Malaking pasasalamat ni Ithan at hindi naman malala ang nangyari sa kinakapatid. Namaga lang ang paa nito dahil sa pagkakaipit ng ugat sa paa.
"Ok ka na ba Denise?" Sabay silang napalingon ni Denise sa ninang Don niya ng pumasok ito mula sa kuwartong inookopahan nila sa ospital.
"Ok na po mama,sorry po kung nag-alala kayo sakin " Nakangiti na ito, hindi kagaya kanina na halos magngangawa habang tinuturakan ng kung ano-ano at binebendahan ang paa.
"Ok lang yun, basta sa susunod mag-iingat ka na." Tumango naman si Denise sa sinabi ng ninang niya.
"Ninang sorry, dahil po sakin kaya nagkaganyan si Denise. " Hindi siya makatingin ng tuwid sa ninang niya dahil alam niyang guilty siya sa nangyari.
"Ano ka ba, ok lang yun. Oo, medyo muntik na kong himatayin. Akala ko naman kasi grabe ang nangyari sa kinakapatid mo pero nangmakita kong ok lang siya. Naging ok na rin ako, saka malikut talaga tong si Denise " Saka niya nilingon ang ninang niya.
Nakahinga naman siya ng maayos ng makitang hindi nga galit ang ninang niya. Hindi naman sila nagtagal sa ospital dahil mild lang naman ang tinamo ni Denise , niresitahan lang ito ng mga gamot para sa sakit na mararamdaman kung sakali pati sa pamamaga noon.
Kinabukasan ay maagang pumasok ang ninang Don niya sa trabaho nito, dahil maiiwan sa kanya si Denise ay sandamakmak na paalala ang inabot niya sa ninang niya pero ayos lang sa kanya, dahil pakiramdam niya ay mama niya ang ninang Don niya.
Wala pa kasing ibang babae ang nagpaalala sa kanya ng mga dapat niya gawin malipan sa yaya niya.
"Kuya Tantan" Mabilis siyang napatayo sa pagkakaupo sa sofa sa first floor ng marinig ang pagsigaw ni Denise. Agad siyang umakyat sa taas saka pinuntahan ang silid nito.
"Good morning princess, kamusta na ang paa mo?" Nakaupo ito sa kama habang kinukusot-kusot ang mata. Hindi maiwasan hangaan ni Ithan ang batang si Denise dahil sa ka-cute-tan nito. Magulo ang buhok nito habang papungas- pungas na kinukusot ang mata at humikab ito ng ilang beses.
"Masakit pa rin kuya Tantan. Pede niyo po akong buhatin? I need to pie." Mabilis niyang binuhat ang bata saka inupo sa banyo, lumabas siya para hayaan ang kinakapatid na gawin ang dapat gawin sa banyo.
Hindi niya mapigilan mag-alala na baka mabasa ang benda sa paa nito o kaya ay madulas ito, ngayon lang ang unang beses na hiniling ni Ithan na sana ay babae siya para matulungan ang kinakapatid.
"Kuya tantan, tapos na po ako." Binuksan niya ang pinto at nakita niyang nakatayo si Denise habang nakahawak sa sink at nakataas ang injured na paa.
"Tara kumain ka na." Binuhat niya ulit ito, mahigpit na bilin kasi ng doktor na hindi dapat mapwersa ang paa ni Denise kaya hindi niya pedeng maitapak ang paa na injured.
"Kuya tantan, hindi po ba kayo nabibigatan saakin?" Ngumiti siya dito, saka umiling pero kahit ang totoo ay mabigat ito, dahil binatilyo pa lamang siya likas ang maging slim lang ang katawan niya at hindi ganun kalakas ang mga bisig niya. Kaya nga kahit na medyo nabibigatan siya ay hindi niya iyon pinahahalata sa kinakapatid dahil baka magpumilit itong bumababa at maglakad. Hindi kakayanin muli ng konsensya niya kapag napahamak ito ng dahil sa kanya.
"Anong gusto mo?" Nilingon niya ang kinakapatid na ngayon ay nakaupo sa isa sa mga bangko sa kusina. Hindi siya narinig nito dahil busy ito sa pagtingin sa paa na may benda habang nakapatong iyon sa isa pang upuan.
"Denise, anong gusto mo for breakfast?" Dun lang ito tumingin sa kanya at ngumiti ng pagkalaki-laki na para bang may naisip na magandang bagay
"I want pancake, si mama kasi minsan pinagluluto niya ko ng pancake kapag sad ako."
