Isang buwan matapos ang nakita niyang pambully kay Denise, pumunta sila ng ninang niya sa guidance counselor nagkaharap-harap ang lahat, pero kahit na pinatawan na ang tatlong babae na nalaman niyang nasa ikaanim na baitang, hindi pa rin napigilan ang inis sa tatlo kaya matapos ang pag-uusap na yun. May ginawa pa rin siyang aksiyon para mas makasiguradong hindi na muling lalapitan ng tatlong babae ang kanyang kinakapatid.
Kinabukasan, hindi siya pumasok sa pang-umagang klase at nagtungo sa kabilang building kung saan nandoon ang tatlo, saktong nakita niya ang mga ito. Pagkakita niya ay agad niyang nilapitan, masuwerte siya at walang tao sa lugar ng nilapitan niya ang tatlo at walang pasabi na bigla niyang binuhusan ang tatlo ng mineral water na dala niya .
"You better remember this, no one can hurts my little girl."
Matalim na tingin ang ipinukol niya sa tatlo ng makita niyang nagsitango ito ay saka lang siya ngumisi at umalis.
"Kuya Tantan!" Saka lang siya napalingon sa tumawag sa kanya. Napangiti siya ng makita ang pagtakbo ni Denise, papunta sa kanya. Nag-squat siya at ibinuka ang dalawang braso saka naman nag-dive si Denise sa kanya para yakapin siya.
"Kuya Tantan! Tignan mo , may certificate ako. " Binuhat niya ito para magpantay ang mukha nila ng kinakapatid.
"Wow! Ang galing best in project. " Nabasa niya ng kunin niya sa isang kamay nito iyon. Saka ibinalik iyon kay Denise at ginulo ang buhok nito gamit ang kanyang isang kamay.
"Kuya libre mo kong ice cream?" Lumapad lalo ang ngiti niya, saka napailing-iling. Mukha kasing mauutakan na naman siya ng kinakapatid.
"O sige halika na nga, basta uminom ka ng maraming tubig baka sumakit na naman yang lalamunan mo." Mabilis naman itong tumago at ibinababa niya ito, sabay silang lumabas ng gate ng building ni Denise saka tumawid lang sila dahil may nakita siyang nagtitinda ng ice cream.
"Magkano po manong?"
"May 5,10 saka kinse."
"Dalawang kinse po." Nagscoop naman agad ang matanda, napapangiti naman siya kay Denise dahil ang likot-likot nito at nagtatalon ba habang hinihintay ang ice cream.
"Salamat po." Inabot na niya ang bayad sa tindero saka muling hinawakan ang isang kamay ni Denise na walang hawak.
Pagtawid nila ay mabilis niyang inubos ang ice cream.
"Denise!" Sabay pa silang napalingon ni Denise sa gate ng school.
"Louie!" Hinatak ni Denise ang isang kamay sa kanya para makalapit sa batang lalaki, may kung anong umusbong na pinong kurot sa puso niya, para bang may nawalang isang parte noon ng bumitaw sa kanya si Denise at tinungo ang kaibiga.
"Louie! Uuwi na kayo?" Saka niya lang napansin ang babaeng kasama ni Louie. Ngumiti naman sa kanya ang babae ng magtama ang mata nila , tinanguan niya lang ito saka lumapit sa gilid ni Denise.
"Oo, Denise uuwi na kami, may gusto lang sabihin sayo si Louie. " Yung babae ang sumagot sa tanong ni Denise. Alam niyang kagaya niya ay doon din nag-aaral ang babae dahil uniform at logo ng school ang nakita niya sa suot nito, saka nakikita niya rin ito minsan sa kanilang building.
"Iinvite sana kita sa birthday ko, eto invitation card yan. "
"Wow! Sige sige! Salamat Louie." Nagpaalam din agad si Louie, napailing-iling na naman siya, hindi niya alam kung ganon lang talaga ang batang lalaki dahil kagaya dati ay para siyang hindi nag-e-excise sa harapan nito.
"Tara na Denise." Kinuha niya muli ang kamay nito. Ubos na ang ice cream nito, pagkahawak na pagkahawak niya ng kamay ng kinakapatid ay pakiramdam niya,may kung anong muling nakumpleto sa kanya.
That's weird.
Ilan sandali lang ay dumating na ang ninang niya para sunduin sila.
"Mama look! Inivite ako ni Louie sa birthday niya!" Halatang exited ang kinakapatid niya dahil hindi pa umaadar ang kotse ay pinakita na agad na ang invitation card.
"Really? Kelan ba yan?-- oh, sa saturday na pala. Gusto mong bumili na tayo ng gift?" Ibinalik muli ng ninang niya kay Denise ang invitation card saka pinaadar na ang kotse.
Nasa likuran siya habang nasa passenger seat si Denise.
"Yes mama! Sige po!"
"Ikaw Ithan, gusto mong sumama?"
"Hindi na po. I'll stay home." Hindi niya alam kung bakit parang bigla siyang nawala sa mood ng makitang parang nakalimutan na siya ng kinakapatid.
Noon kasi pipilitin siya nitong sumama pero nakauwi na sila at nakapagbihis ay hindi siya nito niyaya .
"Bye bye kuya! Ibibili na lang po kita ng pasalubong. Diba mama?"
"Oo .. sige ithan, sandali lang kami, ayoko rin na masyado kaming gabihin sa labas." Tumango lang siya sa ninang, mas lalo siyang nakaramdam ng kirot ng hindi man lang siya kiniss ni Denise sa pisngi o kaya ay kumaway man lang.
Pagkasarang-pagkasara niya ng gate at main door ay agad siyang umakyat sa itaas.
Napasubsub siya sa unan sa kama niya.
Aggh! What's fvcking wrong with me?.
Hindi niya maintindihan kung bakit unti-unti ay nakakaramdam siya muli ng inis sa sarili. Saka naiisip ang kinakapatid, at may kung anong kirot ang na naramdaman sa kanyang dibdib.
Why I feel like this? I feel I was incomplete.
BINABASA MO ANG
My Little Girl .
General FictionHow love will meet ? Walang kaalam-alam ang 16 years old na si Ithan, na mag-aalaga lang pala siya ng isang 8 years old girl, kaya naman pikon na pikon siya dito o akala lang niya? Dahil sa tuwing nakikita niya ang mga asul nitong mata at kapagnati...