Pagkakita sa ama ay tuluyan ng tumulo ang mga luha niya.
"Anak, halika." Napakurap siya saka napatitig sa ama, tama nga ,tinatawag na siya nitong anak, pero bakit hindi niya kayang ngumiti? Nasasaktan siya ..
"D-dad.." Napaiyak na siyang tuluyan, wala na siyang pakiaalam sa itsura niya, ama niya ang nakahiga ngayon at kitang-kita niya ang sobrang pagbagsak ng katawan nito.
"Come son.." Binuksan nito ang mga braso at para siyang bumalik sa pagiging bata. Tumakbo siya palapit sa ama at niyakap ito, umiyak siya ng umiyak.
"I-m sorry dad, sorry." Narinig niya ang pagtawa ng ama pero halatang nahihirapan na din ito.
"Ano bang sinasabi mo? A-ako ang dapat na mag-sorry sayo." Humiwalay siya dito at saka ito nagpumilit umupo kahit nahihirapan ng kumilos ,inalalayan niya ito, ngumiti ito saka inilagay ang kamay nito sa balikat niya.
"Anak, patawarin mo ko, sa l-lahat ng ipinakita ko sayo.." Nakita niya ang pagpatak ng luha ng kanyang ama kaya naman muli ay napaiyak na siya.
"D-dad.."
"Anak, kung mawawala man ako, ayokong umalis na galit ka sakin.. " Umiling siya, ayaw niyang iwan siya ng ama, hindi ngayon kung kelan nakikita niya ang isang emosyon na kaytagal niyang hiniling na makita.
"Patawarin mo ko anak, a-alam kong mali ang paraan ko pero believed me, mahal na mahal kita." Niyakap niya ang ama.
"Mahal na mahal ko po kayo dad.."
Kapwa silang umiiyak habang magkayakap, alam ni Ithan na simula na iyon ng paglalapit nilang mag-ama at isa lang ang sinisigurado niya, kaylangan gumaling ng kanyang ama. He will do anything para gumaling ito.
---
Tinulungan niya makababa ang dad niya sa hagdan ng bahay nila."Hindi ka ba nahihirapan anak?" Napangiti naman siya sa ama .
"Hindi po, saka parang bonding na rin po natin to dad." Nakangiti niyang sagot ,ngumiti rin ang ama niya sa kanya, saka patuloy na inalalayan ito. Kahit naman kasi nahihirapan siya hindi siya aamin sa ama, dahil kagaya ng sinabi niya he was longing for his father attention.
Nakababa na sila ng lumapit si Manang Flor sa kanila.
"Magandang umaga po Sir Ian at Sir Ithan, dumating na po ang bisita niyo,pinatuloy ko na po sa sala."
"Ganon ba ,sige at pupuntahan na namin ni Ithan, pakihanda mo na ang mga almusal."
Pagkaalis ni Manang Flor ay nagtataka na tinanong niya ang ama.
"May bisita po pala tayo, business matter po ba?"
"You will see." Nahiwagaan naman siya sa ngiti nito pero sa huli ay pinagkibit balikat na lang niya iyon saka inalalayan ang ama papunta sa sala.
"Kuya Tantan!!"
"Denise!" Inalalayan niyang umupo ang ama saka mabilis na sinalubong ang batang patakbo sa kanya.
"Kuya namiss po kita." Lumuhod siya saka niyakap ito, hindi niya maintindihan ang sarili pero kahit siya ay sobrang namiss ang kinakapatid.
"Namiss din kita." Para naman mas lalong nagwala ang puso ng binatilyo ng humagikhik ito, pinagwalang bahala na lang niya iyon,dahil masaya siya ng mga oras na iyon.
Inilayo niya ang kinakapatid sa kanya saka siya tumayo, hindi maalis-alis ang ngiti niya ng hawakan niya ang kamay nito saka lumingon sa ninang Don niya na halata rin ang saya sa mga ngiti.
"Ninang!" Lumapit siya dito saka nagmano.
"Ithan, anak, namiss ka na ni Denise. " Napangiti siyang niyoko ang kinakapatid, ngiting ngiti naman si Denise sa kanya.
"Halika ipakikilala kita sa dad ko."
"May papa ka pala kuya? Sige po.." Masigla nitong sagot ,lumapit siya sa ama ,hindi niya alam kung bakit ganon siya kaexcited na ipakilala sa ama ang kinakapatid.
"Dad, ito po si Denise." Ngumiti ang ama niya, pero napalingon siya sa kinakapatid ng maramdaman na nagtago ito sa likuran niya, narinig naman niya ang mahinang pagtawa ng papa niya.
"Denise ,right?" Ngumiti ang papa niya kaya naman sumungaw na si Denise.
"Opo." Saka unti-unting umalis sa likuran niya.
"Ako si Ian, papa ako ni kuya Tantan mo." Napangiwi siya ng makita ang nakakalokong ngiti ng papa niya.
"Hello po, ako po si Denise Varens, mama ko po si Donna Varens." Binitawan niya si Denise saka ito nagmano sa ama niyang hindi maalis-alis ang ngiti.
"Your so adorable and your eyes it was beautiful , did you know it?"
"Ha? Ano daw po kuya Tantan?" Sabay-sabay pa silang tumawa dahil sa sinabi ni Denise.
Kahit na mabigat ang kinakapatid ay binuhat niya ito.
"Ang cute mo daw.." Ngumiti ng malawak si Denise sa ama niya.
"Salamat po! "
Sabay-sabay na silang nagtungo sa kusina kasabay ng pagsasabi ng ama na doon muna tutuloy ang ninang niya at si Denise, sobrang saya niya dahil sa sinabi ng ama.
"Ithan, anak.." Napalingon siya sa ama, nasa silid sila nito, hinatid niya ito para magpahinga.
"Bakit po dad?" Ngumiti ito sa kanya.
"You just have to wait in the right time, and promise me ,you won't do anything just to convince your mind that will breaks your heart."
Napakunot noo siya saka napakamot sa ulo .
"Ha? Hindi ko naman kayo maintindihan dad." Natawa ang papa niya saka ito ,umiling pero nandoon pa rin ang kakaibang ngiti dito.
"Sa tamang panahon ,maiintindihan mo rin ,but now you need to build yourself as a true man."
Mas lalo lang siyang nalito para sa sinabi ng ama.
Build myself? Para saan?
BINABASA MO ANG
My Little Girl .
Tiểu Thuyết ChungHow love will meet ? Walang kaalam-alam ang 16 years old na si Ithan, na mag-aalaga lang pala siya ng isang 8 years old girl, kaya naman pikon na pikon siya dito o akala lang niya? Dahil sa tuwing nakikita niya ang mga asul nitong mata at kapagnati...