Accident

4K 110 0
                                    

Mabilis na lumipas ang mga araw kaya hindi napansin ni Ithan na ang dating kinaiinisan na si Denise ay naging instant bestfriend-slash-kinakapatid niya. Hindi naman niya maintindihan kung bakit kahit na sinasabi ni Denise na para na daw silang magkapatid para sa kanya ay kinakapatid niya lang ito, mas close nga lang sila.

Sobrang close sila na halos hindi na mahiwalay sa kanya ang bata kaya naman masayang-masaya ang ninang niya at lalo daw nagiging bibo ang kinakapatid niya.

"Kuya Tantan ! Tadah! Ang ganda mo na " Napalakpak pa ito ng matapos ang ginagawa sa mukha niya.

Napangiwi naman siya ng makita ang make-up na ginawa sa kanya ni Denise.

"O-oo nga ang ganda " pinilit niyang ngumiti pero napunta parin sa pagngiwi ng makita muli sa malaking salamin ang mukha niya . Sobrang puti na nga ng mukha niya tapos ay sobrang pula pa ng blush on niya at ang lipstick na kasing itim ng uling ay lagpas-lagpas pa mas napangiwi siya ng makita ang eyeliner para siyang panda sa itim ng buong paligid ng kanyang mata , in short, nagmukha siyang aswang na madungis sa kanto.

Napakunot-noo naman siya ng bumanghit ng tawa si Denise na nasa likod niya, halos mangilid na ang luha nito sa katatawa.

"Anong nakakatawa?"

"Hahaha! Si kuya Tantan uto-uto ! Hahaha ang pangit mo po kaya "

Saka tumawa ulit ng pagkalakas-lakas si Denise, namula naman siya dahil sa hiya. Talaga palang pinaglalaruan siya ng kinakapatid.

"Ganun? " Pinaningkitan niya ng mata si Denise. Naalarma naman ito saka tumatawang tumungtong sa kama niya.

"Kuya Tantan !" Napahiyaw ito ng haklatin niya ito sa braso at saka kiniliti ng kiniliti.

"Ku--ya-ta-ma-na-po-na hihi-ngal na po ako" Tinigilan niya ito ng makitang namumula na ito sa kakatawa.

"Ano pagtritripan mo pa ko?" Nakangisi niyang sabi sa kinakapatid.

"Hindi na kuya Tantan " hingal na sabi ng kinakapatid niya.

"Good " Saka siya dumiretso sa banyo para alisin ang pangit na make-up sa mukha niya. Matapos ang pag-aalis ng make-up saka lang niya naalala na nakalimutan niya pala ang bimpo niya.

"Kuya eto po bimpo "Napahinto siya ng makita ang kinakapatid na hawak ang bimpo. Napangiti naman siya sa ginawa nito.

"Salamat " Saka sila bumalik sa kama niya . Naging natural na lang sa kanila ni Denise ang maging tambayan ang kuwarto niya.

"Kuya Tantan, may crush po ba kayo? "  Nasamid naman siya sa sariling laway, napaubo tuloy siya dahil pakiramdam niya ay na out of guard siya sa tanong ng kinakapatid.

"Bakit mo naman tinatanong yan? Saka ano naman ang alam mo sa crush-crush na yan?" Pinaningkitan niya ng mata ang kinakapatid na nakaupo sa kama niya habang siya ay nakatayo.

"Kasi po si Ate Lies sabi niya crush daw ako ni Louie " Nakangiti nitong saad. Napakunot-noo naman siya.

"Sinong ate Lies yun? At sino si Louie?" Hindi niya alam kung bakit nakaramdam siya ng inis sa dalawa partikular na kay Louie.

"Si Ate Lies po kapatid po siya ng classmate ko na si Louie,siguro po kasing idad niyo po siya kuya Tantan " Mas lalo nadagdagan ang kunot sa noo ni Ithan.

"Bakit naman sinabi niya yun?" Pagtatanong niya ulit. Nakita naman niya ang pagsibangot ni Denise saka nagkandahaba-haba ang nguso.

"Lagi po kasi akong inaasar ni Louie kahit wala akong ginagawa sa kanya. Kaya po sinumbong ko po siya kay ate Lies tapos po habang pinagsasabihan si Louie biglang sinabi ni ate Lies na baka daw po crush ako ni Louie" Nakita niya na biglang napangiti si Denise kaya naman mas nakadagdag iyon sa inis niya.

My Little Girl .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon