Tutok na tutok ang binatilyong si Ithan sa monitor ng laptop niya habang hinihintay ang pagsagot ni Denise doon, tatlong buwan na simula ng umalis sila Denise at ang ninang Don niya kasama ang mga tunay na magulang nito.
Sa tatlong buwan na iyon ay nilibang niya ang sarili dahil hindi pa nila macontact ang ninang niya, dahil ayon na rin sa ama niya ay inaayos nito ang pagDDNA test kay Denise at pinaghahandaan na din daw ng mga ito ang kaarawan ni Denise sa susunod na linggo, kaya naman talagang nalungkot siya, dahil na kahit sandali hindi niya makakasama ang kinakapatid niya.
"Kuya tantan!" Automatiko na napatuwid siya ng upo saka inayos ang buhok niya, ngumiti siya saka kinawayan ang kinakapatid .
"Denise! " Napatitig siya kay Denise ,hindi niya alam kubg bakit inaaral niya ang itsura nito.
"Kuya tantan! Ang galing nakakausap po talaga kita.Ang galing! ... Mama , tignan mo si kuya tantan, kausap ko po."
Narinig niya naman ang pagtawa ng ninang niya sa kabila saka ito biglang lumitaw sa monitor.
"Hello, Ithan, kamusta na?" Nakangiting tanong nito.
"Ok naman po , kayo po ninang kamusta na ?"
"Ok naman kami, Denise was trying to cope up here ,but I know she will be fine in a few more months."
Nakita niya ang kakaibang lungkot sa mata ng ninang niya pero maya maya ay ngumiti rin ito.
"Mama,kami naman po ni kuya tantan ang mag-uusap. Madami po akong kukuwento sa kanya." Natatawa ang ninang niyang nagpaalam sa kanya saka nawala na sa monitor.
"Hello, princess, kamusta ka na? Nag-eenjoy ka ba diyan?"
"Opo! Ang dami pong toys dito, saka ang laki ng house nila mommy Ky at daddy Pao." Bibong sagot nito.
"Sila ba yung kasama niyo diyan? Mukhang close na kayo ng daddy at mommy mo." Ngumiti siya dito.
"Opo, ang babait po nila, kahit minsan hindi ko po maintindihan sinasabi nila."
"Matutunan mo rin yon, just be a good girl ok?"
"Opo, good girl po ako! Promised." Tinaas pa nito ang kanang kamay.
Natawa na lang siya sa sinabi nito.Matagal na nagkuwentuhan sila ni Denise ,hindi na niya na nga napansin na nalibang na pala siya.
"Kuya ,matutulog na po ako, good night po." Humihikab na ito saka kumaway, nakaramdam naman siya ng lungkot pero hindi naman niya pwedeng pilitin si Denise.
"Sige, good night Denise.. I miss you .." Mahina lang ang huling linya niya, nakita niya kung pano nawala ito sa monitor. Nakatitig lang siya doon, saka niya in-end ang video call.
Napabuga siya ng hangin saka isinara ang laptop, bigla ay nakaramdam siya ng pananamlay.
Kelan ko kaya makikita si Denise, namimiss ko na ang kakulitan niya.
---
Kaarawan ni Denise kaya naman kahit madaling araw ay nagbihis siya saka inayos ang sarili, gusto niyang makita ang birthday party ng kinakapatid."Manang Flor ok na po ba ang suot ko?" Nilingon niya ang manang Flor niya, ginising niya ito para ipakita ang suot niya.
"Oo ang gwapo mo, pero teka, aano ka ba at alas tres pa lang ng madaling araw ay nakaporma ka?"
"Birthday po ni Denise ngayon." Nakangiti niyang sagot, nakita naman niya ang gulat sa mukha nito.
"Abay, bakit naggayak ka? Pupunta ka ba sa Italy? Alam ba iyan ng papa mo? Saka mag-isa ka lang? Naku, hijo magagalit si Sir Ian niyan. " natawa naman siya sa sunud-sunod na tanong ng manang Flor niya kaya inakbayan niya ito.
"Manag hindi po ako aalis."
"Ha? E aano ka? Saka akala ko ba sa birthday ka ni Denise pupunta?"
Nakangiting humiwalay dito saka lumakad palapit sa couch kung saan may small table.
"Oo nga po, birthday ni Denise ngayon, at gusto ko siyang batiin sa pamamagitan ng laptop." Natatawang sagot niya.
"Hay, nakung bata ka, ganon ba? Akala ko namanay lilipad ka papunta sa Italy ,naku paniguradong magagalit ang papa mo sayo."
"Hindi po no, saka wala pa po akong budget para pumunta doon." Pero sa isipan niya ay alam niyang kapagdumating ang oras na pinayagan siya ng ama at may ipon na siya, baka, posibleng pumunta siya sa Italy para makita ang kinakapatid.
Naramdaman niya ang pagtabi ng manang Flor niya sa tabi niya,nilingon niya ito, nagtaka naman siya sa kakaibang ngiti nito.
"May problema po ba?" Umiling ito saka hinimas himas ang buhok niya.
"Binata ka na talaga, tignan mo at nakaporma ka na, hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit kaylangan mo pang gumayak ng ganyan samantalang nasa pilipinas ka lang naman at nasa kabilang bahagi ng mundo si Denise. Siguro nga hijo, siguro nga ganon siya kahalaga sayo, dahil ginawa mo ang lahat ng ito. Alam kong hindi mo pa nauunawaanang lahat pero kapagdumating ang araw na alam mo na ang mga bagay-bagay sana ay maging mas mapagtyaga at unawa ka sa pangyayari, kakaiba ka talagang bata Ithan."
Nalilitong tumitig siya kay Manang Flor ,nawierduhan siya sa sinabi nito, lalo na at wala naman siyang maintindihan.
"Hindi ko naman po kayo maintindihan Manang flor."
"Sa tamang panahon,mauunawaan mo rin. Basta kung dumating ang oras na iyon, wag kang matakot na sundin ang puso mo, dahil iyan ang magpapasaya sayo."
Makahulugan nitong saad, mas lalo naman siyang nalito kaya naman kesa isipin ang sinabi ni manang Flor ay nagkibit balikat na lang siya saka binuksan ang laptop niya.
Nagpaalam na ang matanda para bumalik sa silid nito, hinintay niya ang pagsagot ni Denise sa kabilang linya pero ilang beses na ay hindi nito iyon sinasagot.
Gusto na niyang mainis dahil naka-online naman ang account ng ninang niya pero wala pa din sumasagot, sinubukan niya pa pero para siyang maiiyak dahil nakita niya na nagliliwanag na sa labas ay hindi pa rin sinasagot ng ninang niya o kahit ni Denise ang tawag niya.
Nakarinig siya ng sunod-sunod na katok sa pinto,pero hindi niya pinansin iyon, pinilit niyang i redial ang ninang pero wala pa din, napahagod na siya sa buhok niya .
"Son.." Napalingon siya sa ama.
"D-dad good morning." Pinigil niya ang mapiyok sa harapan nito.
"Son, stop calling Denise, stop bothering them. They don't need us anymore.." Napasinghap siya sa sinabi ng ama ,hindi na siya nakapagtanong sa ama ng tumalikod ito.
"D-dad what are you talking about?"
"Ithan, just do what I have said, its for us... for all of us.. " Lumabas na ito, samantala siya ay natulala lang.
What's happening here?
BINABASA MO ANG
My Little Girl .
General FictionHow love will meet ? Walang kaalam-alam ang 16 years old na si Ithan, na mag-aalaga lang pala siya ng isang 8 years old girl, kaya naman pikon na pikon siya dito o akala lang niya? Dahil sa tuwing nakikita niya ang mga asul nitong mata at kapagnati...