"Bakit sad ka ba?" Nilapitan niya ito at nag-squat siya para magpantay ang mukha nila ni Denise, may kung anong kirot ang naramdaman niya matapos marinig ang katagang yun sa kinakapatid.
"Hindi naman po, pero yung paa ko po kasi mukhang sad . Tignan mo kuya tantan, color white lang siya ." Nawala naman din agad ang kirot na naramdaman niya ng makita ang genuine na ngiti ni Denise.
"Ganun ? Sige ,ipagluluto kita. Madali lang naman yun." Tumayo na siya para bumalik sa dating pwesto, pero napapigil siya ng pigilan ni Denise ang laylayan ng damit niya.
"Bakit?"
"Kuya tantan, may pentel po ba kayo?"
"Oo, aanhin mo naman yun?"
"May isusulat lang po ako. Pede po bang pahiram?" Tinitigan niya ang nakangiting si Denise. Tumango siya saka umakyat sa kuwarto, kinuha niya ang tatlong ibat-ibang kulay ng pentel niya , black, blue at red. Mabilis siyang bumababa at inilapag yun sa harapan ni Denise.
"Thank you po. Sige kuya magluto ka na po ng pancake ko." Iniwan niya na nga ito at nagluto ng almusal para sa kinakapatid.
Kahit paano ay magaan na ang pakiramdam niya dahil ayos na ang kinakapatid ayon sa doktor nito ay pinakamatagal na ang isang linggo para maging ayos ang paa nito. Hindi naman niya maiwasan maalala kung pano ito umiyak noong halos mahulog sa hagdan , hindi niya kasi alam kung bakit nakakaramdam siya ng ibang kurot kapag naalala ang mga luha nito noon.
Masyado na ba kong na-attach sa kanya dahil ngayon lang ako nakaranas na mag-alaga at magpahalaga?
Naging katanungan iyon sa utak ng binatilyo at alam niyang maaring nagiging masaya siya kasama ang kinakaptid.
Maybe I like her like a sister.
Pagkatapos niyang magluto ay mabilis siyang lumapit sa kinakapatid. Napakunot-noo pa siya ng makita ang ginagawa nito.
"Kuya tantan, tignan mo. Ang galing ko." Napatingin naman siya sa paa nitong may benda saka nag-squad para mas makita iyon. Napangiti siya ng may mabasang isang salita roon na nakapukaw ng kanyang damdamin, isang bagay na salat siya simula bata hanggang ngayong binatilyo na siya ..
Family..
Isang salita na hindi niya alam na ngayon ay nararanasan niya lalo na sa katauhan ng ninang at kinakapatid na si Denise.
"Si mama ito, tas ako sa gitna at ikaw to kuya tantan ." Natutuwa siyang tinignan ang tatlong human stick na drawing ni Denise sa kaliwa ay isang babaeng may may mahabang buhok at nakapalda kapares ng isa pang human stick na nasa gitna mas maliit iyon at ang sa dulo ay isang human stick na walang buhok.
"Bakit ganyan kalbo ako?" Natatawa na niyang tanong. Humagikhik naman si Denise na ikinataba ng puso niya.
"Kasi kuya tantan , boy ka , dapat ang boy walang buhok saka gwapo ka naman po sa drawing ko."
"Ganun? Gwapo ba ako kapagkalbo?" Pero napangiwi na lang siya ng ma-imagine ang itsura niya. Bagay man sa kanya ay hindi niya gagawin, mahirap ng mabiro na kalbo.
"Pede po kuya, pero gusto pa rin po ang buhok niyo kasi malambot." Natawa pa siya ng guluhin ng kamay nito ang buhok niya.
"Sige na kumain ka na."
"Sige po kuya tantan. Salamat po." Tahimik lang siya ng magsimulang kainin ng kinakapatid ang pancake dahil habang nakatingin siya dito ay hindi niya maiwasan na hilingin na sana ay kapatid niya na nga lang ito at ang ninang niya ng mama niya pero kahit na ganon ay masaya pa rin siya dahil ang tingin sa kanya ni Denise ay isa sa family nito.
Denise never failed to make me smile.
BINABASA MO ANG
My Little Girl .
General FictionHow love will meet ? Walang kaalam-alam ang 16 years old na si Ithan, na mag-aalaga lang pala siya ng isang 8 years old girl, kaya naman pikon na pikon siya dito o akala lang niya? Dahil sa tuwing nakikita niya ang mga asul nitong mata at kapagnati...