Hindi niya maiwasan na magtaas ng boses dahil sa sinabi ng kanya ng kanyang ama.
"No dad, you gotta be kidding me "
Tinignan naman siya ng masama ng kanyang ama kaya naman pinigilan niyang magsalita ulit .
"Mukha ba akong nagbibiro Ithan ? Wala ka ng magagawa kundi ang sumunod saakin, or else I call your mom and make her get you . "
Tinitigan niya ang ama at hindi siya makapaniwala na seryoso nga ito sa pagbabanta.
"But dad--"
" No more buts,Ithan ! My decision is final. Now packs your thing "
Hindi na siya hinintay na magsalita ng ama at saka lumabas ito ng kuwarto niya.
That svck ! Great its totally nightmare !
Padaskol niyang inilabas ang mga gamit sa drawer.
Hindi niya maintindihan ang sariling ama kung bakit siya gaanoon tratuhin nito. Simula pa lang ng magkaisip siya pakiramdam niya ay para siyang hindi kadugo kung pakitunguhan ng ama. Nandoong sinisigawan siya sa harapan ng mga kasambahay nila at minsan pa ay pinapahiya siya sa harapan ng mga kasosyo nito sa trabaho sa tuwing may bumibisita sa ama. Isa lang ang naiintindihan niya sa lahat ng ginagawa ng ama, he doesn't want me here . Simula kasi ng magkaisip siya ay saka niya nalaman na kaya pala hindi nakikita ang sariling ina dahil nabuntis lang ito ng ama ng hindi sinasadya sa New York noong kapwa nalasing sa isang bar doon pero ang inaakala na one night stand lang ay naging disaster sa dalawa dahil na buo siya, the unwanted child, yaan ang palaging pinamumukha ng ama dahil matapos na ipanganak ay dinala siya ng ina sa Pilipinas para ibigay sa ama . Kaya kahit minsan hindi niya nadanas ang magkaroon ng ina, well, even a father . Dahil mas gugustuhin nitong kasama ang mga papeles nito sa opisina kesa sa kanya kaya ng magbinata siya ay hindi siya nakaramdam ng kahit konting pagmamahal sa ama kaya ang kinalabasan, naging rebelde siya.
Ibinagsak niya ang sarili sa kama saka naman tumunog ang kanyang cellphone na nasa ibabaw ng kama niya. Mabilis niyang dinampot iyon saka umupo para basahin kung sino ang tumarawag.
Karl's calling..
"Hello " matabang niyang sagot sa kaibigan.
"Yow bro? Anong nangyari? Bakit bigla kang nawala sa party ?"
Naibukol naman niya ang dila sa loob ng pisngi na tanda na inis siya dahil sa pagkapaalala ng dahilan kung bakit siya ngayon pinarurusahan ng ama.
"Gago ka. Bakit hindi mo sinabi na tumawag sayo ang papa ko ? Shvt"
Natatawa naman ang lalaki sa kabilang linya dahil sa murang nakamit niya dito.
"I think your dad did something again to you?"
Halata na nakangisi ito sa kabilang linya. Kung hindi niya siguro kaibigan ito iisipin niyang ipinagkanulo siya nito sa sariling ama.
"Yeah, he send me in my godmother province and its shvt! How can I survive there ? "
Natawa naman ang sa kabilang linya.
"Really men ? Ohh then good luck. Malay mo doon ka tumino at mahanap ang tunay na forever "
Sabay bunghalit muli nito ng tawa. Naiinis man ay nakitawa na siya sa kaibigan .
"Gago! Sige na ! Baka masabon na naman ako kapag hindi pa ko kumilos"
Matapos ang usapan na iyon mabilis niyang inayos ang bagahe niya.
Hindi naman siya kasing sama ng iniisip ng ama pero hindi niya lang talaga malaman kung pano pakikitungahan ito kaya ng makahanap ng kaibigan sa katauhan ng kanyang high school classmate na si Karl ay madalas na silang magkasama simula freshmen sila hanggang ngayon na 3rd year na silang dalawa katatapos pa lamang ng klase nila kaya dapat ay nag-eenjoy siya dahil summer na. Hindi naman bad influence ang kaibigan sadyang nagkataon lang na gumimik sila kagabi at kung kelan naisip niyang magsaya doon pa siya naisip hanapin ng ama .
BINABASA MO ANG
My Little Girl .
General FictionHow love will meet ? Walang kaalam-alam ang 16 years old na si Ithan, na mag-aalaga lang pala siya ng isang 8 years old girl, kaya naman pikon na pikon siya dito o akala lang niya? Dahil sa tuwing nakikita niya ang mga asul nitong mata at kapagnati...