Care

3.2K 107 0
                                    

Hindi maiwasan malungkot ni Ithan para kay Denise. Nalaman niya kasi na hindi nga ito anak ng ninang niya, kaya pala kahit saan anggulo niya tignan labis na napinagtatakahan niya ang mga mata nito na maasul-asul.

Nalaman niya na inampon ito ng ninang niya noon sa Angel Orphanage , hindi daw kasi magkaanak ang dalawa pero ang hindi inaasahan ng ninang niya ay ang biglaang pagkamatay ng asawa nito. Kaya nga kahit na nahihirapan ang ninang niya sa nangyari sa asawa nito ay pilit nitong lumaban para sa anak nitong si Denise.

Napabuga na lang siya ng hangin.

"Sana pala hindi na lang ako nagtanong, tsk." Hindi niya kasi alam kung pano hindi ipapakita kay Denise ang awa na nararamdaman niya.

Ilan beses na siyang umikot-ikot sa kama pero hindi pa rin siya dalawin ng antok. Hindi niya alam kung bakit parang siya pa ang mas nasasaktan sa sitwasyon ni Denise.

Natigilan lang siya sa pagbiling-biling ng may kumatok . Agad siyang tumayo para buksan ang pinto.

"Kuya tantan." Nagulat pa siya ng makita si Denise na kinukusot ang isang mata habang may hawak na teddy bear.

"Denise,gabi na. Anong kaylangan mo?" Tinignan niya ang ayos nito. Nakapink na panjama ito at nakabunny slipper.

"Hindi ako makatulog kuya tantan." Sukat sa sinabi nito ay binuhat niya ito.

"Sige , matulog ka na ibaba na lang kita pagnakatulog ka na." Hindi na niya inabala ang pagtulog ng ninang niya. Nasanay na rin naman siya na siya ang nagpapatulog kay Denise kapagwala ang kanyang ninang .

"Good night kuya. " Nagulat siya ng halikan siya ni Denise sa pisngi saka pinalupot nito sa leeg niya ang mga braso nito at isinubsob ang ulo sa balikat niya.

Hindi niya alam kung bakit labis ang pag-aaruga niya sa kinakapatid, lalo na at nalaman niyang hindi pala totoong anak ito ng ninang niya. Alam niyang ng dahil kay Denise ay malaki ang nagbago sa kanya at is naroon ay ang pagbibigay niya ng halaga sa mga bagay o tao na nasa paligid niya.

"Good night baby."

Ilang minuto rin niyang pinaghehele ang kinakapatidbago niya hinatid ito sa kuwarto nito. Nang makitang mahibing ito ay kinuha niya ang tedsy bear na nalalag sa pinto ng kuwarto niya ar saka dahan-dahan niyang iniliyakap iyon kay Denise.

Sleep well baby.

"Kuya ! Wake up!"

"Hmm" Hindi niya pa rin pinansin si Denise at kahit ang pagtalon- talon nito sa kama. Madalas naman nito iyong ginagawa, sa tatlong buwan nilang magkasama sa iisang bahay ni Denise ay naging immune na siya sa kakulitan nito.

"Kuya tantan! Tara na po." Naramdaman niya pa na hinatak-hatak pa nito ang kamay niya, isinubsob naman niya ang mukha sa unan. Hindi para bumalik sa tulog kung hindi para itago ang ngiti na bumakas sa mukha niya.

"Kuya--Ahhh" Bigla niyang pinalupot ang isang kamay niya sa beang nito saka umupo sa kama para kilitiin si Denise.

"Diba sabi ko sayo, wag mo kong gigisingin. " Natatawang sabi niya.

"Ku-hahaha-ya" Sa huli ay tinigilan niya na ito .

"Halika na nga ." Natatawa siya na bumababa sa kama .

"Kuya"  Nilingon niya ito, natawa siya ng makitang ibinuka nito ng malawak ang mga braso nito.

"Ang bigat." Binuhat niya ito saka ibinababa sa may tapat ng pinto ng kuwarto.

"Magliligo lang ako, pakisabi kay ninang." Binuksan na niya ang pinto pero nagtaka naman siya na hindi pa rin lumabas ang kinakapatid niya.

"Kuya ." Nag-squat siya para magtama ang mga mata nila pero yumuko naman ito.

"May problema ba Denise?" Hinawakan niya ang magkabilang balikat nito para mag-angat ito ng tingin. Tumingin naman sa kanya si Denise , napansin niya na may lungkot siyang nakita sa asul na mga mata nito.

"Kuya.. hmm.. kuya .. kasi po--"

"Denise! Ithan! Tara na ,nakahanda na ang almusal. " Narinig niya ang pagsigaw sa baba ng ninang niya, kaya tumayo na siya .

"Sige na Denise. Bumababa ka na. Maliligo lang ako,paki sabi kay ninang. Mamaya na lang tayo mag-usap " Ginulo niya ang buhok nito saka ngumiti kay Denise.

"Sige po kuya. " Umalis na ito, pero may pagtataka pa rin sa isip ni Ithan kung bakit ganon ang lungkot na nakita niya sa mga mata nito.

Sabay na pumasok si Ithan at Denise ng umagang iyon, dalawang linggo na rin simula ng magstart ang klase nila at kagaya nga ng sinabi ng ninang niya ay sa school din kung saan nag-aaral si Denise siya pumapasok, grade 3 na si Denise habang siya ay nasa 4rt year high school na madalas ay siya ang sumusundo sa hapon kay Denise.

Natapos ang klase ni Ithan ng araw na iyon, may iilan na siyang kakilala sa loob ng klase niya pero hanggat maari ayaw niyang maging malapit sa mga to. Kaya ng uwian niya ay deretso na siyang bumababa sa building ng high school at pumunta sa gate ng elementary para masundo ang kinakapatid, pero malayo palang si Ithan ay nakita niya na si Denise pero hindi to nag-iisa

Mabilis na napatakbo si Ithan ng makita ang ginawa ng tatlong medyo may kalakihang babae kay Denise.

"Hoy! Anong ginagawa niyo?" Sumigaw na siya pero huli na dahil naligo na sa tubig ang kanyang kinakapatid. Nakita niya kung pano bumakas ang gulat sa mukha ni Denise at yumuko ito.

Hindi na kinaya ni Ithan ang nakita kaya ng tatakbo na ang tatlong bata ay hinablot niya ang isa.

"Saan ka pupunta ?" Galit na galit siya lalo na at nakita niya na mismong babaeng hawak niya sa braso ang nagbuhos ng tubig na nasa bote kay Denise.

"Aray ko po. " Sabi ng batang babae pero hindi niya pinansin iyon.

"Ku-kuya tantan. " Naramdaman niya ang paghawak ni Denise sa dulo ng uniform niya pero narinig niya ang paghikbi nito na kanyang mas kinagalit sa babaeng hawak niya.

"Ikaw! Sino ka sa akala mo para gawin iyon? Gusto mo ikaw ang buhusan ko ng tubig ha!" Dinuro-duro niya pa ang batang babae ,halos makalimutan niya na nabukod sa babae na ito ay bata rin ang kaharap niya. Halos matakot naman ang batang babae dahil sa galit na mukha ni Ithan.

"Ku-kuya tantan, tama na po" Naramdaman niya na hinahatak pa ni Denise ang damit niya.

"Makinig ka! Sa susunod na ulitin mo ang ginawa mo, hindi lang yan ang aabutin mo sakin. Naiintindihan mo?!" Saka niya binitawan ang braso ng batang babae , umiiyak naman ito na nagtatakbo palayo sa kanila. Humarap naman siya kay Denise at nagpupuyos ang kalooban niya dahil mukha itong basang sisiw.

"Anong klaseng bata yun! Tignan mo , binuhusan ka ng tubig! " Tinanggal niya ang suot niyang uniform may sando naman siya sa loob kaya inalis niya iyon saka ipinatong kay Denise.

"Halika na ,wag ka ng umiyak." Binuhat niya ito,tahimik naman si Denise na yumukyok sa balikat niya habang nakapatong ang braso sa magkabilang balikat niya.

"Sa susunod magsusumbong ka sa mga guro o kaya kahit sakin kapag may gumagawa sayo ng ganon. Nakakainis talaga ." Dahil sa binatilyo pa lamang siya at may pagkarebelde , alam ni Ithan na kapagnaulit muli ang ginawa ng batang babaeng iyon sa kinakapatid niya paniguradong tuluyan na niyang makakalimutan na bata iyon at babae .

Pag-hindi nila tinigilan si Denise ,tignan ko lang kung hindi sila umiyak araw-araw.

"S-salamat po kuya Tantan." Nawalang parang bula ang galit niya ng yumakap ng mahigpit sa leeg niya si Denise pero nakasubsob parin sa balikat niya. Hinimas-himas niya ang buhok nito gamit ang isang kamay , saka siya naglakad habang buhat ang bata .

"Sige na tumahan ka na, mamaya sasabihin natin lahat kay ninang ang nangyari." Pag-aalo niya kay Denise , naramadaman niya na humina ang paghikbi ni Denise.

"K-kuya , salamat po talaga. I love you po kuya Tantan."

Muli hindi maintindihan ni Ithan kung ano ang ibig sabihin ng ligaw na pakiramdam na nagpabilis ng tibok ng puso niya , pero sa huli pinili niyang baliwalain iyon.

"I love you too baby."

My Little Girl .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon