Goodbyes

3.2K 113 5
                                    

Halata ang kasiyahan sa mukha ni Denise matapos ang party na pinuntahan nila pero walang makakatalo sa kasiyahan na nararamdaman ni Ithan dahil kagaya ng dati ay maayos na muli sila ng kinakapatid.

Kasalukuyan siyang nakahiga sa kama niya, nang biglang magring ang cellphone niya sa bed side table .

"Hello. " Hindi na niya binasa kung sino ang caller niya, madalas naman na si Karl o ang manang Flor niya ang tumatawag.

"H-hello . . .son. " Mabilis siyang napaupo saka napasandal sa headboard.

"Dad? "Hindi siya makapaniwala na tinawagan siya ng ama at pakiramdam niya ay nabingi siya ng tawagin siya nitong 'son'. 

"Son, Ithan.  Umuwi ka na. " Sabat na ang sinabi ng ama para mabilis na inilabas ni Ithan ang maleta at bag saka mabilis na isinaksak sa mga bag ang mga gamit niya pero napatigil siya ng maisip kung bakit pinauuwi siya ng ama.

"Dad, anong problema? "

"Son, I'm sick and dying. I want to see you for the last time.  " Para siyang binuhasan ng malamig na tubig dahil sa sinabi nito, hindi siya makapaniwala sa narinig mula sa ama.  Hindi niya alam kung matutuwa ba o kasusuklaman ang sakit ng kanyang ama.

"Dad, nagbibiro ba kayo?  Dad,  kung galit kayo sakin, ok lang kahit pagalitan niyo ko.  Ok lang kahit hindi niyo na ako pansinin o kahit ipadala niyo pa ko saan man lupalop man ng mundo. Please, dad wag lang ganyan. " Ithan break down, madaming beses siyang umiiyak ng dahil sa ama pero iba ngayon, ibang sakit ang nararamdaman niya.  Ama na lang niya ang meron siya, kaya nga kahit hindi siya gustong kasama o kahit makita nito, hindi niya ito iniiwan, because he loves him.

"Son, just go home. Susunduin ka ni Gilbert, he was on his way. " Hindi na siya nakasagot pero patuloy pa rin sa pag-iyak niya ng tahimik.

Pinatay na ng ama ang tawag niya, kaya nang matapos ang tawag na iyon ay napaupo siya sa kama saka pinagsusuntok ang sahig.

"Bakit ngayon lang! Fvck! Fcvk! Kelan tinawag na niya akong anak, ngayon pa ! Damn! " Napatigil lang siya sa pagsuntok ng maramdaman ang may umakap sa kanya.

"Ithan, tama na anak. Shh, Ithan magpakatatag ka para sa dad mo. "Napaiyak na lang siya sa balikat ng ninang niya. Hindi na niya inalam kung paano nakapasok ang ninang niya at kung pano nalaman nito ang kalagayan ng kanyang ama. Ang mahalaga sa kanya ay ang may malabasan ng sakit at lungkot na nararamdaman niya.

Nasa kusina sila ng kanyang ninang, hindi niya alam kung gano katagal siya umiiyak sa silid niya habang inaalo siya ng ninang niya.  Nahihiya man siya dito dahil sa pag-iyak niya ay mukhang pinagkibit balikat na lang ng ninang niya iyon, tinulungan pa siya nitong iayos ang lahat ng gamit niya.

"Eto juice, uminom ka muna habang hinihintay mo ang driver mo. " Inabot niya ang tubig na inabot ng ninang niya saka nilagok iyon.

Ilang sandali lang ay may narinig na silang ugong ng sasakyan sa labas.

"Sandali, baka ang driver mo na yan." Lumabas na nga ang ninang niya samantalang siya ay tulala pa rin at halos hindi makapaniwala sa sinabi ng kanyang ama kanikanina lang.

"Kuya Tantan? Bakit gising pa po kayo? Asan po si mama?" Napalingon siya sa nagsalita, saka lamang niya naisip ang kinakapatid. May kung anong kirot ang muling umusbong sa puso niya, hindi siya makapaniwala na sa isang araw lang ay pede palang makaramdam ng grabeng sakit ang isang tao.

"D-denise." Hindi niya alam kung bakit parang pipiyok ang boses niya. Nakita niya na napatingin ito sa bagaheng nasa tabi niya.

"Kuya tantan ,ano po yan?" Napako siya sa kinauupuan hindi niya alam kung pano ipapaliwanag sa kinakapatid ang pag-alis niya.

"Denis---"

"O anak ,bakit gising ka pa? Its already 8 pm,diba dapat nag-sleep ka na?" Nakita niya ang pagpasok ng ninang kasunod ni Gilbert. Binati siya nito,gumanti naman siya ng bati saka nilapitan nito ang bagahe at saka ito lumabas dala ang maleta niya.

"Mama, bakit po dinala nung lalaki yung maleta? Aalis po ba kayo?" Narinig niyang tanong ni Denise na ngayon ay buhat na ng kanyang ninang.

"Baby, listen, your kuya Ithan will be back home in Manila because his dad was sick. " Nakatayo na siya sa harapan ng ninang niya. Kitang-kita niya kung gaano ito, nahihirapan sa pagpapaliwanag kay Denise at naiintindihan niya ito dahil kahit siya ay hindi niya alam pano magpapaalam sa kinakapatid.

"W-what? Aalis ka na kuya Tantan? Iiwan mo na po kami? Babalik pa po ba? " Sunod-sunod na tanong sa kanya ni Denise, hindi naman niya alam kung pano sasagutin ang mga tanong nito kaya napatingin siya sa ninang niya. Naunawaan naman agad nito ang nais niyang iparating, lumapit ito sa isang bangko saka ibinababa roon ang si Denise at lumuhod ito para magkapantay ang mga mukha nito.

"Baby, hindi alam ni kuya Ithan mo kung makakabalik pa siya.  He needs to take care of his dad. "Matapos sabihin iyon ng ninang niya ay biglang umiyak si Denise.

"No! Mama! Wag mo pong paalisin si kuya tantan! Mamimiss ko po siya! "Pakiramdam ni Ithan ay dumoble ang sakit na naramdaman niya ng magtantrums ang kinakapaid, bumababa pa ito sa bangko saka ipinagpapadyak ang paa.

Niapitan niya ito saka nag-squat sa harapan nito, lumabas naman ang ninang niya ng kusina para bigyan sila ng oras na mag-usap ng kanyang kinakapatid.

"D-denise. "Hinawakan niya ang magkabilang balikat nito para huminto ito sa pagpadyak, umiiyak naman itong napabaling sa kanya saka siya niyakap.

"K-kuya tantan,wag ka na pong umalis." Umiiyak na sabi nito habang nakayakap sa kanya. Napabuga naman siya ng hangin,  nahihirapan siya lalo dahil sa nakikitang pag-iyak ni Denise.

"Denise, promise ni kuya tantan, kapaggumaling na ang dad ko, babalik ako.  Maglalaro pa rin tayo, bibili ng ice cream at maglilibot sa park, kaya sana tumahan ka na. Ayokong makita kang umiiyak ka pagpapaalis na ko. " Napatitig siyang muli sa mga asul nitong mata, nakita niya na bahagyang tumigil ito pero patuloy pa rin ang pagluha kaya pinunasan niya ang mga iyon gamit ang hinlalaki.

"Kuya.. " Patuloy pa rin ang pag-iyak ni Denise.

"Please, for me? " Kahit mukhang nahihirapan ang kinakapatid niya ay tumango ito saka pinahiran ang mga luha gamit ang likod ng mga kamay .

"Basta po k-kuya bumalik kayo. "Kahit papaano ay gumaan na ang pakiramdam niya matapos makita ang pagngiti ni Denise.

"I'll promise. " Saka niya hinalikan sa noo ang bata.

"Hihintayin po kita kuya. " Ngumiti siya dito saka tumango.

Just wait for me, I'll be back 'my little girl'.

My Little Girl .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon