Contentment

2.9K 97 3
                                    

Ngayon ang kaarawan ng batang si Louie kaya naman sakay ng kotse ng kanyang ninang ay nagtungo sila sa bahay nito.

Seryoso lang siya sa likuran ng sasakyan samatalang walang tigil sa kakakuwento ang kinakapatid sa harapan pero hindi siya kumikibo.

"Happy birthday Louie!  This is my gift to you. " Inabot nito sa batang lalaki ang regalo ,maagap naman iyon kinuha ng lalaki.

"Tara po pasok kayo tita, nasa loob po sila mama. "Napatingin naman siya sa babaeng kasama ni Louie na sumalubong sa kanila.  She was the same girl last time.

Pumasok na sila matapos bumati sa may kaarawan, agad umalis sa tabi niya si Denise ng yayain ito ni Louie kung saan nagtitipon rin ang ibang mga bata. Ang kanyang ninang naman ay nagtungo sa mga magulang ni Louie na nagkataong kaibigan pala nito .

"Halika kumain ka muna. "Siya naman ay kasama ang babae na pumunta sa isang mahabang mesa kung saan may iba't-ibang pagkain.

"Sorry, pero pede ko bang malaman kung anong pangalan mo? Kanina pa kasi tayo magkasama pero ni hindi ko alam ang pangalan mo." Doon lamang siya lumingon sa babae, tama nga naman ito kanina pa ito nagsasalita sa harapan niya pero ni hindi pa nila alam ang pangalan ng isa't-isa.

"Ithan Mortis. You? "

"Lies Mae Santos. So, anong connection mo kay tita Don?"

Umupo muna sila isang bakanteng upuan pagkatapos niyang kumuha ng foods.

"She was my godmother. " Matipid na sagot niya, hinanap ng mga mata niya si Denise ng makita ito ay walang paalam na tumayo siya dala-dala ang pagkain niya.

"Denise. "Tawag niya dito, mukha naman itong aliw na aliw sa magician na nasa harap habang nagpeperform.

Nilapitan na niya ito saka nag-squat sa harapan nito kung saan nakaupo ang bata  .

"Kuya tantan! Look ang galing ng magic. "Nawala ang lahat ng tampo at inis niya ng makita ang malawak na ngiti ni Denise.  Tinignan naman niya ang magician saka nilingon ulit si Denise.

"Denise, kainin mo muna to. "Nilagay niya sa lamesang kinauupuan nito ang pagkaing kinuha niya. Tumingin naman si Denise doon saka napanguso.

"Kuya andami po. "Pagrereklamo ni Denise.

"Ganon ba? Gusto mo ako na lang ang kumain paghindi mo naubos? " Ngumiti naman si Denise bilang tugon sa tanong niya,para siyang nakibata dahil nakiupo siya sa maliit na upuan katabi ni Denise habang kumakain ito sa mini table.

"Kuya tantan,say 'aa' ." Ngumanga naman siya ,napangiti siya ng sinubuan siya ni Denise. Parang bulang biglang nawala lahat ng tampo niya sa kinakapatid dahil sa kaswitan nito, nakangiti na rin siya habang pinapanuod ang pagkain ng kinakapatid.

Sandaling tumayo siya saka pumunta ulit sa long table para ikuha ng juice si Denise.

"You really like her. " Nagulat siya ,hindi dahil sa nagsalita sa likuran niya kundi dahil sa sinabi nito.

"W-what? "Hindi niya alam kung bakit bigla siyang kinabahan sa sinabi ni Lies na ngayon ay nilingon na niya.

"You like her,  you really like her as your sister. Don't you? "Nakahinga naman siya sa sinabi niya pero sandaling natigiln siya.

Of course! Yun naman talaga yun . Fcvk!  Bakit kung anu-ano ang iniisip ko!

Tumango siya saka walang salitang iniwan niya si Lies, kung inaakala ng iba na bastos siya. Well, baka nga ganon ang ugali ng binatilyo dahil lumaki siya na nag-iisa kaya mas gusto niyang maging cold at distance sa iba. Kaya nga si Karl lang ang kaibigan niya at ngayon lang siyang natutong maging mabait sa ibang tao, maliban sa mga tao sa bahay nila at kay Karl, nadadag na ang ninang niya at si Denise sa mga taong pinahahalagahan niya.

"Denise, eto na ang juice mo. "Umupo ulit siya sa maliit na upuan katabi ni Denise magiliw naman ang kinakapatid .

Muli aliw na aliw siya na pinapanuod ang kinakapatid na para bang ito na lang ang nag-iisang bagay na magpatino sa katigasan ng ulo niya at magpalambot sa bato niyang puso.

"I love you Denise. "Nagulat pa siya sa sinabi niya, humarap naman si Denise saka ngumiti.

"I love you too po kuya! "Magiliw na sagot nito ,tumayo ito saka siya niyakap ng mahigpit.

Hindi niya alam kung bakit pakiramdam niya ay kontento na siya basta kasama lang ang kinakapatid .

My Little Girl .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon