Seryoso lang siya na pinapanood ang batang si Denise habang nagprapractice ito ng valley class nito.
Mainiping tao siya yan ang pagkakakilala niya sa sarili pero hindi niya maintindihan kung bakit wala siyang nararamdaman na pagkabagot or inis bagkus ay nag-eenjoy siyang panoorin ang mga batang nagprapractice partikular na ang nakangiting kinakapatid na si Denise .
Well, maybe because she was cute.
Pero mabilis na iniwas ni Ithan ang tingin sa mga nagprapractice ng matapos na ang mga ito, lalo na ng makita niya ang paglapit ni Denise sa pwesto niya.
"Kuya Tantan! Napanoud mo po ako? Ang galing kong magvalley di po ba. " Tinignan niya ito sandali saka tumango saka iniwas ang tingin sa bata.
"Kuya Tantan , nagugutom na po ako" Mabilis nitong kinuha ang bag sa tabi niya. Hindi niya ito pinansin sa ginagawa kaya nagulat siya ng may ipatong itong isang plastick sa mga hita niya.
"Sandwich po kuya Tantan, ginawa ko po yan kanina. Masarap po yan, nagpaturo po ako kay mama kaninang bago siya pumasok " Kinuha niya iyon saka napalingon kay Denise na ngayon ay nakaupo na sa tabi niya.
"No, thanks" Saka niya inilagay sa ibabaw ng bag nito ang tinapay na yon.
"Sige na kuya tantan, masarap po to promise" Pilit na inaabot sa kanya nito ang tinapay.
"No, hindi ako gutom "
"Sige na kuya "
"Ayoko "
"Please po, konting kagat lang po "
"Ayoko, busog ako. Gutom ka diba kainin mo na rin yan"
"Kuya Tantan, kakain na yan"
"No"
"Sige na "
"I.SAID.NO, what is your freaking problem?"
Hindi na napigilan ni Ithan ang inis at huli na para pagsisihan ang ginawang pagtabing sa tinapay dahil nangmalalaglag ito ay naaalis na ito sa plastick.
Narinig na lang niya ang biglang pagbalahaw ng iyak ni Denise.
"Sayang yung food ! Ang bad mo kuya !" Hindi niya alam kung pano patatahanin ang bata lalo na at nakatingin na sa kanila ang iba pang taong mga nandoon.
"Hey, I'm sorry, just.. just stop crying "
Mas bumalahaw ng iyak si Denise kaya nakita niya na lumapit na ang valley instructor nito.
"Excuse me, what happen Denise?" Nilapitan nito ang bata lumuhod pa ito para magtama ang mata nito at ni Denise ,para naman kinain ng guilt si Ithan ng makita ang namumula ang ilong ni Denise.
Hindi sinagot ng bata ang tanong ng babae kaya binalingan siya nito. Napalunok siya dahil nakita na tinignan siya ng babae na para bang sinasabi nito na hindi niya dapat ginawa na pagpapaiyak.
Yeah, its look like that was a mortal sin.
"Hijo, alam kong wala ako sa posisyon na pagsabihan ka pero mali ang naging trato mo sa kapatid mo, dapat alam mo na makulit talaga ang mga bata. Kaya dapat pagpasensiyahan mo siya dahil masuwerte ka na may kapatid ka na maalaga at sweet "
Gusto man niyang itama ang sinabi ng valley instructor pero pinigil niya ang sarili dahil sa sinabi nitong kapatid.
Saka siya napalingon kay Denise , bakit niya nga trinatato ng ganon ang bata? Samantalang gusto lang naman nito na mapalapit sa kanya dahil gusto nitong maransan ang magkaroon ng kapatid at aminin niya sa hindi, ganon din naman siya gusto niyang maranasan ang magkaroon ng kapatid.
BINABASA MO ANG
My Little Girl .
Ficción GeneralHow love will meet ? Walang kaalam-alam ang 16 years old na si Ithan, na mag-aalaga lang pala siya ng isang 8 years old girl, kaya naman pikon na pikon siya dito o akala lang niya? Dahil sa tuwing nakikita niya ang mga asul nitong mata at kapagnati...