Epilogue

5.7K 122 8
                                    

Umiiyak na ang batang si Denise ,nasa playground siya kung saan hinihintay ang mama niya at kuya Ithan niya. Hindi siya nito nasamahan sa summer class niya dahil na rin inasikaso nito ang pagtratransfer nito sa school na malapit din sa kanila.

"Ang bad mo Louie! Isusumbong kita sa mama ko, palagi mo kong inaaway!" Halata naman na nataranta ang batang lalaki na kalaro niya sa sinabi niya dahil mabilis na lumapit ito sa kanya saka hinawakan ang kamay niya, hinatak niya iyon saka pinunasan ang mga luha niya.

Sakto naman na dumating ang ate nito na napansin na umiiyak si Denise habang parang iiyak na rin ang kapatid nitong si Louie.

"Anong nangyari? Denise? Louie?" Nagpabaling-baling sa kanila ang ate ni Louie.

"Si Louie po! Sinasabihan niya po ako na ugly duckly! " Tinignan naman nito ang kapatid.

"Louie.. Masama iyon." Mahinahon nitong sabi sa bata na nakatungo lang.

"Magsorry ka kay Denise, gusto mo bang hindi na siya makipaglaro sayo? "
"No.. " mahinang sagot nito.

"Then say sorry. " Utos nito sa kapatid, iniangat nito ang tingin saka parang maiiyak na lumpait kay Denise.

"I-im sorry, hindi ka naman talaga ugly duckly, nag jojoke lang ako.. Sorry na Denise,bati na tayo,please wag mo na kong isumbong sa mama mo ." Tinitigan naman ni Denise si Louie .

"Hindi mo na talaga ako aawayin? " Tumango si Louie.

"Promise? " Pinunasan na ni Denise ang mga luha.

"Promise. " Ngumiti na si Denise kaya ngumiti na rin si Louie, naiiling naman si Liez sa kanila, ang cute talagang tignan ng dalawa dahil kahit lagi itong nag-aaway ay nagbabati rin naman agad.

"Naku, kayong dalawa talaga. " sinamahan muna ng magkapatid si Denise, nagbubusitan na naman muli ang dalawa kaya naman napaisip na lang bigla si Liez.

"Louie, siguro crush mo si Denise no kaya lagi mo siyang iniinis?" Nakangiti niyang biro sa kapatid, mabilis naman umiling ang kapatid nito samantalang nagtaka naman si Denise.

"Ano po yung crush? " Napansin ni Denise na natigilan ang ate Liez nila t parang napangiwi pa ito sa tanong niya.

"A, yun yung humahanga, tama.. Yung paghumahanga ka sa tao kasi mabait siya, maalaga at palagi ka niyang napapasaya. " Alanganin na sagot nito.

Napaisip naman si Denise, kung ganon ay iyon pala ang crush, hinanhangaan ang mga taobg mabait, mapag-alaga at yung napapatawa ka. Bigla ay naiisip niya ang kuya Ithan niya, naalala niya noong una silang magkita ay napasaya na siya agad nito dahil may kuya na siya! Pero hindi naman ito mabait noon,kasi masungit ito . Tinapon pa nga nito ang sandwich na ginawa niya para dito,pero bumawi naman ito ng bilan siya nito ng ice cream at bigla ay naging mabait na ang tingin niya sa kuya niya. Inaalagaan pa nga siya nito kapag wala ang mama niya at ito rin ang nagpapakain at naghahatid sa kanya ng mga nakaraang araw. Madalas pa nga siyang napapatawa nito sa mga jokes at madalas pa itong makipaglaro sa kanya ng tea party.

Napangiti siya , kung ganon ay may crush na siya ,dahil nakita niya dito ang pagiging mabait,mapag-aalaga at higit sa lahat he always make her smile.

"Oh!! Ate Liezel! " Magiliw siyang lumapit dito.

"Yes? Ang hyper mo naman.. " natatawang saad nito habang hawak ang kamay ni Louie.

"I have crush.. " Nakita niya na namilog ang mga mata nito saka napangiwi, pero sa huli ay ngumiti rin sa kanya.

"Ok, sino naman?"

"Si k---"

"Denise!.." Mabilis siya na napalingon sa tumawag sa kanya at biglang nagalak ang bata niyang puso ng makita ang kanina niya pa iniisip na crush niya.

"Kuya Tantan!" Nagtatakbo siya papalapit dito natatawa naman na sinalubong siya nito at binuhat saka hinalikan nito sa noo. She giggles ,napangiti naman ito.

Sinandal niya ang ulo sa balikat nito saka nakangiti na kumaway kila Louie ,hindi na napansin ng kuya Tantan niya ang mga ito dahil tinawag na sila ng mama niya.

Nasa kuwarto na siya ng maisipan na kuhanin niya ang isang maliit na notebook na may tatak na mga princess saka nakangiti siyang nagsulat doon.

Nalaman ko na crush ko si kuya Tantan, kasi maalaga ,mabait at lagi niya kong pinapasaya. Sana paglaki namin crush niya din ako..

Kahit hindi ganong kaganda ang sulat niya ay napapangiti siya na kinuha ang picture na nasa frame at itinupi iyon saka inipit sa notebook at nilagyan niya ng sulat sa likuran .

Ako at ang kuya Tantan.
Kuya Tantan is my crush..

Saka niya iyon inilagay sa taas ng tukador, hindi niya alam na sa simpling crush na iyon ay mas lalim iyon kahit na nakalimutan na niya ang tungkol sa notebook . Hinding hindi naman niya makakalimutan ang nag-iisang lalaki na ginusto niya.

He always stay in her heart, and keeps it for a long time, till the day will come.....

My Little Girl .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon