po ni tito Ian."
"Denise,come we should go." Napabaling sila sa babaeng Italyano, ito ang tunay na mama ni Denise, at pansin niy na sa ilang araw na pagbalik nito at ng asawa nito sa bahay ay naging close agad nito si Denise. Marahil dahil na rin sa lukso ng dugo kaya nakagaanan ng loob agad ni Denise ang mag-asawa, bumaling sa kanya si Denise saka kumaway.
"Babye kuya tantan, dadalan po kita ng gifts." Tumayo na siya saka tumango, nagpaalam na ang ama niya sa mga ito, pati na rin ang ibang mga kasama nito pero siya ay nakatingin pa rin kay Denise na nakangiti lang at halata excited ito.
"Babye tito, babye nanay Flor.. babye manong Gilbert. Babye kuya tantan." Lahat sila ay kumaway sa papaalis na si Denise at ng pumasok na ito ng tuluyan sa loob , ay tuluyan na napaiyak si Ithan. Naramdaman na lang niya ang isang kamay sa balikat niya paglingon niya,nakita niya ang malungkot na mukha ng ama.
"Its ok son, babalik sila, they will come back.Just wait.." Pag-aalo sa kanya ng ama , kaya naman tumango siya saka ngumiti pero alam niyang puno pa rin iyon ng lungkot saka siya muling bumaling sa pinasukan nila Denise.
Take care princess, I will miss you, I promised ,maghihintay ako..
Lingid na sa binatilyo na ang ginagawang pangako ay hindi para sa pagbabalik ng isang kinakapatid ,kundi sa pagbabalik ng isang taong nagbukas at nagturo sa kanyang batang puso ng isang damdaming hindi niya pa naiintindihan.
---
Napapailing siya habang inaalo ang anak, hindi niya akalain ang anak niyang si Ithan ay magkakagusto sa isang bata.A sixteen years old boy, ay nainlove sa isang 8 years old na bata, at mukhang hindi iyon alam ng anak niya dahil sa hindi pa nito iyon nararanasan ang ganong intense ng pakiramdam sa iba, at wala siyang balak ipaliwanag iyon sa anak.
Not because he was selfish, but he believed, in a right time ,mismong si Ithan ang makaalam ng sariling damdamin , after all his son was too young to defined it now. Hahayaan niyang ito ang kusang makaalam noon.
"We should go son.." Tumango ito kahit na nakayuko, saka sumabay sa paglalakad niya palabas ng airport na iyon, nasa likod nila sila Gilbert at manang Flor.
"D-dad."
"Yes?" Deretso pa rin siyang naglalakad hindi niya na kaylangang balingan ang anak dahil nakikita niya sa gilid ng mata ang nakayuko pa rin nitong ulo.
"Do you think maalala niya pa ko?" Lihim siyang napangiti.
"Nino?" Kahit alam niya kung sino ang tinutukoy ng anak.
"N-ni Denise, do you think she will remember me?"
"Maybe, after all , modern na tayo. Just video call her and you will see, feeling mo magkasama lang kayo ."
Nakita niyang nag-angat ng mukha ang anak niya saka sisinghot-singhot na bumaling sa kanya.
"Tama, lagi ko siyang tatawagan saka ivivideo call para hindi niya ko makalimutan." Napailing-iling siya sa isipan, he's son was so inlove at hindi niya maiwasan matawa dahil kagaya nito ,noon ay naging ganon din siya.
He keeps denying his feeling, untill the time ,na ang babaeng mahal niya na pala ay nagmahal na ng iba at worst ay ang kaibigan niya pa, at ngayon kahit na nagkasama silang muli ay mabilis din itong nawala, napabuntong hininga siya.
Maybe the fate was not in us Donna, your right. If we are destiny to the person, kahit anong gawin natin, magkakalapit at magkakalapit pa rin sila. Kaya nga hanggang ngayon,naniniwala ako. We're meant for each other, and I still waiting for you.. I always do..
BINABASA MO ANG
My Little Girl .
General FictionHow love will meet ? Walang kaalam-alam ang 16 years old na si Ithan, na mag-aalaga lang pala siya ng isang 8 years old girl, kaya naman pikon na pikon siya dito o akala lang niya? Dahil sa tuwing nakikita niya ang mga asul nitong mata at kapagnati...