Inigo

2.6K 73 1
                                    

Agad niyang nilapitan ang nanay Flor niya ng makita ito.

"Nay! " Lumingon ito halata na natataranta.

"Ithan! Yung asawa mo nasa loob na, dalian mo at kanina pa siya ipinasok sa labor room. " Tumango siya saka mabilis na pumapasok sa pinto kung saan napalingon sa kanya ang mga tao roon, agad na nilapitan siya ng isang nurse.

"Sir, sino po kayo? Bawal po dito. " pero hindi niya napansin ang nurse, nakita niya agad si Denise, nagkahalo-halo ang pakiramdam niya ng makita na pawisan ito,at maghalo na ang luha ,sipon at pawis ng asawa .

"Asawa ko siya,she needs me." Nakita marahil ng nurse ang pag-aalala sa mukha niya kaya hinayaan siya nitong lumapit.

"Denise ,princess ,I'm here." Hinawakan niya ang kamay nito.

"Ithan.. Ahhh!" Sigaw nito saka napahigpit ang hawak nito sa kamay niya.

"Ok, ma'am ire lang po.. One, two, three. " Sumigaw ng ito kasabay ng pag-ire.

"Shh,princess take a deep breath. "

"Ang sakit Ithan! Ang sakit.. " Umiiyak na ito kaya naman napapikit si Ithan, he needs someone dahil baka panghinaan siya ng loob kapag nakita ang mas pag-iyak ni Denise.

Lord, please, help my wife. Please, give me and my wife strength. Ma-ideliver niya po sana ang anak namin ng maayos.

Dumilat siya saka hinimas-himas ang basa na niton buhok dahil siguro sa pawis.

"We see the baby's head , one more push . One two three.." Sumigaw muli ang asawa at napahigpit talaga ang hawak ni Ithan sa kamay ng asawa matapos marinig ang pag-iyak ng isang bata. Napatingin siya sa doktor at nakita niya na hawak na nito ang isang sanggol ,hindi maipaliwanag ang nararamdaman ng masilayan ang anak,para bang may kung anong sasabog sa loob niya,hindi na niya namalayan na tumulo na pala ang mga luha niya.

"Congratulation ,Mr. And Mrs. Mortis, its a healthy baby boy. " Nakangiti nitong saad, napabaling siya kay Denise, ang nakita niya ang pagngiti nito saka pumikit.

He kiss her in the forehead saka niya hinalikan ang kamay nito.

"Take a rest princess..I love you.. "

Hinalikan niya ito muli sa noo, saka napatingin sa baby na nililinis na ng mga nurse, he wanted to hold the baby. Sandali lang ay nasa harapan niya ang isang nurse habang buhat ang anak nila ni Denise.

"Sir, ililipat na po namin si Ma'am, pwede niyo pongbuhatin ang anak niyo. " Napatayo siya ng tuwid saka napatitig sa anak niya, ni hindi nga sumasagi sa isip na iba ang ama nito, dahil pakiramdam niya je was the true father. Nanginginig na kinuha niya ang baby, umiyak ito kaya nataranta pa siya kung paano ito patatahanin, bahagya niyang pinaghele ito pero hindi man nabawasan ang pag-iyak nito.

Sunud-sunod na napalunok siya napatingin pa siya sa nurse pero busy na ito sa pag-aayos kay Denise, binalingan niya ulit ang baby,napapikit siya saka napatitig sa anak nila.

"S-shh baby, dad is here, stop crying.. Shh.." Matapos sabihin iyon,at bahagyang ipaghele ang anak ay himalang tumigil ito. Bumilis naman ang tibok ng puso ni Ithan ng para bang mas sumiksik sa dibdib niya ang nakapikit na anak,hindi na niya namalayan ang pagtulo ng luha ng maramdaman iyon.

"You know,your dad was so proud to have you.. I love you son." Maramdamin niyang saad sa inosenteng sanggol.
----
Inigo Dennis V. Mortis..

Kung pwede ngang mapunit ang labi ni Ithan sa pagngiti ay baka nga mangyari iyon, hindi na mabura-bura ang ngiti niya simula ng mauwi sila sa bahay nila. Dalawang linggo na ang nakakalipas simula ng pangalan ni Denise ang kanilang anak,and finally he was a father! Hindi niya inakala na ganon pala kasaya ang magkaroon ng anak, at isang buong pamilya.

"Ithan? .." Nakangiti na binalingan niya ang asawa.

"Matulog ka na princess,ako na ang bahala kay Inigo. Pinadede ko na siya.." Tumayo ito saka lumapit sa kanila. Nakita niya ang pagngiti nito ng makita ang anak nila na mahimbing na natutulog saka ipinatong nito ang kamay sa braso niya.

"Salamat Ithan. " Napalunot ang noo niya na tinitigan ito.

"Para saan? "

"Dahil simula ng malaman mong buntis ako at simula ng manganak ako,nandiyan ka, nung mga panahon na kailangan ko ng makakaramay nandiyan ka at nung akala ko hindi ko na mabibigyan ng buong pamilya si I-inigo, n-nandiyan ka. " Nakita niya na parang maiiyak ito kaya naman gamit ang isang kamay ay hinawakan niya ito sa batok at sinalubong ng mga labi niya sa labi ng asawa. Gusto niyang maramdaman nito na hindi ito ang dapat nagpasalamat kundi siya,because her he felt completed and now he was contented because he had Inigo.

"I love you Denise and I love Inigo, kayo ang patunay na nagmahal ako, na masaya ako. " Maramdamin niyang sagot, tumango naman ito saka ngumiti na ,binalingan nito ang natutulog na anak nila saka hinalikan nito iyon sa pisngi.

"Matulog na tayo, mukhang mahimbing na naman si Inigo. " Kinuha nito si Inigo sa kanya saka dahan-dahan nilapag pero mabilis din nitong binuhat ang anak dahil biglang umiyak.

"Shh, baby, tahan na, nandito si momy
" pinaghele ito ng asawa pero umiyak pa rin ito kaya kinuha niya, at ni hindi pa ata nakakaisang minuto ay huminto kaya naman nagkatinginan sila at napangiti si Denise pati na rin siya.

"Mukhang ayaw mahiwalay sayo ni Inigo, he really likes you. " Mas napangiti siya sa sinabi ni Denise.

"Yeah, and I love him" Hinalikan niya ito sa pisngi saka hinawakan niya ang kamay ni Denise.

"Let's sleep princess. "

"Pano si Inigo? Ok lang ba na katabi natin siya? " Natawa naman siya ng mahina.

"Oo naman, he was our child, walang kaso sakin yun, he could sleep in our side everytime he likes. " Napangiti ang asawa niya saka sabay na silang nahiga. Inilagay niya sa dibdib ang mahimbing na muling natutulog na anak saka pinaunan sa kanang braso ang asawa, para na naman nasa ulap ang pakiramdam niya,dahil iyon ang unang beses na magkatabi-tabi silang tatlo.

I would always thanks God for giving me this kind of family.

My Little Girl .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon